WAGFIL - 18

1.1K 27 1
                                    

GEM POV

'

Mag-isa lang akong kumakain sa tabi. Hindi parin kasi ako kinakausap kahit na sino sa eskwelahang ito. Maging sina Shai, Tin at Chris. Hindi rin pumasok si Steven.

Naiinis ako. Kasalanan ko bang tanggihan si Steven? Mayboyfriend ako. Mali bang piliin ko ang tama? Kahit na nasasaktan din ako sa aking nagawa?

"Mag-isa ka ata!" napatingin ako sa tumabi sa akin. Nakita ko si Jason.

"Hindi mo ba ako lalayuan?" tanong ko. Isinara ko ang hawak kong libro at inaya siya sa kinakain ko pero tumanggi siya.

"Bakit ko naman gagawin yun?" nakangisi niyang sabi.

"Kasi halos lahat sila nilalayuan ako, iniiwasan, pinag-uusapan at galit sila sa akin." paliwanag ko.

Bigla siyang tumawa. "I'm not a fan of Steven kaya wala akong pakialam sa mga kagagohang pinaggagawa niya."

"Mali ba ang piliin ang tama?" bigla akong naging seryoso.

"Anong tama?"

"Piliin ang nauna kesa sa taong bigla nalang dumating, ginulo ang buhay mo kahit na may nararamdaman ka na din sa kanya?"

"Ewan! Hindi naman ako matalino pagdating sa kanya. Sa love, dahil sila ang mga naghahabol sa akin." napangiti naman ako. "Totoo yun, tingnan mo pati si Kim na agaw ko kay Steven."

"Ang sama mo!"

"Masama ba ang tawag nun, e kusa naman silang lumapit sa akin?" pagmamayabang niya.

"Pero bakit pala wala na kayo ni Kim?" bigla akong naintriga at tinanong siya.

"Ayoko na e. Wala ng love. Tsaka may gusto na akong iba." bigla siyang napangiti na nakatingin sa akin.

"Ganyan ba talaga kayo mga lalaki? Lokohan ang love? Kung may makilalang iba, sige lang ng sige?" naiinis kong sabi.

Bakit ba kasi may mga lalaking, basta may makita nalang iba ay iniiwan nalang ang taong nagmamahal sa kanila? Oo,hindi lang mga lalaki. Pero may mga taong ganun? Hindi man lang nila iniisip ang mararamsaman ng taong maiiwan.

"Ewan. I guess that's the nature of a man."

"No! Hindi ganyan ang boyfriend ko. I guess yung mga taong manloloko lang na kagaya mo ang ganun."

"Ansama naman nito sa akin." bigla siyang nag sad face. Ang cute din pala niya.

"Sorry, pero nagsasabi lang ako ng totoo. " nginitian ko siya.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na kami. Sinamahan nalang ako ni Jason dahil mag-isa lang ako. Nakasalubong namin sila Shai at Tin pero hindi nila ako pinansin. Kaya nagkwento nalang ng nagkwento si Jason. Hindi ko na alam kung ano na ang nakwento niya dahil wala naman ang isip ko sa mga sinasabi niya.

Nang tumunog ang phone niya. Sinagot niya iyon at ilang sandali ay tumingin siya sa akin. "Gusto mo bang sumama? Nag-aya kasi mga tropa ko na mag billiards." sabi niya.

"Lalabas ka ng school?"

"Oo, sama ka?"

"Ah. Hindi na." tanggi ko. "Sige puntahan mo na sila, kaya ko naman sarli ko."

"Sigurado ka?" pag-aalinlangan niya.

Tumango ako. "Oo, salamat ah?"

"Sorry talaga ah? Sayang kasi yung pusta ko dun." sabi niya. Nagpaalam na siya at nagmamadaling umalis.

Naiwan na naman akong mag-isa. Ilang minuto pa akong maghihintay ng oras bago ulit magklase.

Naisipan ko nalang umakyat at maghintay nalang sa klase. Kaso hindi ko inaasahang makasalubong ko sa hagdanan si Kim.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon