Natapos ang isang oras at chinecheck na nila ng papel namin ngayon. Sabi sa amin nong panellist eh kumain muna daw kami ng lunch, bumalik na lang daw kami mamayang ala una. Oo nga pala, tanghalian na, kaya pala kumukurog na yong tiyan ko. Aish! Hindi pa man din ako nag almusal kaya nanakit na yong sikmura ko.
Nagdire diretsyo na ako sa pantry nitong RU dahil nga hindi ko na kaya ang gutom. Halos mga estudyante ang kumakain dito ngayon, shems, parang nasa isang foodpark lang ako ako. May mga ibat-ibang klaseng pagkain, hindi ko tuloy alam kung anong kakainin ko. Taposmay isang malaking open space sa gitna pero may statue ng Riverstelle, tapos may mga nagkalat na mga tables and bench. Geez! Lakas makafoodpark, WOW!
Napagdesisyunan kong sisig with rice na lang ang kakainin ko. At dahil nga gutom na gutom ako, dalawang order ng kanin ang binili ko. Halos pagtingininan na ako ng mga estudyante dahil dalawang kanin ang nasa plato ko.. Goodness! Hindi ba sila sanay makakita ng babaeng malakas kumain? Kaloka ah?
Hindi ko na sila inintindi dahil pagkain na lang ang nakikita ko. Huhuhu Shems! Nakakagutom pala mag exam ano? Habang kumakain ako eh hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid. In fairness ah? Ang ganda lang ng uniform nila. May Black, Red, Magenta at Blue, kaso hindi ko alam kung ano ang kulay ng BroadComm, lol, sana yong magenta ang maging uniform ko, ang ganda sa mata eh.
Susubo na ulit sana ako ng kain kaso ng biglang, "Paupo ako ah? Pagod na pagod ako eh.."Holy gracious! A-ang gwapo.. Shems! Kinilig ovaries ko. May nagawa siguro akong maganda nong past life ko kaya binibiyayaan ako ng ganitong kagandang tanawin.
"A-ah, o-osige."Langya, bakit ngayon pa ako nautal. Kainis naman oh!
Nakatulala lang ako sa kanya ngayon dahil mukha siyang kawawa sa itsura niya, pawis na pawis at halos gulo gulo na ang buhok niya. Anyare kaya kay kuya gwapo? Pero kahit mukha siyang kawawa, hindi yon nakasagabal sa pagiging gwapo niya. Hay, parang nabuntis na ata ako.. Eh? Pwede ba yon?
"Miss, penge ako ah? Gutom na gutom na kasi ako eh.," Pagkasabi niya niyan, agad niyang kinuha ang sisig ko. NO!!! Bakit ang sisig ko pa ang kinuha niya? Pwede namang virginity ko na lan--- este pwede naman siyang bumili. Aish! Favorite ko yan eh, huhuhu!
Mga ilang Segundo din akong napatitig sa kanya, at wala na nga akong nagawa ng lantakin niya ang pagkain ko. Ugh!! Gwapo sana, mang aagaw lang ng pagkain! "Hoy! Bumili ka ng iyo don, akin yang chicken sisig!"nakasalubong na kilay na sabi ko dito.
Pero ang gwapong PG eh tinignan lang ako at ang sisig. Problema neto? "Sisig ba tawag dito? Ang sarap ahh?" Sabi niya habang sige sa subo sa sisig ko. Oo! Sisig KO na binili KO na inuubos niya na ngayon sa harap KO. UGH! Patay gutom at its finest!
"Eh? Ngayon ka lang nakakain ng sisig?" namamanghang tanong ko sa kanya.
"Oo eh, ayaw kasi ni chief." AH? Kaya pala kawawa nama--- ay peste! Paubos na yong sisig ko!!
Npansin ko naman na biglang pumula ang mata niya kung kaya naman agad kong kinusot ang mata ko dahil baka nag ha-hallucinate ako dahil sa gutom. Pagkakusot ko ng mata eh agad akong napatingin sa mata niya pero wala naman? Eh? Baka gutom lang ako? Teka! YUNG SISIG KO!!!!!
"Hoy! Wag mo ko daanin sa pagiging gwapo mo ah?! Ibalik mo sa'kin yan!"Tutuktukan ko na siya ng kutsara ng biglang may sumigaw dahilan para mapatalon siya sa gulat..
"Silverrrrrrrr!!!! Humanda ka sa akin!!!!" sigaw nong matandang panot na papalapit sa amin. Eh? Inagawan niya din ba ng pagkain ang isang 'to?
"Hays, akala ko pa naman hindi niya ako ganon kadaling mahahanap. Kainis!"Nakatayong sabi nito. Mabuti naman at naisipan niya nang umalis, naiistorbo niya ang pananghalian ko no.
BINABASA MO ANG
Me? In love with a Vampire?
VampireIf you want to fulfill you dreams peacefully and succesfully, PLEASE! Do not fall in love with a vampire. I REPEAT! DO NOT FALL IN LOVE WITH A VAMPIRE