Chapter 5

43 3 0
                                    

(Jasper's POV)

Hay, salamat! Tapos na din ang klase. Papunta na kami sa cafeteria. Pagpasok na pagpasok pa lang namin...Asan sila??? Nasaan yung mga estudyanteng pinagkakaguluhan kami tuwing pumapasok sa cafeteria???

Haystt! Baka naman may inihahandang suprise na naman yung mga yun sa amin. Pero para kasing may mali eh, napatingin ako sa dulo ng cafeteria kung saan may burger stand dun. Bakit sila nagkukumpulan sa may burger stand??

Dahil sa dakilang chismoso si ako, dali dali akong dumeritso sa kumpol na mga estudyante. Hindi ko alam na sumama din pala sakin ang iba maliban kay Zheifer. Nakisiksik kami at napunta naman kami sa unahan.

"Don't you dare touch my precious fa--" napatigil sa pagsasalita ang isang babae ng makarinig siya tawa sa paligid

Napalingon siya sa likod niya at agad na tinitigan ng masama yung mga tumawa sa kanya. Bakit sila tumawa?? Ano bang kasing meron?? Ang gulo ah! Di ko kasi naumpisahan eh! Sayang!!! Ipinagpatuloy na nya agad ang kaniyang sinasabi.

"Mamatay na tumawa dyan! Okay.. again.. Don't you dare touch my precious face kung ayaw mong makita ang impyerno.. oopss dun ka nga pala nakatira" mukhang natigilan naman yung kaharap niya. Binitawan na nung babae yung wrist nung kaharap niya at kinuha yung bag niyang nasa sahig at umalis.

Wow! Speechless si ateng naiwan, nakita ko pa yung natapong burger na nasa sahig... Wait! Nag away ba sila dahil sa burger? Dahil lang sa burger??? Weh?? Seriously?? Stupid girl! Narinig ko pa yung mga usap-usapan ng mga eatudyante na nasa gilid ko.

"Tsk! Walang talagang manners yang si Xiercezel noh??? Ate niya yun tapos ganun siya?? Kala ko ba matalino siya?? Hindi niya ata kilala kong sinong binabangga niya." (G#1)

"Kasi naman mga, teh! Magkapatid lang sila sa ina kaya ganyan yung ugali nung dalawa! Halata namang hate nila ang isa't - isa eh!" (G#2)

"Weh??? Half sister??? Kaya naman pala! Pero ang yabang talaga nung Xiercezel na yun! Tssk! Hindi naman kagandahan eh!" (G#3)

"You're right! Ang pangit naman talaga niya eh! Duh?? Pero alam mo parehas lang naman silang mayabang-" nahinto sa pagsasalita yung pang apat babae ng bigla siyang buhusan nung Xiercezha ng orange juice sa uniform.

"Tapos kana bang magsalita??? Kasi kung tapos kana pwede kanang umalis sa harap ko! Bitch!" sabi nung Xiercezha.

Nagmamadaling umalis yung tatlong estudyante at tumalikod na yung Xiercezha papuntang wash room.

"Jasper, honey!"

Eh??? Napatingin ako sa tumawag sakin. Huh? Kelly? Siya na naman? Anong? Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok? Sa pagkakaalam ko bawal outsider ah! Pagkalapit niya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"K-kelly? W-what are you doing here?!"

Tumingin ako sa paligid ko at pinagtitinginan na kami. May iba namang kumukuha ng litrato naming dalawa habang nakayakap si Kelly sakin.

Napatingin ako sa pwesto naming magbabarkada kaso pagtingin ko nakita ko pa yung tatlo na tumatakbo palabas ng cafeteria. Langya talaga yung tatlong yun!

"Omo! Si Jasper my loves!" (G#1)

"Jasper Ruiz??? Where???" (G#2)

"Wait! Sino yung nakayakap sa kanya??? Mukhang outsider siya ah, sa itsura pa lang. At ang kapal niyang pumunta dito para lang yakapin ang asawa ko?" (G#3)

"Kyahhh!!! Si... si... Kelly Alejandro ba yun??? Yung nag iisang anak ng pinakasikat na may ari ng Alejandro Hopital?" (G#4)

"Oo teh!" (G#1)

Agad kong tinanggal yung pagkakayakap ni Kelly sa akin at hinila ko yung wrist nya. Pumunta kami sa garden para makapag usap ng kami lang. Nang makarating na kami sa garden, agad kong siyang binitawan.

"Kelly! Anong ginagawa mo dito???" Seryoso kong tanong dito.

" Well! What do you think?" nang aasar na tanong niya pabalik.

"Haystt! Bakit mo ba ito ginagawa ha?" medyo naiirita kong tanong.

"Beacause I like you! Jasper, I love you!"

Akmang hahalikan niya sana ako kaso pinigilan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Oh c'mon! Wala na tayo! Can't you remember? It's just a one night stand! I don't take it seriously! You know" kalmado kong sabi.

"Pero bakit???" naguguluhang tanong niya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Haystt! Ang kulit talaga ng isang toh! Agad akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Anong bakit??? Bakit hindi mo maintindihan na hindi ko kayang magseryoso sa isang relasyon? Why can't you just understand it? I can't love you... I can't love you like the way you love me! I'm Sorr-" naputol ang mga sasabihin ko ng bigla niya akong.....

.........PAK..........

sampalin ng pagkalakas lakas na para bang matatanggal yung pisngi ko. Napahawak ako sa mukha ko. Unti- unting tumulo yung kanina pa niyang tinatagong mga luha sa mata. Bigla siyang tumakbo papalayo at ako... naiwang tulala. Wow! Ang hirap talagang maging gwapo! Napangisi ako ng wala sa oras....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love Full Of VengeanceWhere stories live. Discover now