Chapter 4 [ DID I? DID I NOT? ]

15 3 0
                                    

Holy gracious! Halos natawag ko na lahat ng santo dahil kinakabahan talaga ako. Paano ba naman kasi, open discussion? Sa harap ng mga panellist? REALLY?! Hindi ba parang nakakahiya yon? Kasi parang ikicritize nila ang opinion mo?

Minsa talaga Sam hindi ka nag iisip, nagreporter ka pa kung mahihiya ka din pala? Aish! Talaga naman! Binigyan naman kami ng five minute break para gawin ang mga dapat naming gawin. Yung tipong pinaghahanda kayo dahil may papalakas na bagyo? Anak ng muntinlupa naman oh!!

Bahala na nga si batman, pumasok na ako sa loob at umupo na. Inumpisahan ko na din kalmahin ang sarili ko dahil halos wala pang tatlong minuto ng bumalik na ang mga panellist. Nakita naman ako ni Sir Panot na tila kinakabahan kung kaya naman nginitian ako nito at sumesenyas ng 'fighting'. Eh? Seriously? Fan ba si sir ng kdrama?

Pagkaupo na pagkaupo ng big three, Oo, big three, dahil mukha nila kaming hahatulan. Charot. Pagkaupo na pagkaupo nila eh, "Okay. Let's start."at hindi nagtagal nag umpisa na mag play ang isang video clip.

Pinanuod kong mabuti ang nasabing video clip at sobrang selan nito. O the M the G lang! Ang video clip kasi eh tungkol sa isang dalaga na hinalay at pinatay. Ayos pa sa nasabing video clip, ang dalaga daw eh nasa bar at nag paparty kasama ang mga kaibigan niya. Habang ito'y pauwi, napadaan siya sa isang madilim na eskinita kung saan doon naganap ang krimen. Nahuli naman ang mga salarin, Oo, 'MGA', dahil hindi lang iisang lalaki ang gumahasa dito. Pitong lalaki ang gumalaw sa babae. Binansagan nga itong 'Snow Whit and the Seven Dwarfs'. Ang mas nakakabigla pa eh, pinatay nila ang babae sa paraan ng pag sakal. Pero ayon sa mga criminal, kusa daw sumama sa kanila ang babae kaya hindi nila ito kasalanan. Natakot daw sila nab aka magsumbong ang babae kung kaya naman pinatay nila ito. Tsk. How cruel isn't it?

Pinatay nila ang video na umeere sa screen. I guess eto na ang start ng open discussion? "I believe you watched the video clip carefully. So the open discussion is now open." Sabi ng isa sa mga panellist.

Hindi muna ako nag salitaat hinintay ko ang mga argumento na ilalapag nila. Kung tutuusin, napaka kumlikadi ng video clip na pinanuod sa amin. Hindi mo masasabi kung ano ang totoo at ano ang mali. Halatang nagkakahiyaan pa kami dahil ni isa walang nag sasalita, maliban na lang sa babaeng 'to.

"I guess, the criminals are right. The girl is just a whore who wants to fuck?"Anak ng lumpia! Naka shabu ba ang babaeng 'to?

"Yeah, she's right." Segunda naman ng ibang kasama namin dito. Mga tanga ba sila o ano?

"Maybe the criminal saw a motive that's why they did that.." Possibly.

"Nah, kasalana yan ng babae dahil hindi siya nag iingat.." Okay! Hindi ko na nakayan dahil anytime eh parang sasabog na ako.

Tignan ko ang babaeng unang nag salita at tinitigan ko ito sa mata. "Miss 353, how could you say that she's a whore? Do you have any proofs?" mapang hamong tanong ko dito.

Nginisihan naman ako nito na tila siya na ang panalo., "She's partying that night. That means she's a whore", nakataas pa ang kilay nito sa akin. Aba talagang!

Akala mo wala akong isasagot sayong babae ka ahh, let's see. "So let me ask you Miss 353, does all people who go clubbing are whore? I believe you also go clubbing, so I assumed you're also a whore." Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya,, Oh edi ano ka ngayon ateng.

Sasagot pa sana siya pero binalingan ko na ng tingin ang mga saserdoteng umo-Oo sa statement niya kanina. Gosh?! Wala ba silang mailatag na matinong argument man lang? "And for those who agreed with her argument, how many percent sure are you that she is right? Have you check every possible angle?" Halos tumaas na ang boses ko dahil jusko, oo na nga lang, don pa sa maling statement. Nag iisip ba 'tong mga 'to?

Me? In love with a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon