Chapter 5- Patay

56 1 0
                                    



Dahil sa natanggap kong mabuting balita kahapon at 'di makaget-over na late ako natulog na ang resulta late ang gising.

Dali-dali akong nagluto ng pagkain at kumain rin ng madali. Mabilis ko rin inayos ang mga damit at pangangailangan sa opisina. Pagtingin ko sa relo 7:00 am na.

Takbo lakad, takbo lakad ako papunta sa mga jeep. Patay late na ako. 7:30 pa naman pasok  pero alam kong traffic ngayon. Lunes pa naman ngayon at marami pang estudyante nagsiksikan dito. Init na init pa ako ako. Tagatak ang pawis ko ngayon. Nabubura na nga foundation ko.

"Manong, sa Taleon Company lang po ako," sigaw ko kay manong.

Patakbo ako pumasok sa loob ng kompanya, pero binati muna ako ng gwardiya at nginitian ko naman siya. Sa halip na pumasok sa silid ni Sir Allen, pumasok muna ako sa comfort room at nagretouch ng aking foundation at lipgloss.

Nang matapos na ako mag-ayos ng aking sarili. Dali-dali akong pumasok sa silid ni Sir Allen. Pagpasok ko, bumungad sakin yung mukha ni sir na parang kakain ng tao.

"You're late," saad niya. Yumuko naman ako dahil kasalanang nagawa ko. First day pa lang ako late na agad ako.

Tiningnan ko ang relo ko. 7:31, ay shit late nga ako. Late ako ng 1 minute.

"I'm so sorry sir. Hindi na po mauulit," paghingi ko sakanya ng tawad.

"Siguruduhin mo lang. Heto yung mga papelis, pagsunodsunurin mo ito b alphabetical order ng kanilang apelyedo," utos niya sakin at binigay ang patong na patong na parang  dalawang librong harry potter na pinatong.

"Masusunod sir," tango ko sakanya.

Haay! First day pa lang ako tambak na ang trabaho.

Aalis na sana ako ng may pahabol na sinabi ni Sir Allen sakin.

"And I need that all at eleven." Grabe naman tong kumag na 'to? And dami nito pagkatapos mamay ipapasa ko na? Pinapahirapan ba ako nito o ganito lang talaga trabaho ko.

"Pero kakayanin ko to," bulong ko sa sarili ko. At umalis na ako sa silid ni sir Allen at pumasok ako sa cubicle ko para tapusin ang ginawa ko.

Ginugol ko ang lahat ng oras ko para sa trabaho ko wala akong ibang ginawa kundi patuonan ng pansin ang hinabilin ni Sir sakin.

At saktong 11:00 nay natapos ko na lahat ng gawain ko. At pumasok na ako sa opisina ni sir para ibigay sakanya ito.

"Sir ito na po ang pinapagaw niyo sakin," sabi ko at pinatong sa lamesa niya ang mga papelis na pinagawa niya sakin.

"Sige. Maari ka nang magtanghalian." sabi niya sakin.

Pagkatapos kong ipasa kay Sir ang pinagawa niya sakin, naghanda na rin ako aking tanghalian sabi nga ni Sir.

Masarap ang ulam ko ngayon. May dala akong kanin at may menudong manok. May dala rin akong brownies para sa panghimagas. Gusto ko to sana sulohin kaso may nakita akong isang empleyado dito na pritong isda lang ulam kaya nakipagshare ako sakanya. Linapitan ko siya ang sinabing share kaya natuwa na man siya.

"Ate, kanina  pa tayo nagkukwento, pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. Ano nga ba pangalan mo ate?" putol na tanong ko sakanya.

"Ah. Ako nga pala si Rhea. Rhea Mae Atido. Dalawang taon na akong nagtatrabaho dito. Pero hirap pa rin ako, pinapaaral pa ako ng dalawang nakakabatang kapatid ko," sagot niya naman.

"Eh bakit nasan ba mga magulang mo ate Rhea?" tanong ko sakanya.

"Matagal na silang patay. Naaksidente nong nagtitinda sila ng isda," malungkot na kwento ni ate Rhea.

"Mas okay na nga lang sa'yo ate Rhea, mabuti na lang sa'yo nakilala mo pa mga magulang mo. Ako nga, hindi ko talaga kilala ang mga magulang ko. Naiwan na ako sanggol pa lang sa bahay amponan," kwento ko rin sakanya.

"Ano ba yan. Hindi pa nga tayo tapos mananghalian pero nagdadrama tayo. 12:00pm na pero hindi pa tayo tapos," biro ni ate Rhea.

"Pero bakit tawag mo ako ate ng ate? Mas matanda ka ba sakin? 23 pa lang ako. April ako pinanganak. Ikaw?" tanong niya ulit sakin.

"Totoo? 23 rin ako pero December ako pinanganak," sabi ko sakanya.

"Oh kita mo diba? 'Wag mo na akong tawagin ate. Nakakatanda e. bagets pa naman tayo. Tawagin mo na lang ng 'Iyang' para mas bagets talaga," sabi niya sakin.

"Sige ate este iyang. Sige na tapusin na natin nang makapaghabol pa tayo ng trabaho. At mamaya, sabay tayo uwi ah?" sabi niya naman sakin.

"Sige basta kung mauuna ka, hintayin mo lang ako sa lobby sa main ground ah? Kung ako mauuna, hintayin rin kita doon," sabi ko sakanya.

"Sige na balik na ako sa cubicle. Kita tayo ulit," sabi ko ulit sakanya.

At bumalik na nga ako sa cubicle ko at tinapos ang trabaho ko.

Ang sarap sa pakiramdam talaga kung may kaibigan ka no? Ngayon ko lang to naramdaman. Noon kasi wala talaga ni-isang kaklase ko gusto makipagkaibigan sakin. Ngayon, naniwala na ako sa mga kasabihan ng mga magbabarkada na 'Pagkasama mo ang totoong kaibigan mo lahat ng problema mo, malilimutan mo' at yung 'Iwan ka na nang lahat ng tao sa mundo, pero asahan mo ang kaibigan mo ang taong hindi katalaga."

Dahil nga sa buong buhay ko nagkaroon rin ako ng kaibigan, naging inspirasyon ko parin to sa pagtatrabaho at ginawa ang trabaho ko na may ngiti. At hindi ko namalayan na 7:00pm na pala. Oras na para umuwi.

Inimpake ko na lahat ng gamit ko at ready nang umuwi. Pumunta na ako sa lobby kung saan nga ang pinagsabihan namin ni Iyang.

Uuwi na sana kami ni Iyang ng naisipan kong nakalimutan ko pala ang wallet ko sa drawer ng lamesa ko. Binalik ko ito sa cubicle ko pero sa hindi inaasahan. May narinig akong umuungol sa opisina ni Sir at dahil na curious ako, sinilip ko ang maliit na siwang ng pintuan.


Nakita kong si Sir Allen pumipikit at nakahubad habang dinidilaan ang pagkalalaki niya ng babae kasama niya naka-bra lang at panty.

At ano si Sir Allen ang umuungol?

Nagulat ako sa nakita, maingat akong tumalikod upang hindi makagawa man lang ng ingay pero bago ako tumalikod, bumukas ang dalawang mata ni Sir Allen at nakatuon agad ang atensyon niya sakin.

Patay.

Marriage BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon