Nasaan ako? Bakit parang ang dilim dilim dito? Teka, wala ba silang ilaw? O baka naman naputulan sila ng kuryente? Hala, ang poor naman nila. Hindi ko pa din alam kung nasaan ako pero parang malamig at parang nasa kakaibang panahon ako? Paano ko nasabi? Amoy makaluma ang lugar na ito, kahit walang ilaw sa loob ng kwartong 'to, amoy na amoy ko na luma na ang mga gamit dito.
Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako at tumama ang ulo ko sa poste. Eh? Poste? Kinapa kapa ko naman kung saan ako tumama, eh? Nasa kama pa din naman ako ah? Paano nagkaposte sa kama? Ang weird naman dito. Nasaan ba talaga ako?
Tumayo ulit ako pero sa huling pagkakataon eh natumba nanaman ako. Aray ah! Masakit na! Wawarakin ko na tong poste na 'to. Susubukan ko ulit tumayo para sana buksan ang ilaw pero bago pa man ako makatayo sa kinalalagyan ko, bumukas ang pinto kasabay ng paglitaw ng mga taong kulay pula ang mata. Goodness! Ano ba to?! Nasaan ba talaga ako!?
"Sino kayo? Nasaan ako? Anong ginawa niyo sa akin?!" sunod sunod na tanong ko sa kanila. Jusme! Kung isa man 'to sa mga stage play sa school, SHUTANG HOPIA! HINDI AKO NATUTUWA!!
"Madame Summerina, kamusta po ang inyong pakiramdam? Patawad dahil kinulong namin kayo." Sabi ng babaeng naka baro't saya. Hala? Laganap ba ngayon ang shabu at hithit sila ng hithit? Kalokang sitaw! At ano daw?! Summerina?! Oh God! They must be crazy!
Tinignan ko ito na parang nagtataka at, "Ate teka lang po ah? Summer po ang pangalan ko hindi Summerina. Tyka ate pwede? Uuwi na ako, baka late na ako sa klase ko." Halos mainis na ako dahil nagtititigan lang kami dito. Ay teka! Baka titigan contest naman 'to? Binuksan naman nong babae ang ilaw kaya nasilaw ako, jusme! Sana naman ininform niya ako na bubuksan niya na diba? "Pasensya na madame Summerina, dahil sa ginawa niyong gulo hindi namin kayo maaaring pakawalan." At umalis na siya. What the? Anong gulo?! Baliw ba siya? Ako si Summer, hindi si Summerina o kung sinong ponsyo pilato pa yan!
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at laking gulat ko na nagkalat ang dugo sa dingding. At mas ikinagulat ko pa na ang daming patay na tao sa baba ng higaan ko. OMG OMG!! Anong nangyayari?! Sinubukan kong tumayo para tumakas kung nasaang lugar man ako pero bago pa man ako makatayo eh may pumigil na sa akin. Cadena, cadena na nakakabit sa mga kamay ko. Nagpumiglas ako pero dahil sa pagsusubok ko na makawala eh halos magdugo na ang kamay ko.
"Ugh! D-dugo!" Hindi ko alam bakit yan ang nasabi ko, hindi ko alam kung nasa tamang pag iisip pa ba ako dahil ng umabot sa balikat ko ang dugo eh dinilaan ko ito, shutang siomai, "Ugh! A-ang s-sarap.." Nagpumiglas ako para tikman ang dugong nakakalat sa sahig pero laking gulat ko na lamang ng wala na ang mga cadena sa kamay ko, dali dali akong bumaba ng kama at dinilaan ko lahat ng dugong makikita ko.
"This is what happiness is. Ugh!" Hindi ako nakuntento at maging ang nasa dingding eh dinilaan ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa leeg ng isang naghihingalong lalaki at handa ko na siyang kagatin. May mga nakalabas na mahahabang pangil at dahan dahan ko ito binaon. Habang sinisipsip ko ang dugo ng lalaki, bumalik ako sa ulirat. Agad akong umakyat sa kama at niyakap ko ang sarili ko. A-ano ba tong nagawa ko? OH GOD! Hindi to maari! Hindi ko kayang pumatay ng isang tao. A-ano ba to? N-nasaan ba ako?! Lord, please h-help me! Aaaaaaahhhh!! A-ayoko na!! Ayoko na! Aaaahhhhh!!
BINABASA MO ANG
Me? In love with a Vampire?
VampireIf you want to fulfill you dreams peacefully and succesfully, PLEASE! Do not fall in love with a vampire. I REPEAT! DO NOT FALL IN LOVE WITH A VAMPIRE