Untitled Part 6

404 37 1
                                    


CHAPTER SIX

"HINDI ko alam na mahilig ka pala manood ng ganyan?"

Hindi nakuhang tumugon ni Aya sa sinabing iyong ng kuya Sean niya. Nanatili ang pansin niya sa television.

"Ano ba ang mapapala mo sa panonood ng drama na 'yan? Kasama ba 'yan sa test n'yo?"

"Tignan mo ang babaeng ito, Kuya." Itinuro niya ang telebisyon. "Maganda ba siya para sa'yo?"

"Puwede na," balewalang komento ng kuya niya.

Pinalakihan niya ito ng mata. "Anong puwede na? Ang ganda-ganda kaya niya! Mas maganda pa nga siya sa personal."

Nangunot ang noo ng kuya Sean niya. "You know that girl personally? Is she your friend? Kaya ba inuubos mo ang oras mo sa panonood niyan?"

"She's my schoolmate. Anak ng dean namin."

Nagkibit-balikat lang ito. "I see." Itinuloy na ng kapatid ang pagkalikot sa cell phone nito.

"Pero, Kuya. Nagagandahan ka nga sa kanya?" pangungulit niya pa. "I know na marami ka nang nakasalamuhang magagandang babae sa buong-buhay mo. Pero kung makakasalubong mo itong schoolmate ko, hahanga ka ba sa kagandahan niya?"

Kanina pa siya nasa harapan ng TV at pinapanood ang soap opera na kinabibilangan ni Cynthia Nolasco.

Ibinalik ng Kuya Sean niya ang pansin nito sa kanya. "Nope. She's too ordinary."

"Too ordinary?" bulalas niya. "That's... that's an obnoxious thing to say!"

"What's the deal with this soap opera girl? Bakit masiyado kang apektado sa comments ko sa kanya?"

"Kasi naman, Kuya. Cynthia is no ordinary girl. Popular siya sa buong university. She's the most beautiful tapos sasabihin mo she's too ordinary? What the heck?"

"Little sister," ibinaba nito ang hawak na cell phone bago magpatuloy sa pagsasalita. "Nakita mo naman 'yong mga Brazilian models na nagkalat dito sa Pilipinas? Well, mas marami sila sa mga bansang pinaggalingan ko. Hindi mo ba napapansin na halos magkakamukha na sila? I admit, they're really beautiful pero 'pag araw-araw mo nang nakikita ang mga mukha nila tapos magkakasama pa sila parang nagiging ordinaryo na lang ang dating nila. Nawawalan na ng karakter. The same goes to that schoolmate of yours. Ilang artista ba ang katulad niyang mestiza? Katulad niyang mahabang buhok? Para sa 'kin she's too ordinary kasi wala siyang unique features na kapag naalala mo, eh, instant na mare-recognize mo siya sa karamihan."

"Gano'n?" Hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinabi ng kapatid. "Well, kanya-kanya nga siguro ng taste 'yan. Depende na lang 'yon sa tao, 'di ba?"

Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon