WAGFIL-5A/N:
Kumusta mga repa? Haha. Salamat po sa mga feedbacks nyo sa estoryang ito. Sana keep your comments po. Pasensya at natagalan ang update, nag-aaral po kasi ako ng maigi. haha. Sana patuloy lang ang paghihintay.
Vote mo na din ah? Salamat.
Enjoy!
Kuya Mart <3
'
-Gem POV-
"Sasamahan mo lang ako kung saan ako pupunta at gawin din kung ano ang ginagawa ko."
Kagabi pa ako ginugulo ng salitang sinabi sa akin ni Steven ng makasalubong ko siya kagabi. Ewan. Pero hindi naman siguro masama na bumawi ako sa ginawang pagtulong niya sa akin. Siguro lang ay may mga taong kagaya ni Steven na hindi gumagawa ng kabutihan ng walang kapalit. Ewan.
Pero tingin ko sa kanya ay mukha naman siyang mabait. May kabutihan siyang pusong taglay. Nga lang, slight lang. Ugaling GANGSTER parin.
Pumasok ako ng maaga para makausap siya at makipagkasundo kay Steven ngunit late nadin siyang pumasok. Mas nauna pa sa kanya yung teacher namin.
"Good morning sunshine." , nakangiti siyang tumabi sa akin ng pagkalapag niya ng kanyang bag.
"Good morning din." nginitian ko din siya. "Nga pala may sasabihin ako sayo."
"Ano yun?" Tanong niya na hawak yung celfon niya na para bang may binabasa. Siguro may katext. Girlfriend niya? Ewan. Siguro.
"Tungkol sa sinabi mo kagabi."
"Kagabi?" tumingin siya na may pagtataka sa akin.Hindi lang pala siya mukhang Gangster, ulyanin din. Matanda na ata to e.
"Haha. So is it a DEAL?" ,nakangisi siyang inabot ang kamay niya sa akin nang siguro ay naalala niya. Tumango lang ako at nginitian siya bilang sagot.
"Huwag nga kayong mag-ingay dyan ng hindi na kayo palabasin." Singit ng lalaking nasa kaliwa ni Steven na abala sa pagkokopya sa sinusulat sa board.
"Wagkang epal dyan insan." narinig kong sabi ni Steven. Magpinsan pala sila? Haha. Parang ang layo naman? Itsura palang, ibang iba na si Steven. Mukhang matino at mabait yung katabi niya kumpara sa kanya.
Hindi ko nalang iyon pinansin at kaya binuksan ko narin yung notebook ko para magsimula naring kopyahin ang nakasulat sa board ngunit natigil ako ng hawakan ni Steven ang kamay ko.
Nang inangat ko ang ulo ko at tingnan siya ay seryoso ang mukha niya nakatingin sa akin. Problema nito?
"B-bakit?" Pagtataka ko at agad na inalis ang kamay ko sa nakapatong niyang kamay.
"Nakita mo ba ako nagsusulat? Ngayon na ang simula sa DEAL natin." Napaisip ako sa sinabi niya at ngayon ko lang lubos na naintindihan ang DEAL na iyon.
Kelangan kong gawin din ang kalokohan niya. Kung hindi siya magsusulat ay dapat ganun din ako.
Hindi narin ako umangal dahil sa nakipagkasundo na ako sa kanya. Ginawa ko nalang ang gusto niya at tahimik na nakikinig nalang ako.
"Teka, may celfon ka ba?" pangungulit niya.
"Oo bakit?"
"Boring kasi. Pahiram ako. May laro ba yan?"
BINABASA MO ANG
When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*
Teen Fiction"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT! SHARE! When A GANGSTER Falls In Love Follow: @Mart25 ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌