Flux 31

1.8K 47 41
                                    

HARVEY

"Ah, ginoong tagapagligtas! Nagbalik ka dito." Bungad sa amin ng mga "kriminal" na ikinulong dito sa Floor 13 na pilit nagbabagong buhay kahit mayroong mga mobs o kalaban sa floor na ito. Nasasanay na siguro sila at nakahanda sa paglaban sa ano mang oras.

     Maaalala na sila 'yong mga iniligtas ko mula sa mga Naga noong napadpad ako dito at noong nakilala ko so Braria.

      "Ano po pala ang ginagawa ninyo dito sa may entrace, sir?" takang tanong ko sa isa sa mga nailigtas ko.

     "Sir daw? Hahahaha. Ang bait mong bata. Nandito kasi kami pansamantala dahil simula noong natalo mo ang Naga Queen o boss sa floor na ito, wala ng sistema ng organisasyon ang natitirang nga Naga at nagwawala na ang mga ito."

     "Hala! So, yung solusyon ko noon ay nakapagdulot pa pala ng mas malalang problema. Paumanhin po sir." Sabi ko dito.

     "Hindi mo kailangang humingi ng patawad. Dahil na rin sa kawalan ng lider, nasa Disoriented state ang mga Naga kaya't para na lamang itong isang mababang uri ng hayop at naggiging predictable na ang mga galaw nito. Kayang-kaya naman namin sila kaso talo kami sa numero."

     "Ayun! Iyan ang gawin natin ngayon, bebequoh! Ubusin natin ang lahat ng Naga dito sa Floor na to."

     Tumaas naman ang kilay ko.

     "Nababaliw ka na ba? Ang isang floor na ito ay parang isang syudad ang laki. Paano naman natin matutunton ang mga isdang iyon?"

     "Ah, hindi na iyon problema, mga Ginoo. Tamang-tama ang dating ninyo. Sa mga ganitong oras, "nagpupulong" ang mga Naga sa palibot ng [[TOMB OF THE SERPETINE]] ang nga ito na wari hinahanap ang kanilang Lider."

     "Diba iyon ang lugar kung saan mo natalo ang mob boss, mylabs?"

     "Oo kaya tara na. Salamat po sir. Magpahinga muna kayo dito ng mga kasama ninyo. Pagod na siguro kayo sa pakikipaglaban simula noong nawala ako dito at nabigyan kayo ng problema."

     "Sige bata. Balik kayo dito kapag natalo ninyo lahat. Magbibigay kami ng gantimpala sa'yo!" Galak na sabi nito.

     "Nako 'wag na po. Ako po ang —"

     "Wala nang pero pero, kailangan naming magpasalamat sa'yo dahil na rin sa nagawa mo sa amin. Ikaw ang tagapagtanggol naming lahat!" Sabi nito suot ang isang sinserong ngiti.

     "Oh sige. Babalik kami."

[The player has accepted the Special Quest, "Naga Extermination."]

[Calculating the number of Nagas in the floor.]

[Calculation complete!]

[Nagas left: 625]

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

     Habang papunta kami doon sa [[TOMB OF THE SERPENTINE]] ay may mangilan-ngilang Nagas din kaming nakita at natalo.

[Nagas left: 583]

     Napansin ko rin na parang hinihingal na si Aries. Naalala ko na may slow na debuff pala itong tubig na dinadaanan namin pero may [Cleanse] kasi ako at immune na ako sa slow.

     "Pagod ka na ba, Aries?"

     "Ha? Ako? Pagod? Hindi ah! Ikaw nga itong lumalaban eh. Wala pa nga akong naaatake dahil masyado akong nanibago sa environment dito." Pagdadahilan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon