Untitled Part 10

681 50 3
                                    


CHAPTER TEN

NAALIMPUNGATAN si Aya dahil naramdaman niyang may humahaplos ng buhok niya. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakayuko sa hospital bed. Ganoon na lang ang tuwa niya nang makitang gising na si Jethro at ito ang humahaplos sa buhok niya.

"Jethro..."

"Good morning, Aya..." nakangiting wika nito.

Doon niya napansin na magkahawak pa rin ang mga kamay nila. Ang isang kamay naman nito na kanina ay humahaplos sa buhok niya ay dumapo sa kanang pisngi niya.

Napaiyak siya. "I'm sorry, Jethro..."

Pinunasan ng hinlalaki nito ang luha niya. "Ano ba iniiyak mo diyan? Buhay na buhay pa 'ko. Hindi mo rin kailangang mag-sorry sa akin."

"Mahal kita, Jethro. Gusto kong malaman mo na mahal kita." Buong-pusong pahayag niya dito. "Handa na akong ipaglaban ka."

"Bagay sa'yo ang buhok mo," sambit nito. Parang wala itong narinig sa mga sinabi niya.

"Kailangan ba talagang buhok ko ang pag-usapan natin pagkatapos kong sabihin sa'yo na mahal kita at handa na kitang ipaglaban?"

Mahinang tumawa ito. "Napikon ka na naman. Dalawang buwan tayong hindi nagpansinan. Malamig tuloy ang naging pasko ko." Nakuha pa nitong magbiro sa kabila ng kalagayan nito. "I missed you. Tiniis ko ang sarili ko na huwag kang pansinin kahit pa ang ikulong ka sa mga bisig ko ang nais kong gawin 'pag nakikita kita. Hindi mo siguro napapansin pero lagi kitang pinagmamasadan 'pag may pagkakataon ako at hindi ka nakatingin. Sa tuwing nakikita kitang mag-isa, todo-todo ang pagpipigil ko na lapitan ka. Paulit-ulit na nakikipagtalo ang utak ko sa puso ko na ang tanging gusto ay paulit-ulit kang kulitin at paulit-ulit na ipaintindi sa'yo na mahal kita."

Lalong humigipit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Nagdidiwang ang puso niya sa mga sinasabi nito.

"Naalala ko iyong sinabi mo sa akin dati. Na kapag bumalik na si Cynthia at nagkaayos kami, pagtatawanan ko lang ang nararamdaman ko sa'yo. Pero hindi nangyari 'yon, Aya. Dahil bumalik nga si Cynthia pero ikaw naman ang nawala. Sa mga panahong wala ka ay hindi nagawang ibalik ni Cynthia ang lahat dahil paano niya magagawa iyon kung kasama mo sa pag-alis mo ang puso kong ikaw talaga ang mahal? Alam ni Cynthia na hindi namin puwedeng ibalik pa ang dati. Hinayaan ko na lang na makita mong kunwari ay nagkabalikan kami. Parusa mo 'yon kasi sobra mo akong pinahirapan."

Ngumiti siya dito. "Para talagang guguho ang mundo ko nang makita si Cynthia sa canteen at kasama ka. Doon ko na-realize na ang lakas ng loob ko na ibalik ka sa kanya pero para naman akong pinapatay sa sobrang sakit at selos. Sa salita lang pala ako may lakas ng loob."

Hinalikan nito ang kamay niya. "Hindi mo na ako kailangang ipaglaban, Aya. Dahil wala ka namang kalaban dito sa puso ko."

Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon