-Gem POV-
~Pagpasok ko ng gate ay sakto ding nakita ko si Tin kasama ni Shai.Tumakbo ako para mahabol sila.
"Tin? Shai?" tawag ko sa kanila. Napalingon sila at nakita ako.
"Gem!" sabay nilang nasabi. Naglakad na kaming tatlo na magkasabay papasok.
Nagpunta kaming canteen dahil nag-ayang kumain si Shai. Maaga pa naman kaya pumila kami sa nagtitinda ng burger. Nang makabili kami ay humanap muna kami ng pwesto at umupo habang wala pang pasokan. Nang may maalala si Tin.
"Gem, ano ba yung sabi mo na ekukwento mo sa akin ngayon?" tanong ni Tin sa akin.
Nang maalala ko ang nangyari kagabi. Ang nangyari kay Chris. Ang pagbabago niya. Magsasalita palang sana ako ng mapatingin kami sa may pinto ng may apat na lalaking pumasok.
Lahat ng mga estudyanteng nasa loob ng canteen ay nagulat. Tahimik at nakatingin lang sa mga lalaking pumasok gayundin ang ilang nakasunod sa kanila na namangha sa apat na lalaking. Sina Steven, Chris at ang dalawang kaibigan niya na nakita ko noon.
"Is that Chris?" natanong ni Shai na nakatulalala at hindi na naisubo ang burger niyang hawak.
Narinig ko ang mga bulong bulungan sa kabilang mesa. Tungkol sa apat ang mga usapan nila. Tungkol sa pagbabago ni Chris.
Akala ko kahapon lang yun. Pero hindi. Nakataas parin ang buhok ni Chris. Hindi na siya nakasalamin. May piercing sa kaliwang tenga niya katulad sa tatlong kasama niya. May dog tag sa leeg. At hindi nakasara ang dalawang butones ng uniforme niya sa bandang leeg. Lumapit ang apat sa nagtitinda ng burger. Bumili sila.
Napatingin ako kay Tin, tulala lang siya."That's what I want to tell you last night." bulong ko. Napatingin siya sa akin.
"Anong nangyari sa kanya? Bakit siya naging ganyan?"
"Ewan. Hindi ako si Christ." nasabi ko.
Umupo silang apat sa dulong mesa. Nang mapatingin si Steven sa direkyon namin. Napangiti siya ng makitang nakatingin ako sa kanya kaya agad kong inilayo ang tingin ko sa kanya.
Nang magbell na ay tumayo na kami. Umakayat na kami sa room namin. Pagkapasok namin ay usap usapan parin sa klase ang pinagbago ni Chris. Umupo na kami.
Nang pumasok na sina Chris at Steven ay biglang tumahimik. Sakto ding kakapasok lang ng teacher namin. At unang napansin ay si Chris.
"Mr. Hibaya, ikaw ba yan?" tanong sa kanya.
Ngumiti lang si Chris at sinabing "Yes ma'am. Ako po to." sabi niya at umupo na. Nakangisi naman si Steven sa tabi ko na siniko pa ako. Sinungitan ko nga.
"Para kasing hindi ikaw. Ang pogi mo dyan. Malaki din palang impluwensiya sayo ng pinsan mo ah. Waglang sa ugali." sabi ng teacher namin at nagturo na siya.
Ilang minuto pa ay nagpaalam ako na lumabas para mag CR. Inaya ko si Shai kaso ayaw niya kaya ako nalang mag-isang lumabas.
Pagkatapos kong umuhi ay nag-ayos muna ako sa salamin tsaka lumabas. Nang pagkalabas ko ay sakto ding may lalaking kakalabas lang sa boys CR. Si Steven.
Hindi ko siya pinansin at naglakad na. Nang mapahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Bak..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nagulat nalang ako ng may posas siyang inilagay sa kaliwang kamay ko at ang isa ay nakaposas sa kamay niya.
"Ayan wala kanang takas." nakangising sabi niya.
"Anong kalokohan na naman to Steven?" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*
Teen Fiction"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT! SHARE! When A GANGSTER Falls In Love Follow: @Mart25 ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌