Chapter 8 [ CLUMSY AS UGH! ]

22 3 0
                                    


Naging maayos naman ang naging takbo ng una kong klase kaya lang nahihiya pa din ako dahil parang tinitignan ako ni Blue. Oh sadyang imahinasyon ko lang yon? AISH! 1 and a half hour ang Rizal class namin kaya halos antukin na ako sa klase pero thank Goodness dahil hindi nangyari dahil katabi ko nga yung tatlong so called 'Cold Ice Prince'. Tsk.


Hindi ko talaga alam kung naging masama ako sa past life ko dahil tinatadtadtad ako ngayon ng kamalasan. Hindi kaya may balat ako sa pwet? Jusmiyo! Natalisod lang naman ako sa harap nang buong klase. Goodness! Summer Hermione, bakit ngayon ka pa inatake ng pagiging lampa.. Aaahh!


*Flashback*


Pagka-bell na pagka-bell tanda na tapos na unang klase, dali dali akong tumayo dahil nilalamon na ako ng kahihiyan. Palabas na ako ng room ng biglang may pumatid sa akin, hindi ko alam kung may pumatid sa akin o sadyang lampa lang talaga ako. Pero nahagip ng mata ko na may pumatid talaga sa akin. Ugh! Hanggang dito ba naman may bully?


Ang ending eh halos masubsob na yong mukha ko sa sahig, jusme! Yung mukha ko, hindi sa pag mamayabang pero duh!! May itsura din naman ako no, iniingatan ni mommy ang mukha ko at balat ko kaya shutang hopia lang talaga ng muntik na humpas ang mukha ko sa sahig.


Kakaunti na lang ang pagitan ng mukha ko at ng sahig ng biglang may humawak sa balikat ko dahilan para hindi matuloy ang pagsubsob ko.


"Hey, be careful." Nakangiting sabi sa akin nong playboy. Ano nga ulit pangalan niya?


"Silver. Silver is my name." Uhm? Nababasa niya ba ang naiisip ko? Agad naman niyang tinanggal ang pagkakahawak sa akin ng bigla siyang tapikin nung naka nerdy glasses.


"You're so beautiful so be careful." Seryosong sabi sa akin ni Silver bago siya tumayo. Eh? Hindi niya ba man lang ako aalalayan man lang? Sana naman nilubos niya na yong pagiging gentleman niya ano.


Tatayo na sana ako dahil ang awkward ng posisyon naming tatlo silang nakatayo sa harap ko tapos ako nakasalampak sa sahig. Awkward di ba? Hay. Nang biglang magsalita si Blue.


Aish! Kailan ba ako hindi magiging lampa sa harap niya?


"Tsk. Tanga na nga, lampa pa." At umalis na siya pagkatapos niyang sabihan ako ng lampa at tanga. Medyo masakit siya mag salita ah? Infairness.


Pagkatayong pagkatayo ko eh tinawanan ako ng mga kaklase kong babae. Ugh! Ano ba naman Sam! Pinagpagan ko na ang sarili ko at umalis na agad, dahil nga mag kikita din kami ni Violet dahil sabay kami kakain. Tyka DUH! Ayoko nang gulo no, mamaya may humablot ng buhok ko eh. Hindi sa pag aassume ah? Pero who the siomai knows na akala nila eh nagpapapansin ako sa mga prince kuno nila. DUH! Neknek nila no.


*End of Flashback*


Kasama ko ngayon si Violet dito sa pantry at kumakain na ng lunch, Oo lunch. 2pm tapos lunch pa lang namin, I know napakasama nila, I know! Naikwento ko kay Violet ang nangyari at halos kiligin si ateng. LUMPIANG HUBAD! May nakakakilig ba don?!

Me? In love with a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon