WAGFIL - 13

1.2K 29 8
                                    


A/N:

First of all, THANK YOU sa inyo sa pagsuporta ng kwentong to. SALAMAT NG SOBRA. Sana tuloy nyo lang ah?

MERRY CHRISTMAS!

Enjoy kayo ah?
Gift ko na senyo ang update na ito. Kaso "Break Up"chapter to e. Haha^^
VOTE! COMMENT! SHARE!

Kuya mart. :)

°[[°

-Gem POV-
~

Lumipas ang mga araw, linggo na ganun parin ang laging senaryo namin ni Steven. Hindi niya ako kinakausap kahit ako na ang nagpapa-pansin sa kanya. Ewan. Nakakainis na siya. Pero ang nakakatuwa nito ay nakikita ko ang dahang dahan niyang pagbabago. Nagsusulat na siya ng lecture at nakikinig na hindi naman niya ginagawa noon ng makilala ko siya. Hindi narin siya nag diditch sa klase. Hindi na nga rin siya nali-late.

Kabaliktaran na niya ngayon si Chris. Para ngang nagpalit sila ng katauhan. Kung noon si Chris ang masipag ngayon ay lagi na siyang huli. Hindi narin ata nag-aaral dahil sa mga mababang marka niyang nakukuha ngayon sa exam. Na hindi tulad noon ay laging siya ang highest.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante ng Marty's High School. Ang fieldtrip namin. Kahapon palang ay usap usapan na ito sa school campus namin. Kaya ng uwian ay pumunta kami nila Shai at Tin sa supermarket para mamili. Nagkabati narin ang dalawa.

Maaga palang ay andito na kami sa school para sa assembly. Kasama ko ang tatlong kaibigan ko. Nang matapos ay pinalabas na kami para sumakay na sa mga assign bus ng per section.

Pagkalabas namin ay hinila pa ako nila Shai at Tin para bumili ng ice cream. Kaya pagkaakyat namin sa bus ay wala na kaming maupuan. Lahat ng nasa unahan ay may mga nakaupo na. May dalawang bakante sa bandang gitna, kaso nag uunahang makaupo sina Shai at Tin.

"Saan ba kasi kayo nanggaling at bakit ngayon palang kayo." galit na sabi ng adviser namin.

Nang mapatingin ako sa bandang dulo, may isang bakanteng upuan. Nakapagtataka lang na walang umupo sa tabi niya. Sa pwesto ni Steven. Lumapit ako at tahimik na umupo sa tabi niya. Hindi naman siya umangal. At ng maayos na ang lahat ay umandar na ang bus para kami'y umalis na.

Binuksan ko ang bag ko at may kinuhang pagkain. Nilingon ko ang katabi ko para e-share ang kinakain ko pero hindi niya ako pinansin. Tahimik lang siyang naglalaro ng games sa phone niya na naka earphone. Kaya kumain nalang akong mag-isa.

Minuto pa ang lumipas. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko. Hindi naman kasi niya ako kinakausap. Ewan ko ba kasi anong problema ng lalaking to. Kaya ito ako, boring na boring.

Kaya ang ginawa ko nalang ay tinawagan ko si Mark. Buti nalang at hindi pa siya pumapasok kaya siya nalang ang kausap ko habang nasa byahe. Ang layo kasi nila Shai at Tin, nasa bandang gitna pa sila.

"Ang ingay mo." napahinto ako at tumingin sa katabi ko.

"Baby, I will call you later." nasabi ko nalang sa kausap ko at pinatay ko na ang phone.

Minuto pa, ay dumating narin kami sa Amusement Park. Bumaba na ang ilang nga estudyante. Nauna narin sina Shai at Tin na iniwan ako.

Pagkababa ko ng bus ay wala na sila. "Nasaan yung mga yun?" nasabi ko na palingon lingon na hinahanap ang dalawa. Nang-iwan ba naman.

"Gem, kasama mo?" napangiti ako ng makita ko si Jason.

"Ako nga lang e, iniwanan kasi ako ng mga kasama ko." sagot ko.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon