WAGFIL-10
-GEM POV-
"Manang, manila paper nga po,dalawa tsaka isang pentel pen." Sabi ko ng nasa tindahan ako ng school supply.
Gagawa kasi ako ng report ko sa filipno. Pagkaabot sa akin ni manang ay umalis na ako. Naglalakad pauwi ng bahay ng may kamay na humawak sa balikat ko. Napalingon ako. Nagulat ako sa nakita ko. Akala ko galit siya sa akin. Si Steven.
"H-hi!" Ang nasabi ko.
"Hello! Did you miss me?" Sabi niya. Medyo makapal din ang mukha ng lalaking to. Pero sa totoo, I missed him. Wala na kasing makulit. Wala ng nanggugulo sa akin.
"Huh? Hindi ah." Tanggi ko. "Asa ka naman. Feelingero ka talaga e noh?"
"Kunwari kapa." Ang kapal. Kailangan ipamukha? Tsk. Namiss ko lang kakulitan niya. Sinungitan ko lang siya.
"Hey, nga pala. We're not yet done sa DEAL natin." Sabi niya. Napaisip ako.
"Huh?"
"HINDI PA TAYO TAPOS!" Sigaw niya.
Nasampal ko siya sa ginawa niya. "NARINIG KO. HINDI MO KAILANGANG ULITIN AT ISIGAW." inis ko.
Npahawak siya sa pisngi niya. "Akala ko kasi hindi mo narinig." Iniwan ko nga siya sa inis ko. Na miss ko na sana siya e. Akala ko nagbago na pero ganun parin siya. Nakakaloko. Walang pinagbago.
"Oy teka wait." Pigil niya sa akin na hinawakan yung kamay ko. Agad ko namang inalis ang kamay ko.
"May pupuntahan tayo."
"Ayoko nga. Tsaka, teka diba nagkaintindihan na tayo na tapos na yung kalokohang to."
"Huh? May napag-usapan ba tayo?" Nakakainis. Tanga tangahan? Grrr. "Halika!" Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
"Oy! Ano ba? Saan ba tayo?" Naiinis kong sabi pero hindi niya ako pinansin.
Huminto ako. Nagpabigat. Napatingin siya sa akin. Nagulat nalang ako ng tangka niya akong buhatin.
"Oy. Teka! Teka! Sasama na po!" Kaya wala narin akong nagawa kung hindi sumunod nalang.
"Bakit tayo andito?" Tanong ko ng bitawan niya ang kamay ko nang makarating kami sa isang basketball court.
Napatingin ako sa dalawang lalaking papalapit sa amin na may dalang bola. Sila yung mga nakita ko dati sa tindahan kasama ni Steven. Ibinato nila kay Steven yung dala nilang bola na inabot naman ni Steven iyon.
Pinadribol niya ang bola. Napatingin sa akin. Naglakad patalikod. "Ano! Are you ready?"
Don't tell me that . . .
"Let's try." Nagulat nalang ako ng ihagis niya sa akin ang bola na hindi ko nasalo kaya tumama sa dibdib ko. Napayuko ako.
"Hey! Gem? Okey kalang?" Pag-aalalang tanong niya ng agad akong lapitan. Naramdama ko nalang ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.
Bigla akong tumayo at agad na hinawakan ang bola tsaka ibinato sa mukha niya. Natatawa akong tumakbo.
"Hmmm.Lagot ka sa akin." Narinig ko sa kanya. Kaya tumakbo ako at nakipaghabolan sa kanya.
"Saan ka?" harang sa akin ng dalawang kasama niya ng palabas na sana ako ng court.
Napahinto ako at kaya naabotan ako ni Steven. "Akala mo makakatakas ka sa akin?" Sabi niya. Tiningnan ko lang siya. "Baliw lang ang walang ganti." Nagulat nalang ako sa ginawa niya ng hawakan niya ang batok ko. Inilapit ako sa mukha niya at naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*
Teen Fiction"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT! SHARE! When A GANGSTER Falls In Love Follow: @Mart25 ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌