Untitled Part 7

377 36 0
                                    


CHAPTER SEVEN

"ANO naman ang napag-usapan n'yo ni Kuya Sean?" ang tanong ni Aya sa katabing si Jethro. Dinala siya nito sa parke. Papanoorin daw nila ang paglubog ng araw. Binilhan din siya nito ng ice cream. Nang yayain siya nito na mag-food trip, tumanggi siya. Busog na busog pa kasi ang pakiramdam niya.

"Parang gusto ko rin ng ice cream," anito. "Dapat pala bumili na rin ako kanina para sa akin."

Inirapan niya ito. "Thank you sa matinong sagot, ha?" sarcastic na sambit niya.

Natawa ito. "Napikon ka na naman."

"Ang tino mong kausap!"

Pabirong sinundot nito ang tagiliran niya. "First time kitang nakitang nakapantalon, Aya."

"B-bagay ba sa akin?" nag-aalalang tanong niya dito.

"Okay lang," matipid na tugon nito

Nanlumo siya sa naging sagot nito. "Okay lang? Ibig sabihin, hindi talaga bagay sa akin, 'no?"

"Sinabi ko bang hindi bagay sa'yo?" kunot-noong sambit nito.

"Hindi kasi maganda ang dating ng 'okay lang'. Mukhang napipilitan ka nga lang."

Pumalatak ito. "Sinabi ko iyon kasi para sa akin, kahit ano pa ang suot mo, palda man 'yan o pantalon, maganda pa rin sa'yo."

"Super-mega kalokohan na 'yan!" bulalas niya. "Hindi naman ako naniniwala sa sinabi mo." Tumawa pa siya.

"Bakit ba ayaw mong maniwala 'pag pinupuri kita? Mukha ba akong sinungaling?"

"Hindi ka sinungaling, joker ka lang!" aniya dito. "Puwede ba? Sino ba kasi ang maniniwala sa mga sinabi mo? Maganda ako kahit ano'ng suot ko? Saang planeta ka ba nanggaling? Bakit iba ang pananaw mo sa karamihan? Sinasabi mo lang 'ata 'yon kasi kaharap mo ako, eh. Inaalala mo siguro na baka isumbong kita kina Kuya 'pag nalaman nilang nagsalita ka ng hindi maganda sa akin. Gano'n 'yon, 'di ba?" Muli siyang natawa. Idadaan na lang niya doon ang disappointment na nararamdaman niya.

Ngunit hindi natawa si Jethro sa mga sinabi niya bagkus ay seyoso itong nakatingin sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang pinag-usapan namin ng Kuya Sean mo?"

Natigil siya sa pagtawa. "Hindi ko nga alam kaya nga tinatanong kita kanina. Kung saan-saan naman napunta ang usapan natin."

"Pinag-usapan namin kung gaano ka ka-espesyal, Aya."

"Gaano ka-espesyal? So, special child pa pala ako, gano'n?"

Hindi nito pinatulan ang biro niya. "Proud sa'yo ang kapatid mo kasi lumaki kang maayos at hindi tulad ng ibang kasing-edad mo na nadala ng kamunduhan. Mabait ka, matalino at may mababang-loob."

Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon