Chapter 3
The CEO
Alas-singko pa lang nagising na ako nadala na siguro ng kaba at excitement at pa na rin makapaghanda. Makapaghanda na ako at nagluto ng mga pagkain. Niluti ko ang pritong scramble egg kasama ang tuyo. Nong una kung luto noon ay nasa bahay amponan pa at takot pa ako noon matalsikan ng mantika sa pagprito ng itlog. Sunod kong niluto ay sinangag.
Pagkatapos kong magluto nagligo na ako. Matapos maligo nagsuot na ako ng aking damit. Nagsuot ako ng white dress at nagflat ng sandal.
Matapos kong magsuot. Kumain na ako ng aking pang-agahan. Sarap-sarap ako sa kinakain nang may kumatok sa pintuan.
Pinagbuksan ko ang pintuan ng apartment at pagbukas ko nakita ko si Madam G.
"Kia, ano ulam mo pwede makahingi?" Tanong niya sakin habang may dalang plato.
"Makakatanggi pa ako Madam? E may plato kana e? At kung hindi mo ako mabibigyan sabihan mo pa ako ng madamot."
"Kaya mahal na mahal kita e."
"O sige Madam, heto kunin mo na lahat. Tapos na ako." sabi ko sakanya.
"Dito na lang pala ako kakain. Kia, kamusta pala apply mo? Diba ngayon yun?"
"Oo po. Sana nga makapasok ako agad para mabayaran kita sa upa para narin maging mayaman na ako." sabi ko sakanya habang inaayos ko na ang sarili ko.
Naglagay lang ako polbo at naglip-gloss lang tapos perfume. Check ang ganda ko na.
"Madam G. Okay na ba mukha" tanong ko sakanya.
Biglang nasamid si Madam G. at dali-dali na man akong kumuha ng tubig.
"Alam mo Kia, nong bata ako ganya rin itsura ko katulad mo. Ang ganda mo talaga." Sabi niya.
"Kaya nga e. Ewan ko na lang sa mga magulang kung bakit nila ako iniwan sa bahay amponan? Sa totoo lang itong mukha? Mukhang diyosa iniwan nila?" sabi ko habang itinuturo ang mukha.
"Loko ka talagang bata ka."
"Naman."
"Madam G. Ikaw na maghugas ng pinggan dito ah."
"Per---"
"Wala nang pero, pero. Kumain ka dito kaya maghugas ka." Utos ko kay Madam G.
"Ikaw na bahala dito Madam G."
"Ano pa nga ba magagawa ko?" reklamo pa niya.
"Sige Madam G. Aalis na ako."
"Sige."
Pagkatapos magpaalam kay Madam G, umalis na ako at nagtungo na ako sa labas at sumakay ng Jeepney.
"Ganda mo naman Miss." sabi ng driver sakin. Ako pa lng kasi ang unang pasahero niya.
"Salamat naman Manong. Kung kasalanan lang siguro manong ang maging maganda, siguro marami na akong kasalanan." sabi ko.
"Hahaha. Pero totoo maganda ka talaga. At dahil diyan... Libre na pamasahe mo."
"Aba! Salamat kuya. Sana ikaw na lang palagi ang nasasakyan ko." Galak na sabi ko.
"Buti pa ang magaganda, Libre samantalang kami magababayad talaga ng siyete." Paranig ng katabi kong si ate na kakasakay lang.
"At dahil diyan, sampo na bayad mo. Hahaha" Sabi ng driver sakanya.
"Grabe si kuya." Sagot ni ate.
"Kuyang Driver, diyan lang ako sa Taleon Company."
"Dito na Miss. Balik ka uli." Loko talaga si Kuya pero pasalamat ako libre pamasahe ko.
Pagbaba ko jeep, deri-deritso kong pumasok sa loob ng building pero pinigilan ako ng gwardiya.
"Ano po sadya nila, Maganda?"tanong ng gwardiya sakin.
"Ito naman si kuya nambola pa pero salamat na lang. Ay kuya mag-aapply pala ako bilang bagong sekretarya ng CEO po. Ito oh." Pakita ko sakanya ang dyaryo sa gwardiya.
"Ah! Sa 5th floor ang opisina ni Sir. Diritsuhin mo lang dito at kumaliwa ka tapos nandun na ang elevator. Sa 5th floor ang opisina ni Sir." sabi ng gwardiya sakin.
"Salamat Kuya." Laking pasasalamat ko talaga kay kuya. At dumeritso na nga ako.
Nang nakarating na ako sa opisina ni Sir, kunatok muna ako.
"Come in." Sagot ng nasaloob. Yung boses niya ang laki at ang sexy.
Pagpasok ko sa opisina, linibot ko muna ng aking mata ang opisina. Ang laki at halatang pang mayaman. Ngayon lang ako nakakita nito. May kasama pang mamahaling couch at may sarili ring t.v. Ang ganda. Pero pinagtuunan ko nang pansin ang lalaking nakatalikod saakin.
"Good morning Sir. I'm Kia Ysabelle Malo, mag-aapply po ako bilang your new secretary."
Agad-agad naman itong humarap sakin na nakangiti at yung mukha niya para pamilyar sakin. Yung mukhang ilang taon ko nang sinumpa. Kinurot ko ang aking kaliwang kamay kong nanaginil ba talaga ako pero hindi siya nga. At mas lalo ko pang kinumpirma nang basahin ko ang pangalan niya sa ibabaw ng mesa.
Allen Miguel Taleon

BINABASA MO ANG
Marriage Benefits
RomanceMatagal ng hinahangad ni Kia Ysabelle Malo ang lalaking si Allen Taleon. Simula pa lang highschool sila, 'di na maalis ang paningin ni Kia kay Allen. Pero sa paghihintay niya ng matagal parang susuko na si Kia dahil ni kahit isang tingin lang ni All...