WAGFIL - 14

1.1K 27 4
                                    


Happy New Year!!!

Ingat po tayo sa mga paputok!

Wag sa loob magpaptok ah? Dilekado yun! Haha. Enjoy!

Kuya Mart!

Read! Vote! Comment! Share!

'
Tin POV
~

Nang sabihin ni Steven kina Chris na ihatid kami ni Shai ay bigla akong natuwa. Siguro dahil makakasama ko siya. Makakasabay ulit sa pag-uwi tulad ng dati. At sana, kakausapin na niya ulit ako. Kahit saglit lang. Kahit ngayon lang.

Ang laki ng pinagbago ni Chris, hindi lang sa itsura. Hindi lang sa kilos at sa mga ginagawa niya. Hindi lang sa kanyang pag-aaral kundi maging ugali niya. Hindi na ata siya ang dating Chris na nakilala ko noon. Ugaling gangster narin siya.

Hindi naman siya si Steven na nasaktan kaya binago ang sarili. Hindi naman siya iniwan dahil wala pa siya noon. Puro libro nga lang hawak niya e. Mukha din naman masaya ang buhay niya noon. Pero bakit niya binago ang kanyang sarili? Bakit siya naging ganyan? Ibang iba na siya. Hindi na siya si Chris, na mahal ko.

Sa paglalakad naming lima pauwi na maingay at pinagkukwentuhan parin ang mga nangyari kanina ay napadaan kami sa isang tindahan. Bumili ng yosi si Angelo at binigyan din niya sila Chris at Reniel.

Naglakad na kami. Nakita kong sinindihan nila iyon at ganun din kay Chris. Hindi ako makapaniwalang nagyoyosi na din siya ngayon. Gusto iyon tanggalin. Itapon. Pero hindi ko magawa, dahil ano ba ako sa kanya? Wala akong karapatan.

"Ang pogi mo diyan, gelo." natatawang sabi ni Shai na tawa lang tawa ng magmonkey face si Angelo. Napangitibrin ako.

"Mukha kang gago Angelo." sabi ni Reniel.

"Hala! Ang cute kaya." sabi naman ni Shai na ginagaya pa ang ginagawa ni Angelo. Nakakatuwa sila. Ang saya lang nila.

"Tin, san kana?" sabi ni Shai ng nasa likuan na kami para papunta sa amin at sa kabila naman ay papunta sa kanaila.

"Chris, ikaw na bahala kay Tin. Kami nalang ni Reniel kay Shai." sabi ni Angelo.

"Sigurado kayo?" sabi ni Chris.

"Oo naman, kaya muna yan pre." sagot ni Angelo.

Kaya humalik na ako kay Shai at nagpaalam kina Angelo at Reniel. "Sa akin wala?ng kiss" biglang sabi ni Reniel. Natawa ako lalo na ng magpout siya.

"Gago, umalis na kayo." biglang sabi ni Chris. Kaya naglakad na ang tatlo.

Nagsimula nadin kaming maglakad ni Chris. Tahimik. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang tanongin tungkol sa pagbabago niya pero nahihiya. Gudmsto kong banggitin yung nung una niya akong hinatid  pero hindi ko masabi. Ewan. Ang awkward kasi.

Sa paglalakad namin ay may nakasalubong kaming dalawang lasing na lalaki. Bigla kaming hinarang ni Chris. "Kumusta mga bata? Saan kayo pupunta? Gabi na ah?" sabi ng isa na patumba tumba.

Natakot ako. Bigla ko naalala yung nangyari noon. Kasama ko din si Chris ng mangyari yun. Umiwas kami. Hindi na namin pinansin ni Chris iyon nang hawakan si Chris sa balikat ng isang lalaki.

Nagulat nalang ako ng itulak ako ni Chris na napaupo ako sa tabi. Nakita ko nalang na bigla niyang sinugod ng suntok ang isang lalaking lasing. Natumba ito. Sumugod naman angbisa pero biglang tinadyakan ni Chris sa tiyan nito.

Natakot ako.  Biglang bumalik sa isipan ko ang mga pangyayari noon. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila. Napayakap nalang ako sa dalawang paa ko. Ayaw kong makita ang mga nangyayari. Hindi ko kayang makita siya ulit na masaktan. Kaya napayuko nalang ako sa tabi at umiyak.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon