Chapter 6 [ THE NERD, PLAYBOY AND THE COLD PRINCE'S ]

16 3 0
                                    

Cover by RAINING_FANTASY thank you beb! Nainspire ako lalo mag update dahil sa cover. :*



Anyare? Hanggang ngayon hindi pa din maprocess ng utak ko yung mga nangyari kanina. Ang alam ko lang eh nag lalakad kami nila Ian at Violet papuntang Auditorium ng may makasalubong kami. Gwapo sana eh, namumula lang mata. Huhuhu! Bakit kaya namumula yong mata nila? Baka puyat? Hala? Baka nag shabu sila?


Habang naglalakad pa kami, hindi mawala wala sa isip ko yung mga lalaking namumula yung mata. Hindi kaya? Hindi kaya bampi—Aishh! Sam, shunga kaba? Nasa 20th century na tayo, tapos bampira? Ahahaha! Patawa ka inner self! Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Auditorium, at shutang gala, rinig na rinig na dito ang hiyawan ng mga estudyante. Ano meron?


Pag pasok na pagpasok namin eh jusko, naglipana ang mga ibat ibang kulay. Kulang na lang eh mag mukhang rainbow tong auditorium, paano ba naman kasi sa isang side eh nandon yong mga estudyante na naka-uniform ng kulay itim. Sa kanang gilid ko naman, eh mga naka blue, pag tumingin ka naman sa harap, makikita mo yung mga nakapula. Medyo weird ano? At dahil nga magenta ang uniform namin, dito kami sa pwesto ng mga magenta umupo. Alanganin naman na makiseat in kami sa ibang department no. DUH! Edi mukha kaming shunga non.


Pagkaupong pagkaupo pa lang namin eh nag hiyawan nanaman agad sila. Teka nga, ano bang meron? Tila nabasa naman ni Violet ang nasa isip ko kaya pati 'to eh nagtanong.


"Summer, ano meron? May gwapo ba? Kung may gwapo, bagay siya sa magandang kagaya ko.." Jusme! Parehas na parehas talaga sila ni Ela na mukhang gwapo.


Nagpalinga linga naman ako at halos lahat ng mga babae dito eh parang sinisilihan ang pwet. "Ian? May artista ba?" Tinanong ko na ang kasama namin, pero bakas din sa mukha niya ang pagtataka, "Wait, itanong natin.." Ang mokong eh nagtanong nga sa kalapit naming grupo ng mga babae. May itsura naman si Ian kaya hindi siya inisnob ng mga babaeng to.


"Ahh, ganon ba? Salamat miss ah. Oo nga pala, bagay sayo yang lipstick mo. You look stunning babe." At halleluiah, kininditan niya ang mga babae. Jusmiyo! Kulang na lang matae sila sa sobrang kilig. At anak ng kape! Hindi ko naman alam na may pagkaplayboy pala tong si Ian. Tsk.


"Oh ano daw sabi?" Nakabusangot na tanong ko siya.


"Ayos ba?" Agjbjkdbasld! Did he just wink at me?! Good gracious!


"Wag mo ko makindatan kindatan jan Ian ahh. Dudukutin ko yang mata mo.." Napapairap na sabi ko dito. Pero ang loko eh tinawanan lang ako. Ipaalala niyo nga sa akin na pag kininditan niya ulit ako eh dudukutin ko mata niya.


"Darating daw yong tatlong cold ice prince ng Blue Arithmetic." Naiiling na sabi niya. At ano daw? Blue? Blue Arith? Blue Artistic?


"Ano?! Ano?! Tatlong gwapo?! Tatlong gwapo?! OMG OMG!" Halos tumili na si Violet kada sinasabi ang salitang gwapo. Seriously?


"Cold ice prince Violet. Cold ice prince," walang ganang sabi ko dito. Akala ko tatahimik na pero nagkamali nanaman ako, oo nga pala, parehas siya ni Ela. Laging may sagot. "DUH?! Summer parehas na din yon! Tyka gwapo yon gwapo! Bagay sa akin na maganda." Oh God! Wala na siyang pag asa.

Me? In love with a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon