Flux 17

1K 44 5
                                    

HARVEY

[TING!]

[Push-ups - 50/50]

[TING!]

[Pull-ups - 50/50]

[TING!]

[Travel by foot - 5km/5km]

Sunod-sunod na tunog na narinig ko matapos ang aming ehersisyo.

Ang paggamit nalang ng skill ang problema. May more or less 12 hours pa naman ako.

Nakita kong paparating na din ang iba kaya tumayo na ako muli. Mahirap ang pag-eehersisyo pero dahil may kasama ako at nakakausap, parang hindi siya ganun kabigat. Inaalalayan din kasi ako ni Aries.

Walang oras ang barkada para magkausap dahil dumating na din si Ka Among at nagsalita ito.

"Ngayon ay ipapakita ninyo sa akin ang inyong mga kakayahan. Simulan natin sa'yo, Prinsipe Toby."

Lumakad sa harapan si Toby at pinaapoy ang kanyang mga kamay. Asul ang mga kulay nito. Nakakaakit na hawakan pero huwag ka - mainit na mainit ito. Binaling niya ang atensyon niya kay Mico na na-gets naman kung anong gustong mangyari. Lumakad si Mico sa sa harap, malayo sa posisyon ni Toby.

"Aaaaaaaaaaah" pagsigaw ni Toby at nakalikha siya ng asul na globo ng apoy sa kanyang dalawang naka face-up na kamay sa gilid nito at isa-isang itinapon kay Mico.

Alam ko namang heat resistant si Mico pero hindi ko maiwasang matakot para sa kanya. Sinapol ni Toby ang ulo ni Mico at sumiklab ang apoy sa itaas na bahagi ng katawan nito. Matapos ang ilang sandali ay nawala ng apoy at tumambad sa amin ang wala ng pang-itaas ma damit na si Mico.

"Kyaaaaah!!! Enshereppp!!!" Sigaw ni Andrei.

Pansin din sa iba ang pagkamangha sa pagkahulma ng katawan ni Mico. Malalaki ang chest nito pati na rin ang braso at balikat. May pa-abs din siya sa harap namin. Hindi kasi halata na maganda ang katawan nito kapag nagdadamit ito. Napalunok ako ng laway kasi parang isang suntok nya lang ay knock-out na ako.

"Magaling Prinsipe Toby. Napakalakas ng apoy mo. Kung hindi lang sa passive ni Mico ay tiyak na napatumba mo na siya. Magaling ka ring umasinta kahit sa ganito kalayong distansya. Makikita talaga ang kontrol mo sa iyong kapangyarihan."

Nakapamulsa na si Toby at ngumiti. Bumalik siya sa hanay namin. Si Ka Among naman ay nagsalita muli pero ngayon ay kay Mico na ito nakaderekta.

"Mico, hindi ko maintindihan kung bakit nagpapalaki ka ng katawan kung ang kakayahan mo naman ay katulad sa akin - ang broadcast. Mas mainam siguro na ginugol mo ang oras mo sa pag-me-meditate para sa mental na pagsasanay kaysa sa pisikal na pagsasanay."

"Mawalang galang na po, Ka Among. Pero sa tingin ko, nararapat lang na matuto ako sa pisikal na labanan dahil nga broadcast lang ang kapangyarihan ko. Binayayaan ako ng resistensya sa karamihan sa mga magical na atake kaya napagtanto kong maging isang tangke at sa harapan lumaban kaysa mag-strategize lang sa likod."

"Hmmmm. Mabuti kung ganoon. Magaling at naisip mo iyan. Makikita talaga ang pagkamatalino mo at dedekasyon sa pagsasanay."

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon