Before we start, gusto ko sanang magpasalamat sa mga bumasa hanggang sa part na to. Makakatulong po sa akin ang feedbacks nyo so huwag po kayong mahiyang magcomment!
*******
H A R V E Y
Gulat na gulat ako. Walang boses na lumabas sa bibig ko. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero nang nasa harap ko na siya ngayon, para akong naduwag na natatakot.
"K-kanina ka pa ba dyan, Axel?" Pautal na sabi ko pero ngumiti pa rin ako sa kanya para mawala ang bakas ng kaba at gulat sa mukha ko.
"Alam mo Harvey, mabait akong tao. Mapagkaibigan. Maalaga. Pero ang pinaka-ayaw ko ay iyong ginagago ako! Alam mong may nararamdaman ako kay Gelica pero inaahas mo siya saken! Bakla ka diba? Pinaglalaruan mo lang si Gelica para makahiganti sa akin! Tangina mo!"
"Axel, hindi naman ganun ang nangyari kani-"
Hindi ako pinatapos ni Axel sa pagsasalita. Mabilis niyang nahawakan ang braso ko at hinatak ako nang mabilis papunta sa itaas na floors ng gusali. Muntik na akong matisod pero wala siyang pakialam dun o kung ano mang mangyari sa akin.
Narating namin ang computer laboratory (may computers at mga drafting boards) na noon ay nagamit namin para sa Engineering Science o Draftin subjects namin. Hindi pwedeng pumasok sa loob kapag walang guro na kasama o present at palagi itong nakalock.
Anong swerte ba meron itong si Axel at pagkarating namin sa pintuan kanina ay bukas ito, wala nga lang aircon. Baka walang kuryente. Nangyayari din kasi ito minsan noon. Meaning, hindi gumagana ang camera sa room.
"Aray, Axel. Nasasaktan ako."
"Tumahimik ka bakla. Matagal na akong nagtitimpi sayo. Bakit ba ikaw ang gusto ni Gelica? Bakit hindi niya ako pinapansin? Bakit may payakap-yakap pa kayo kanina?!" Galit na sigaw ni Axel sa mukha ko dahilan para mapaatras ako.
"Diba ako ang gusto mo? Diba? Ha?! Eto halikan mo ang kamao ko!"
Huli na nang mapagtanto kong dumapo na sa labi ko ang suntok na walang kasing sakit. Walang kasing sakit kasi nanggaling ito kay Axel na siyang tanging hinuhugutan ko ng pag-asa sa kabila ng mga paghihirap ko at kasi ang lakas ng suntok niyang iyong. Napahiga ako sa sahig. Kahit nagawa na akong punching bag ni Tiyo, iba ang dating ng suntok sa akin ni Axel.
Walang inaksayang panahon si Axel at pinaulanan ulit ang mukha ko ng mga suntok. Nakapatong siya sa may tiyan ko na may mga pasa kaya't napasigaw ako sa sakit pero tuloy tuloy pa rin si Axel sa pagsuntok. Ginawa kong sangga ang dalawa kong kamay sa magkabilang parte ng mukha ko pero tumatagos pa rin ang mga kamao niya.
"Ta-tama na. Axel pakinggan m-mo naman ako. Axel ang sak-kit." Daing ko. Pilit kong sinasangga ang mga kamao niya. Nag-ipon ako ng lakas para makawala sa kanyang pagkakapatong sa akin pero tinatablan na ako ng sakit na kagabi ko pa nararamdaman.
May konting dugo na rin ang mga kamao ni Axel. Sige pa rin siya sa pagsuntok. Nasisira na yata ang mukha ko. Nahihilo na rin ako pero hindi ako tumigil makiusap kay Axel. Namamaos na ako at nababasag na ang boses ko.
"Axel, ma-a-wa ka na-man. Agh. Ugh. Please. Axel. Masaki-kit."
Sumisikip na ang dibdib ko. Ang tuhod niya ay nakapatong kase doon habang punapaulanan niya ako ng suntok at mura.
Nagdidilim na ang paningin ko. Hindi ko na maitaas ang isang braso ko na ginawa kong panangga.
Nawawalan na ako ng ulirat. Kahit gaano ko gustong panatilihing magising, ayaw na yata ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
Flux (BxB) - Ongoing
General FictionSana nasa isang laro na lang tayo kung saan pwede tayong magsimula ulit. Sana nasa isang laro na lang tayo kung saan pwede tayong maging kahit na sino. Pero, sa buhay kong puro malas at paghihirap, hanggang dito na lang yata ang kaya ko. ...