Chapter 7 [ FOUR COLORS ]

22 3 0
                                    


Finocus ko ang tingin ko sa lalaking nasa gitna at, "O-ohh? Siya yong lalaking nasa burger king?" Hindi ko namalayan na nasa boses ko pala ang iniisip ko. "Ano Summer? Anong burger king? Gutom ka na ba?" As usual, si Violet yan eh. Madaldal, hindi ko naman akalain na ganito siya kadaldal. Jusme!


Inalis ko na ang pagkakafocus ng mata ko sa kanila dahil baka makahalata na sa akin si Violet at Ian, pero tinitignan ko pa din sila. Medyo malayo sila sa pwesto namin pero tanaw na tanaw ko pa din. Geez, napakaperpekto talaga ng itsura nila. Parang walang white at black heads ata yang mga yan eh.


Wait? Nakita ko yong mata nilang namula tapos maputla sila na parang wala ng kulay. Hindi kaya mga bampira sil--- Ay hahahahahaha! Patawa ka Sam! Vampire? Really? Goodness! Gutom na nga ata talaga ako.


Nawala ako sa matinding pag iisip ng biglang magsalita yung directress ng university. Eh? Ang alam ko lalaki may ari nitong school eh. Tyka? Ay wait!? Siya yong nag interview sa amin nong behavioural assessment ah? Hala! Directress pala siya?


"Good morning! Welcome to school year 2017-2018. Let us all give a round of applause to our new students. Welcome!" at isang masigabong palakpakan nga ang ibinigay nila sa amin. Hay, nakakatouch naman 'to. "Today we will start a new school year with a bang! So let's have a roll call. Scream as loud as you can after I called the color that you belonged." Eh? Color? Hindi department?


"Alright! Let me hear you scream 'Red Memorization'!!" Eh? Really? Red Memorization? Hahaha! Ano kayang mga course meron jan sa Red kemperlu na yan? Siguro puro memorize sila ng memorize.


"Wooohoooooo!!! Red red red for the win!!! Hooooooo!!!"


"Woah! That was amazing. Good job Red Memorization. How about?? 'Black Engineers'!!!" Ahh? Engineers, siguro lahat ng type ng engineering courses na yon.


"Let's go Engineers, Let's go! Wuhooooooo!!!"


"Nice one Engineers!! And now, let me hear you scream 'Blue Arithmetic'!!!" Ano daw? Blue Artistic? AY mali! Blue Arithmetic. Hala, puro siguro sila math don?


"1 2 3, Let's go! Blue Arithmetic Fight fight fight! Yeaaaaahhhhhh!"


"And now, our last color! Papahuli ba ang mga art students? Let me hear your loudest scream 'Mic Magenta'!!!" Mic Magenta? ASTIG! Siguro kaya mic kasi mag rereporter kami? Galing din ng nakaisip nito ah..


"Mic Magenta let's go! Mic Magenta let's fight! Go Magenta, let's fight let's go! Wuhooooooo!!"


Sheez, nakakatuwa naman pala 'to haha. Pagalingan at palakasan pala ng mga cheer ng kada department ang ganap dito eh. Medyo nalilito pa din ako kasi hindi department ang tawag eh, kundi color. Geez, weird siguro ng may ari ng Riverstelle University.


"Hey guys.." Napalingon naman kami bigla kay Ian dahil mukhang may nabola nanaman 'tong babae.


"Ano nanaman? May nakindatan ka nanaman?" Diretsahang sabi ko sa kanya.


Me? In love with a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon