Hanggang ngayon eh hindi pa din ako makapaniwal na sa Riverstelle University ako mag aaral. It feels surreal, naks English! Pero realtalk, tuwing naaalala ko na 'Passed' ang nakalagay sa email na ipinadala sa akin eh parang sinisilihan pa din 'tong pwet ko.
Jusme naman! Sino bang hindi kikiligin?! DUH! Eto na yon oh! Eto na, unti-unti nang natutupad yong pangarap ko. Kahit sino ata mapapakilig sa balitang 'to eh. Kalakip ng email na pinadala sa akin eh may note yon sa ibaba. At ang sabi eh,
"To:
Summer Hermione Hernandez
Broadcasting Communication
Student #1710812
Mic Magenta
Please be reminded that you need to print out this letter stating that you are qualified to become a student of Riverstelle University. And just to give you a heads up, you are not allowed to go home in times of school hours. Technically, you'll be staying at Riverstelle Apartment. You are allowed to go outside of the campus, every Saturday. And you must return by Sunday morning, so pack all your things and see you on June. Again, Congratulations."
Yan lang naman ang sabi sa note kaya heto kami ni Ela ngayon, mukhang tanga dahil nag iiyakan kami. Oo nga pala, June na. Ngayon na ang start ng classes. Naging mabilis ang paglipas ng araw dahil na din sa excited ako. Charot!
"Sasa, wag mo ako kakalmutan don ah? Mag chat ka sa akin araw araw, wag mo kalimutan tumawag gabi gabi.." Eh? Ang OA niya sa totoo lang, hays.
"Lala, mukha kang shunga!" Sabi ko kasabay ng pag batok ko sa kanya. "Aray! Aalis ka na nga lang may batok pa! Hala sige layas! Tsupi!" At nakatanggap nanaman siya ng isa batok mula sakin.
"Ewan ko sayo, La. Mukhang ewan ka sa itsura mo.." Halos umirap na ako dahil sa kaartehan ng kaibigan ko. Goodness! Kaibigan ko ba talaga 'to? Minsan talaga nag dududa na ako eh.
"Eh kasi naman mamaya makalimutan mo ako don tapos may mahanap kang ibang bestfriend. Huhuhuhu!" Naawa naman ako bigla sa kanya dahil halata talaga sa boses niya na nalulungkot siya. Halos sabay na kasi kaming lumaki ni Ela kaya ganito na lang ang reaksyon niya ng malaman niyang tuwing sabado lang ako uuwi.
Nakonsensya naman ako kung kaya naman niyakap ko ito at hinaplos haplos ang ulo. Mukha kaming mag jowa no? Lol! "Lala, uuwi naman ako eh. Tyka ikaw pa ba? Makakalimutan ko? Hinding hindi ko makakalimutan yang spaghetti mong buhok ano.."
"Sasa naman eh, huhuhuhu! Pero mamimiss talaga kita bestfriend." Hay Lala, mamimiss din kita. Pero siyempre di ko sinabi sa kanya, mamaya pumalakpak nanaman tenga neto eh.
"Hindi kita mamimiss Lala." Nang aasar na sabi ko at ang baliw kong kaibigan eh piningot ba naman ako. Ugh! Minsan talaga may pagkaisip bata to.
"Aray! Masakit ah!" Naiinis na sabi ko sa kanya at tinuloy ko na ang pag iimpake ko ng gamit, mamayang alas otso kasi ng umaga eh may susundo sa amin para dalhin kami sa RU. Sosyal ano? May tiga sundo pa kami.
Tumagil na din siya sa kakangawa niya at tumulong na ulit sa pag iimpake. Halos dalawang maleta din ang dala dala ko. Eh? Parang sobrang dami naman ata? Hindi naman siguro ano? Halos malapit na kami matapos mag impake ng mag salita nanaman siya. Seriously? Hindi ba napapagod yang bibig niya?
"Sam, pag may nakita kang fafa don pakilala mo sa akin ah?" Jusmiyo! Halandi.
"Ela! Pumunta ako sa Riverstelle para mag aral, hindi para mag landi. Kaloka ka sa part na yan inday." Tinignan naman ako nito ng may mapanlokong ngiti. What? Totoo naman ah? Nag enrol ako sa RU para mag aral, goodness Ela! Basbasan nawa ng maykapal ang madumi mong utak
BINABASA MO ANG
Me? In love with a Vampire?
VampireIf you want to fulfill you dreams peacefully and succesfully, PLEASE! Do not fall in love with a vampire. I REPEAT! DO NOT FALL IN LOVE WITH A VAMPIRE