WAGFIL--2"Stev?"
Pagkababa ko palang sa sinasakyang tricycle sa tapat ng eskwelahang pinapasokan ko sa MHS (Marty's High School) ay napalingon ako sa tumawag sa akin.
Pagkatingin ko ay nakita ko ang dalawang tropa ko na papalapit sa akin. "Naks! Estudyante. Papasok ka ba pre? Wagna pare! Tara, laro nalang tayo." sabi ng dalawa ng makalapit sa akin.
Sila si Reniel Onos at Angelo Morales na kasama ko sa lahat ng kagagohan. Kagrupo ko na makipagpustahan sa larong Dota. Kasamang tumatambay sa mga kalye na naghahanap ng away kapag napagtripan. Sila ang mga B.I. , Bad Influence kong mga tropa. Hindi na nag-aaral yang dalawa kaya ewan ko kung saan kumukuha ng panlaro tong dalawang mokong na ito.
"Wala ako pera ngayon e." , napakamot ako sa ulo. Singkwenta pesos lang kasi ang binigay sa akin ni nanay, babawasan ko pa ng bayad sa tricycle at pangkain kaya wala na akong matitirang panlaro.
"Sus.! Yan lang ba problema mo?" , ngiting asong sagot ni Angelo na para bang may kalokohan na namang ipapagawa sa akin ng lokong to.
"Bakit? Lilibre nyo ba ako?" , nakangiti kong tanong.
"Gago! Mukha kang libre."
"Gago ka din! Kayo nagyaya e. Letse kasi kagabi e. Natalo ako sa pustahan. Mga tanga kasi yung mga kasama ko e. Mga hindi marunong maglaro. Sarap banatan."
"Hindi ka kasi nagyaya sa amin. Teka! Pera ba? Madali lang yan pare. Nakita mo yun?" , inakbayan ako ni Reniel at may tinuro siya sa akin. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyong itinuro niya.
Nakita ko ang isang lalaking nakatayo na nakasandal sa may poste ng kuryente sa tapat ng eskwelahan na para bang may hinihintay. May tinawag siyang isang estudyanteng lalaki pero hindi siya pinansin nito. Nang mapalingon siya sa amin at nang makita kami ng lalaki ay ngumiti ito sabay kindat.
Naitulak ko nalang bigla si Reniel sa pagkaakbay niya sa akin. "Gago! Kayo nalang, baka mapatay ko pa yang baklang yan." Tinawanan lang ako ng dalawang gago. Akala ko namang ano, yun naman palay ipapalapa ako sa bakla.Tsk.
"Haha. Ayaw mo? Sayang yan pre. Mukhang mayaman." Isa pa itong si Angelo. Siguro gawain ito ni gago.
"Letse! Kayo nalang, bwisit." , nainis ako sa dalawa kaya iniwanan ko sila.
"Hoy pare?" Sigaw ng dalawa na naririnig ko parin ang tawa nila. Pero hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa loob ng school.
Nang makapasok ako sa loob ay pumunta muna ako sa CR para makapaghilamos. Kinuha ko yung piercing ko na tinanggal ko kanina pagpasok sa gate para hindi mapansin ng guard at ibinalik ko na sa tenga ko. Kinuha ko naman yung nabili kong band-aid at inilagay sa gilid ng kilay ko para takpan ang natamo kong sugat kagabi sa tatlong gagong nakarambolan ko. Pagkatapos ko umihi ay napalingon ako sa tatlong lalaking pumasok.
"Mga dude, nandito pala si feeling gangster na umaasa parin kay kim." , narinig kong sabi ng isang lalaki habang nakatayo ako sa harapan ng salamin dahil inaayos ang buhok ko pagkapasok nila. Siya si Jason Capsal ang gagong lumandi kay Kim kaya ako niloko nito na mas pinili ni Kim kesa sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko ng bigla nalang niya sinadyang sagiin ang balikat ko. "Ay sorry pre." , sabi niya at nagtawanan sila. Hindi na ako nakapagpigil at nasapak ko siya na naging dahilan para matumba siya na kinagulat ng dalawang kasama niya.
BINABASA MO ANG
When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*
Teen Fiction"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT! SHARE! When A GANGSTER Falls In Love Follow: @Mart25 ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌