chapter 7. sunday morning

81 4 6
                                    

Good Morning!

Maaga pa rin akong bumangon kahit sobrang ilap ng antok sakin kagabi, pano ba naman nakapikit ako at hindi mukha ni Kezz ang nakikita ko .Hayz.... buhay nga naman parang life ... naiistress din ako kaka isip kung tama ba ang naging sagot ko sa tanong niya. Alam ko naman na may nararamdaman ako para sa kanya , kaya lang parang sobrang bilis naman as in haler?! Kakakilala lang kaya namen kahapon tpos biglang ganun lang ..diba? diba? Imposible naman yun.

Lumabas na ko ng bahay para magjogging linggo ngayon jogging day ko, syempre kelangan alagaan ang aking sexy fit body...oh baka humangin na naman ,,,

“ Good morning Yineka!” bati sakin ng isang lalaking nakasalubong ko

?_? teka, di ko naman siya kilala ah..

“ HI good morning “ bati ulit ng isang babaeng nag sstretching sa gilid ng kalsada

Ngiti lang ang sagot ko, ngumiti din siya kaso parang kakaiba, tuloy lang ako sa pagtakbo. Bakit kaya parang kakaiba ang mga kavillage ko ngayon, dati ko pa naman silang nakakasabay magjogging pero di naman nila ako pinapansin. I don’t personally know them , kasi lumalabas lang naman ako ng bahay kapag ngjojogging pagpasok at pag may ibang lakad .. pero yung maglibot libot dito hindi ko ginagawa.

“Good Morning, ate Yineka” may isang bata akong nakasalubong, siguro mga nasa 7 yrs.old lang siya.

“Good Morning, swetie” tumigil ako. Kanina pa ko naguguluhan bakit parang andaming may kilala sakin? Bakit ngayon lang? Sa ganda kong ito? Ngayon lang ba nila napansin na dyosa ako?

“How was your date, ate?”

Nagulat ako sa sumunod na tanong ng bata, anong date?

0_0

Ay syete , kaya naman pala nila ako binabati ... malamang dahil dun sa event kahapon. Bigla ang pakiramdam ko gusto ko ng magkulong sa bahay ilock ang pinto pumasok ng kwarto at magkulong sa banyo. Malamang nakita nila ang pagnanakaw ni Kezz ng first kiss ko!

“ How was the kiss, ate?”

0_0 hala! Ano ba naman tong bata to .... kung ano anong pinagtatatanung. Nasan na kaya ang mga magulang nito at parang napabayaan to sa tindahan ni aling nena na madaming tsismis..

“Alam mo swetie, kung ako sayo umuuwi ka na kasi di pa ko nag uumagahan at ang paborit kong umagahan ay bata...” takutin ko nga

“AHHHHH! Mommy, monster” tili ng bata sabay takbo

“Hoy! Bata ka , anong monster? Dyosa ako, dyosa!” aba ang batang yun sa ganda kong ito.

“Yineka, pati naman bata pinapatulan mo”

Nag summersault ata ang puso ko ng makita ko siya. Napahawak din ako sa bewang ko tsinetsek ko lang baka kasi nalaglag na ang panty ko .... ikaw ba naman malingunan mo ang isang  Kezz topless with 6 pack abs? Syete!

“Wag mo kong tingnan ng ganyan, Yineka. Baka isipin kong in-love ka na sakin.” Nakangising asong ulol na naman siya

Natauhan naman ako ” Nanaginip ka pa ata Kezz” kunyari dedma lang ako at pinagpatuloy na ang pagjojogging.

“ Hindi pa nga ako natutulog eh” sumabay pa siya sakin.

“ ah, kaya pala antok lang yan, itulog mo na”

“Good Morning lovers” bati sa kanila ng isa pang lalaking nakasalubong nila

“we’re not lovers “ gigil kong sigaw ke kuya. Narinig ko namang tumawa lang si Kezz.” Magdamit ka nga!” kabwisit imbis na mainis ako, nawawala pag nakikita ko ang katawan niya , syete talaga

‘natutukso ka ba, Yineka mou” nanjan na naman ang mapang asar niyang ngiti.

“in your wildest dream Kezz” wag sana akong tamaan ng kidlat konti na lang talaga at pagsasamantalahan  ko na siya ... help me oh mercy!

“wag kang ganyan Yineka mou, maraming babae ang may gusto ng abs na to” pagmamayabang pa nito

“wala akong pake. tigilan mo nga ako Kezz at wag mong sirain ang araw kong kasisimula pa lang” inirapan ko siya. Pero habang naiimagine kong maraming mga babae ang nakatingin sa kanya , parang gusto kong paslangin lahat ng titingin.

“Yineka mou ang sa---“

“tigilan mo nga ako sa kaka-yineka mou Yineka mou mo jan” putol ko sa sasabihin niya, sa totoo lang ayaw ko ng pakiramdam ko pag kasama ko siya, iba kase sa pakiramdam.

“pero Yineka mou, gustong gusto kong sinasabi ang pangalan mo” madamdaming sabi ni Kezz

“Yineka mou ka jan, hindi ako baka bakit may moo?” pamimilosopo ko sa kanya , since i think he won’t let me go.

“hindi ka naman talaga baka Yineka mou, dahil dyosa ka”

Sa dami ng sinabi niya ngayun lang ako natuwa ” sige pa Kezz puriin mo pa ko” kung ganto siya lage matutuwa pa ko.

“oo naman Yineka mou, mukha kang dyosa...

Dyosa ng mga baka” tapos bigla siyang tumakbo.

Aba! Sa ganda kong to.... hinabol ko siya kaso diba alam naman naten na sa igsi ng pata ko sa pata niya maabutan ko ba siya...

Tumigil siya nang mga 10 dipa na ang pagitan namen

“ Pasensya na di lang talaga ako makatulog hangga’t di ka nakikita” sigaw niya . at dahil sigaw nga madame ng nakarinig niyan

Ang siste lahat sila nakatingin saming dalawa yung iba tumigil pa pagjojogging para lang panuorin kame ...

Ngayon ko lang narealize na mga tsismoso at tsimosa pala ang mga kavillage ko.... tsss

Tapos yung iba nakatingin pa sa abs ni Kezz.. o imagination ko lang yun basta nakatingin sila kay Kezz eh

And i don’t know what push me, but...

“Fine Kezz, magdamit ka na lang please” sigaw ko sa kanya.. malamang alangan naman ibulong ko ...

Napangiti ako at kuntento nang tumakbo pablik.... He already wear his shirt ...

search meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon