Flux 8

1.8K 70 2
                                    

H A R V E Y

Tahimik kaming dalawa sa sasakyan. Pansin ko na nasa harap na pala kami ng bahay nina Tiya Nene kaya pala itinigil niya ang sasakyan.

"Bakla ka?" Mahina niyang tanong.

"Hindi ko alam, Axel. Pilit kong winawaglit na baka maalaga ka lang na kaibigan pero hindi ko mapigil ang puso ko eh. Tuwing hinahaplos mo yung balat ko kapag-"

"Tumigil ka! Bumaba ka! Nilagyan mo ng malisya yon? Ano ba naman, Harvey? All this time, niloloko mo lang pala ako? Gusto mo lang pala akong ikama gaya nila?"

"Ha? Ikama? Wala akong intensyong ganun. Ngayon ko lang naramdaman ito. Hindi ako maruming tao, Axel. Eh bakit ka ba kasi humahalik sa-"

"Sabi ko, bumaba ka na!" Pasigaw na niyang sabi. Maski ako ay nagulat. May galit yata siya sa mga bakla? Bakla na pala ako?

Nakayuko akong bumaba sa sasakyan nya. Nilingon ko muna siya bago ko isinara ang pinto, nagbabakasakali na pina-prank lang niya ako. Pero nung nilingon ko siya, laking pagsisisi ang naramdaman ko. Galit talaga siya. Ito na yata ang culmination ng galit niya sa akin simula ng kay Gelica. Ang saklap.

Lumakad ako papunta sa bahay pero napatigil ako ng sumigaw si Axel mula sa sasakyan.

"Wala akong kaibigang bakla!"

Ang sakit sakit nun. Hindi ko malilimutan ang naramdaman ko pagkatapos nun. Para akong ihinampas mula sa pinakamataas na ulap papunta sa lupa.

Grabe ang pagsisisi ko, ang panghihinayang, at higit sa lahat, ang lungkot. Maiiyak na sana ako ng may nagsalita sa harap ko.

"Bakla ka palang bata ka?! Sinasayang mo lang pala ang pera na ibinibigay namin sa iyo sa panglalalaki mo?! Isa kang salot!! Kaya pala ang gabi gabi mo ng umuwi!!" Sigaw ni Tiya Nene. Nasa tabi niya ang mga anak niya at si Tiyo Pablo na mukhang lasing.

"Tangina kaya pala laging kumukulo ang dugo ko sayo Bakla! Bakla ka pala! Punyeta!" Bigla bigla akong hinablot ng Tiyo Pablo gamit ang magaspang niyang kamay at hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Tiyo, wag po. Hindi po ako bakla."

"Eh sinu yung lalaking palagi mong kasama na naghahatid sayo dito? Lecheng bata ka! Ang landi landi mo, hindi ka na nahiya sa amin. Hindi mo inisip kung anong bigay na kahihiyan nito sa pamilyang ito." Sinimulan nyang tanggalin ang sinturon nya. Ngayon lang ako masisinturon. Nanginginig ako sa takot.

Pero naglakas-loob parin akong magpaliwanag sa kanila.

"Tiya, Tiyo, hindi po ako bakla. Ang nakakahiya po ay ang pagsigaw-sigaw nyo sa mga bagay na narinig nyo lang sa isang ta-"

Paaaaak!

"Manahimik ka! Tangina sumasagot ka na ah!"

Napatahimik ako dahil sa sampal ni Tiya Nene. Nag-aabang naman ang sinturon ni Tiyo Pablo habang sinasabunutan ako ni Tiya Nene sa gigil niya. Ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay ni Tiya Nene.

Namalayan ko nalang ang pagkaupo ko nang bigla akong nilatigo ni Tiyo Pablo gamit ang sinturon nya. Masakit. Masakit na masakit. Ginagamit niya pa ang may metal na parte. Ang sakit nun sa dibdib. Nilatigo niya ulit ako.

"Aaaaaaaah" tanging daing ko. Sobrang sakit talaga. Parang mawawalan ako ng ulirat.

Ang hirap huminga. Umiiyak na ako. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa sakit sa katawan ko, dahil sa masasakit na salita nila, dahil hindi man lang nila ako pinakinggan, dahil mas paniniwalaan nila yung sabi ng ibang tao, o dahil kay Axel. Hindi siya masisi, though. Reaction nya lang yun dahil sa galit niya.

Kasalan ko yata to. Mas okay na sigurong iniwan nalang ako ni Axel gaya ng iba. Hindi ko sana ito mararanasan ngayon.

Hindi rin. Habambuhay na ba akong walang ginagawa tungkol sa mga iiwan sakin? Part ito ng risk. Tatanggapin ko lahat lahat ng consequences ng actions ko.

Kaya kahit masakit, kahit hindi ako makahinga nang mabuti, kahit ilang paglalatigo, kahit ubusin ni Tiya Nene ang buhok ko sa pagsabunot, tatanggapin ko ito dapat.

Pero ang sakit pa rin.

"Huwag mong sagiin ang mukha ng baklang yan. Makikita ng ibang tao. Baka tayo pa ang gagawing masama sa mata ng iba." Pagsigaw ni Tiya Nene.

"Tanginang bakla yan. Nagkaleche leche na nga ang buhay natin sa malas, babakla-bakla ka pa! Doble malas! Putang ina!"

Isang suntok naman ang iginawad nila sa akin. Sinikmuraan ako ni Tiyo. Namilipit ako sa sakit. Ito na yata ang pinakabugbog na state ko. Wala silang pinalagpas na parte ng katawan ko na walang bakas ng sinturon, pasa dahil sa suntok at sugat dahil sa pagpapasakit.

Hinawakan ako sa leeg ni Tiyo at inilutang sa ere papunta sa kwarto kong maliit. Ang kalat na ng sala, papaano ko iyon lilinisin.

Ang hirap palang huminga kapag may masikip na pagkakahawak sa leeg mo. Parang luluwa ang mata ko. Parang nasa ulo lahat ng dugo ko at anomang oras ay maglalabasan ang dugo. Pilit akong nagpupumiglas, pilit kong nilalabanan, pero malakas si Tiyo kapag nakainom.

"Tangina papatayin kita!"

Nararamdaman ko ang malamig na walls sa likod ko. Nakahawak pa rin si Tiyo sa leeg ko. Nawawalan na ako ng ulirat.

Pilit kong pinipigilan. Mas nilakasan ko pa ang pagpupumiglas. Nanglupaypay na ako sa sakit at kawalan ng hininga. Tumutulo na ang laway ko sa kamay ni Tiyo. Naisip ko na ito na ang katapusan ko. Dahil sa bakla daw ako, matatapos na ang malas kong buhay.

Malas talaga.

Bakit hindi nalang kaya ako nagpakamatay noon pa?

Nawawalan na ako ng lakas ng naramdaman kong inihulog pala ako ni Tiyo sa sahig na hinihigaan ko gabi gabi. Ang sakit sa likod, ang sakit sa ulo ng pagkakatapon niya sa akin sa sahig, pero mas nangibabaw sa akin ang kawalang hangin kaya kahit mas masakit ang ibang parte ng katawan ko, ang baga ko ay kailangan kong punan ng hangin.

Hinahabol ko ang hangin. Nagpumiglas ako para nakalanghap ng kahit konting hangin. Kahit hindi ko maramdaman ang pagpasok ng hangin ay nag-iingale at exhale ako ng normal. Maya maya ay naramdaman ko ang pagbalik ng normal na paghinga ko. Sabay naman nun ang pagsakit ng buong katawan ko, ng mga pasa, ng mga pagsinturon, ng mga sugat.

Hindi ko namalayan na wala na palang tao sa munti kong kwarto. Sumandal ako sa wall sa likod ko habang hinahaplos ang mga sugat ko.

Ang pagkakaiba ng mga pasang ito sa mga pasa ko noon, hindi ko ginustong mawala ang pasa ko ngayon. Sana pinatay nalang nila ako. Sana natuluyan na ako.

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon