CHAPTER NINE
BUMALIK ang dating buhay ni Aya sa university. Naging tampulan ulit siya ng tuksuhan at pagtatawa. Bumalik na naman ang gawain ni Trina na hamakin siya. Mas mabigat pa ngayon dahil pati ang nangyari sa kanila ni Jethro ay ipinamumukha nito sa kanya.
"Akala mo magtatagal ang closeness n'yo ni Jethro, 'no?" isang hapon ay sambit ni Trina habang nasa loob sila ng classroom at naghihintay ng prof. "Tama kaming lahat. Hindi rin matatagalan ni Jethro ang pakikisama sa'yo. Kawawa ka naman, Aya. Kawawa ka talaga!"
Kunwari ay hindi niya naririnig ito. Nagpatuloy lang siya sa ginagawang pagsusulat.
"Ewan ko ba naman kasi kung ano ang pumasok sa kukote niya at nakipaglapit siya sa'yo. Isang buong semester tuloy kaming pinag-isip kung ano ba talaga ang trip niya. Nakakagulat kasi para sa isang tulad niya na bumaba para sa isang tulad mo."
Nahawakan niya ng mahigpit ang ballpen na pinapangsulat. Gusto niya mang ignorahin ang mga sinasabi ni Trina ay hindi niya magawa.
"Aminin mo, nag-ambisyon kang higit pa sana sa pagkakaibigan ang namagitan sa inyo, 'di ba?" patuloy pa nito. "Nakakatawa ka! Kaya siguro natauhan na si Jethro at lumayo na sa'yo kasi ambisyosa ka!"
Pilit niyang pinapakalma ang sarili.
"Nilayuan ka ni Jethro, Aya. Lumayo siya sa'yo kasi natauhan na siya. Bumalik na ulit siya sa pedestal na nararapat lamang talagang kalagyan niya. Nilang dalawa ni Cynthia. Wala ka na, Aya. Hinding-hindi na ulit mangyayari na lalapit pa si Jethro sa'yo. Tapos na ang kahibangan mo." Hirit pa ni Trina na sinundan ng tawanan ng buong klase.
"Tama na..." mahinang sambit niya.
"Lalaban ka? Sige ka, wala nang magtatanggol sa'yo kasi iniwan ka na ni Jethro ."
"Trina, please. Tama na." pagmamakaawa niya pa.
Tumawa ito. "Nakakaawa ka talaga. Tama lang na iniwan ka—"
"Tama na!" sigaw niya dito. Napatayo pa siya. Hindi na niya kaya pang pigilan ang emosyon niya. Minsan kailangan mo ring lumaban. "Tama na! Tama na!"
"Ang lakas ng loob mo na sigawan ako, Aya!" ganting-sigaw sa kanya ni Trina. "Kaya ka—"
"Oo na. Ako na ang kawawa, ako na ang nakakatawa!" Iginala niya ang tingin sa buong classroom. "Sige, kutyain n'yo ako, ipamigay n'yo ulit ang mga litrato kong in-edit n'yo kahit pa sa lahat ng mga estudyante." Ibinalik niya ang pansin kay Trina. "Pero huwag na huwag n'yo sa akin ipapamukha ang nangyari sa amin ni Jethro dahil wala kayong alam! Wala kang alam, Trina!"
"Aba't matapang ka na, ha!" Umigkas ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?
Storie d'amoreYear Published: 2011 Tampulan ng tukso sa eskuwelahang pinapasukan si Aya dahil sa makalumang pananamit niya. Hindi na lang niya pinapansin iyon kahit pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Sanay na siya roon. Ngunit nang minsang pag-trip-an s...