CHAPTER FIVE
"AYAN! Siya 'yong ambisyosa. Tignan mo ang hitsura, 'di ba? Ang sakit niya sa mata!"
"Ano nga kaya ang nakain ni Jethro at nasikmurang makipag-usap diyan? Baka nagpapaturo lang ng assignments kaya nilalapitan siya."
"Ang sabihin n'yo, masiyadong na-overwhelm si Jethro sa ganda ni Cynthia. Kaya habang wala si girl, naghanap siya ng kabaliktaran ng hitsura ng girlfriend niya!"
Ilang buwan na rin ang lumipas magmula nang maging magkaibigan sina Jethro at Aya. Marami na ang nakakapansin sa closeness nila, marami ang nang-iintriga. Pero lahat ng iyon pinagtatawanan lang nila ng binata.
"Naku, girl. Huwag na nga nating pag-aksayahan ng panahon ang babaeng 'yan. Hayaan muna natin si Jethro sa trip niya. I'm sure, magigising din siya sa kalokohan niyang ito."
"Tama ka diyan!"
Sabay-sabay na tumingin pa kay Aya ang mga babae. Ngumiti pa ang mga iyon ng nakakaloko bago umalis.
Napailing-iling na lang siya. Sa sobrang dami ng panlalait na naririnig niya magmula pa noon ay natatawa na lang siya minsan. Bihirang-bihira na ngayon iyong mapikon siya.
"Aya! Aya!"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jethro. Ang alam niya ay hindi ito pumasok dahil may sakit ito. Ano ang ginagawa nito dito? Magaling na ba ito?
"Hey, I thought you're sick?" aniya sa binata nang makalapit ito sa kinaroroonan niya.
"Tumabi ito sa kanya. "Masakit lang ang ulo ko pero kaya ko namang tumayo at maglakad kaya pumasok na ako."
Hinipo niya ang noo nito. Mainit iyon. "May lagnat ka, Jethro. Ano ba ang pumasok diyan sa kukote mo at pinilit mo ang sariling pumasok?"
"Kaya ko nga," pagpupumilit pa nito. "Tignan mo kaya ko pa ring gawin sa'yo 'to." Pinisil nito ang dalawang pisngi niya. Nakatuwaang gawin nito iyon sa lumipas na buwan. "'Kitams?"
Tinabig niya ang dalawang kamay nito. "Lokohin mo ang lelang mo! Kahit ano'ng gawin mo, halatang may sakit ka, Jethro. Kalokohan mo talaga. 'Buti pinayagan ka ng tita mo na umalis ng bahay at pumasok. Teka, don't tell me na tumakas ka?"
Tumawa ito. "Ginagawa mo naman akong bata. I'm already twenty- one. Mas matanda pa nga ako sa'yo pero gano'n na lang kung pagsabihan mo ako, Aya."
Sinimangutan niya ito. "Pinagsasabihan lang naman kita kasi pasaway ka." Mahinang tinapik niya ang balikat nito. Umaray ito. "Tignan mo, mahinang tapik lang nasaktan ka na. Ibig sabihin masama talaga ang pakiramdam mo. Umuwi ka na sa inyo. Hahatid kita."
BINABASA MO ANG
Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?
Storie d'amoreYear Published: 2011 Tampulan ng tukso sa eskuwelahang pinapasukan si Aya dahil sa makalumang pananamit niya. Hindi na lang niya pinapansin iyon kahit pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Sanay na siya roon. Ngunit nang minsang pag-trip-an s...