EPILOGUE:Mahirap kalimutan ang isang taong nag-iwan ng tatak sa iyong buhay. Taong hindi man ganun katagal ang inyong pinagsamahan ay nag-iwan naman ng kakaibang alaala. May mga bagay kang nakikita na ang una mong maiisip ay siya.
Dumating siya sa hindi ko inaasahan. Sa panahong kailangan ko ng tulong. Siya ang dumating para iligtas ako sa mga mapansamantalang tao.
Nakilala, naging kaklase, seatmate, naging boss, naging kalaro. Naging sunod sunuran sa mga gusto niya. Kasamang lumiliban sa klase. Isang taong nakilala kong walang direksyon sa buhay. Taong masiyahin ngunit yun palay may mabigat na dinadala sa kalooban.
Habang lumilipas ang panahon ay naging kaibigan, at napansin ko ang pagbabago sa kanyang sarili. Natuwa ako na hindi na siya kagaya ng dati ngunit ng magtapat siya ay hindi ko sinasadyang masaktan siya.
Inaamin ko noon na nahuhulog na ako sa kanya. Ngunit pinigilan ko ang sarili dahil hindi pwedi. Marami ang magbabago at marami ang masasaktan.Ngunit sadyang may mga bagay ang hindi inaasahang mangyari bigla. Muling nangyari ang isang isang pangyayari kung papaano kami nagkatagpo ngunit ang akala kong bagong simula ay doon na pala magtatapos.
Ang tahimik ng paligid. Ang tahimik ng lugar na ito. Ngunit iyon naman ang dapat.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng malalim na paghinga. Masakit parin sa damdamin at sobrang bigat sa kalooban tuwing maalala ko ang mga nangyari, subalit gaano man kasakit ang mga ala-ala, hindi ko naitatangging binuo nito ang mas matibay na ako. Ako siguro ang isang taong hindi makakalimot.
Tahimik kong inilagay ang dala kong bulaklak at saka sinindihan ang kandila. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng mawala siya. Ginawa ng taong ito ang makakaya niya upang mailigtas ako . . . at si Mark. Na mas piniling ibuwis ang buhay para sa kasiyahang akala niyang magiging masaya ako.
"Happy birthday sa pinaka-matapang na taong nakilala ko." narinig kong sabi ng tinig mula sa aking likuran.
Pagkalingon ko ay nakita ko si Chris at nasa likuran niya ang iba pang mga taong nagmamahal kay Steven. Sina Shai, Tin, Angelo, at Reniel. Napangiti ako ng makita sila. Andito sila ngayon para samahan si Steven na ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Naalala ko pa noong araw na inaya niya ako mamasyal. Nagpunta kami sa park para magsaya. Nagpalipad ng saranggola at sumakay ng kalesa. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, dahil iyon ang pinakamasayang araw na kasama ko ang superhero ko. Si Steven.
Naramdaman ko ang kamay ni Chris na pumatong sa kanang balikat ko. "Tol, kahit ang daya mo dahil iniwanan mo kami andito parin kami para samahan ka sa araw na ito. Tol, ang dami kong natutunan sayo. Salamat sa lahat at sa pagpapakilala mo sa akin sa mga taong ito na kasama ko ngayon." inilapag ni Chris ang dala niyang bulaklak.
Sayang, dahil hindi siya namin kasamang nagtapos. Umakyat sa intablado para kunin ang inaasam naming diploma. Ngunit alam ko namang masaya siya na naabot namin iyon. Hindi man namin siya kasabay ay tiyak kong nandoon siyang nakangiting pinapanood at pinalakpakan kami.
Ngayon ay nasa kolehiyo na kami nina Shai, Tin at Chris. Hindi kami naghiwalay bagkus sa parehong unibersidad ang pinasukan namin nga lang magkaibang kurso maliban kina Chris at Tin. Si Shai, kumuha ng kursong Marketing. Si Tin namn ay kumuha ng kursong Civil Engineering dahil para mabantayan si Chris at kaya magkaklase sila. Buti nalang at andyan si Chris dahil nahihirapan narin daw si Tin sa kursong hindi naman niya gusto pero dahil kay Chris ay pilit niyang ginugusto.
Ako naman ay kumuha ng kursong guro dahil narin siguro ay gusto kong makakilala balang araw ng mga estududyante na kagaya ni Steven. Ipagmamalaki kong ekwento sa kanya, sa kanila na minsan ay may nakilala akong taong kagaya niya.
BINABASA MO ANG
When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*
Teen Fiction"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT! SHARE! When A GANGSTER Falls In Love Follow: @Mart25 ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌