Ria's Pov
Mahigit 4 na oras din ang naging training namin dahil sa nalalapit na opening ng UAAP s76. Nauna na ako magpalit kaya naupo nalang ako sa gilid at hinintay si ate Jessey dahil sabay kaming babalik ng dorm ! Pagka dating namin ng dorm ay agad din akong pumasok sa banyo para maka pag shower. Nagulat ako ng paglabas ko ay patakbo akong niyakap ni ate jessey ! kaya napayakap na rin ako sa kanya.
Ria: May problema ba ate? Tanong ko sa kanya na imbis sumagot ay umiling nalang ito at isinubsob pa lalo ang mukha sa balikat ko. Maya-maya ay bumitaw na rin sya at sumampa sa kama nya at nakipag kwentuhan ng kong ano-ano. Bigla nalang bumukas ang pinto at niluwa nito si ate mela.
Mela: Ria may nag hahanap sayo sa baba ! si kaye daw!
Agad naman akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.
Jessey's Pov
Pagkarinig ni Ria sa pangalan ni kaye ay agad itong lumabas ng kwarto para puntahan sa baba na nag hihintay, Nag paalam ako kay mela na mag shower muna, Pagkatapos ko maligo ay wala pa rin si Ria. at si mela lang ang nandoon may kausap sa cellphone !
Jessey: Nasaan si Ria?
Mela: Lumabas kasama si kaye, Nagpasama daw sa kanya na may bibilhing gamit ! babalik din daw. Kaya don't worry !
Grabe ito na naman ang weird feelings na nararamdaman ko pag magkasama si ria at kaye.
Jessey: Ganoon ba!!! *asar naman oh! kasi naman jessey kung ano nilalagay mo sa utak mo. walang gusto si ria sayo. ate ka lang nya*Saway ko sa sarili. Arrrrghh.;((((
Buong araw lang akong nasa skwelahan kahit tapos na pati yung last subject ko ay di pa rin ako umuwi ng dorm .Ayoko lang kasi makita si Ria baka di ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko na mahal ko sya, At naiinis din naman ako sa kanya dahil mas pinili nya'ng iwan ako kanina at sumama kay kaye. Sabagay wala naman akong karapatan na magalit. Girlfriend lang ang peg jess? Eh sa nililigawan nya si kaye. "kasi namang puso to bakit kay riri pa ginustong ma inlove"
???: Bakit nandito kapa? Mukhang ang lalim ng iniisip mo stick ah!!!
Jessey: *nagulat sa nagsalita* Jake kamusta?? Long time no see?? *hug*
Jake: Hahaha.. As usual ganoon pa rin, ikaw ? Lalo kang gumaganda ah!!!
Jessey: Bolero kapa rin hanggang ngayon, *hampas sa balikat*
Jake: Aha !!! Pwero biro totoo naman eh !
Jessey: Oo na ! ikaw nga pogi pa rin!
Jake: Hahaha.. pero teka why you here? mag gagabi na ah ! ihahatid na kita sa dorm nyo..
Jessey: Tinapos ko lang ang plates ko, Hmmm Sige ba nang makapag kwentuhan na rin tayo :)
Jake: Hayyy plates everywhere. *at tumawa ng malakas*
Nasa tapat na kami ng dorm kaya nagpa alam na rin si jake na aalis, Pero ginawaran muna ako ng halik sa pisngi. bago tuluyang umalis. Nang biglang may tumikhim sa likuran ko at paglingon ko si ria nakatayo sa pintuan. at yong mga mata nya parang nalungkot pero agad din nawala ng ngumiti sya sa akin.
Jessey: Ri yung nakita mo a..aano! wwwaala.! *Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na rin sya!
Ria: Wala kang dapat ipaliwanag ate. Di naman po tayo mag girlfriend!! Saka nya ako tinalikuran at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa mata. Oo nga bakit pa ako magpapaliwanag? eh wala namang kami !!! Dumiretso na ako sa kwarto at saka pumasok ng banyo !! Simula ng maging close kami ni Riri ay unti.unti ring nahuhulog ang loob ko sa kanya at natutunan ko na nga sya'ng mahalin ng higit sa magkaibigan,
Ria's Pov
Kasama ko ngayon si Mika Reyes. Nagtaka siguro kayo kung bakit!! Well Napansin daw nya na iba ako ng game namin againt's feu. malungkot daw ako at kailangan ng makakausap. Kaya andito ako ngayon sa Taft. Lakas ng instinct ng babaeng ito ! Psycho nga eh.. Sympre totoo naman na malungkot ako !!! Ilang araw ko na rin iniiwasan si ate Jessey. Nagtataka na nga ang iba naming team mates at tinukso nalang ako na iba na ang may girlfriend ! Masakit man na iwasan si ate jessey pero kailangan, Di habang buhay magka dikit kami. Paano nalang pag sinagot na nya si Jake? Hindi na sa akin ang atensyon nya. At masakit yon kasi mahal ko na si ate Jessey, at iyon ang totoo. Nag seselos ako pag hinahatid sya ni jake sa dorm na ako naman dati ang gumagawa dahil sabay kami uuwi, at yong feeling na pinipiga ang puso mo ng makita na hinalikan sya ni jake ! Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob para di kumawala ang mga luha ko tuwing kaharap ko ang mga team mates ko. Lalo na si ate Jessey. At ilang gabi na rin akong umuuwi na late sa dorm, Hayy miss ko na si sticky ko. Pero di ko lang siguro kaya na makita na masaya sya sa iba ! Ang selfish mo ria !!!
Mika: Ipaglaban mo kasi ng di ka mag mukmok dyan!!! *sita ni ate mika*
Ria: Di naman masama mag paubaya ate mika diba? tanong ko sa kanya. sa halip batok sa ulo ang napala ko.
Mika: Talent mo na yata ang magtago ng feelings ri no?? Why don't you try? Walang mawawala ria kung subukan mo*ngiti nito*
Ria: Paano pag ni-reject nya ako? Di ko yata kaya ate miks...maluha luha kong turan,
Mika: Minsan na rin ako nagpaka tanga at binaliwala ang naramdaman ko kay ara dati ria.. Mabuti nalang ng nagising ako di pa huli ang lahat, Tignan mo. Masaya kami ngayon sa isat isa. Ba't ka matatakot? Alam ko mahal ka rin ni bf ria ! Kaya magtiwala ka sa sarili mo. Atleast you try na iparamdam at sabihin na mahal mo sya. Tandaan mo ria! Masama ang maging tanga na hindi lumalaban, *tap sa likod ni riri*
Tama si ate mika ! Dapat kong ipaglaban ang feelings ko para kay ate jessey, kailangan kong iparamdam sa kanya na mahal ko sya. at ayokong mawala sya sa akin.. I will take the risk..
Mela's Pov
1 week ko nang napapansin na hindi kinikibo ni Ria si Jessey ! Kahit papano na miss ko rin ang ingay ng dalawa na to sa kwarto ! Kaya nilapitan ko nalang si jessey na nakaupo. Saan nanaman kaya lumilipad ang isip nito !
Mela: Stick okay kaba?
Umayos ito ng upo paharap sa akin. Na halata sa mata na iiyak na naman,
Jessey: Mel di ko na kaya, 1 week nya na akong di pinapansin, *hikbi nito*
Mela: Ano ba ang nangyari? Nag away ba kayo?? *intriga ko dito*
Jessey: Hindi naman meL, Pero simula nang hinatid ako ni Jake sa labas ng dorm doon na umiba si riri!!!
Mela: Baka nagseselos?
Jessey: Bakit naman mag seselos yun? eh may nililigawan na nga diba!!!
Mela: Sige na tahan na yan, Hayaan mo nalang muna si riri. Kakausapin ka din nun! di ka rin matitiis nun..
Jessey: Sana nga mela!!! Na mimiss ko na rin kasi sya eh!!!
Mela: Smile na dyan!!!
Jessey: *napangiti na rin*
______°
Short UD guysss masakit na kasi ulo ko sa puyat ! Haizzzt kamusta kayo ?? Ano sa tingin nyo ang gagawin ni ria??? Vote comment pLease!!!
Thank you !!!
BINABASA MO ANG
When the wall wasn't enough(Jessey de leon and Ria Meneses)
Fiksi PenggemarJERIA FANFICTION