Flux 13

1.5K 60 8
                                    

H A R V E Y

Lumabas sa likod nina Mico at Mica si Toby.

"Ang bangkay na nandoon sa unibersidad ay bangkay ko. Pasensya pala kung napagtripan kong sunugin yung lugar. Nakainom din kase. May pinagdadaanan eh." Pagkamot nya sa batok nya na nahihiya. "Suot-suot mo pa rin pala ang kasuotan ko." Ngumiti siya sa akin ng may bahid nang kabastusan.

Nagpatuloy siya. "Kung nagkapalit tayo ng sinuot, siguro naman suot suot mo pa rin ang brief ko dyan? Hahahaha!"

Napamuglat ako sa pagkakahiga at tiningnan ang loob ng pantalon. Oo nga. Ibang brief na to. Tangina ang baboy nito.

"Toby nga pala p're." Inilahad niya ang kamay niya. Hindi naman pala siya masama. Tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Uhmmm... Mico, Mica, bago natin harapin ang buong barkada na sinasabi nyo, pwede bang maligo at magpalit muna ako ng damit?" Namumula yata ako habang sinasabi iyon. Hindi ako makatingin sa kanila.

"Sure. Tatawagin nalang namin ang barkada."

So ang siste, naglinis muna ako. Napapikit ako habang umaagos ang tubig galing sa shower head. Parang dormitory at academy pala ito. Matanong nga sa kanila ang iba pang impormasyon tungkol sa lahat-lahat.

Lakas maka-english ng mga ganitong eksena. Iyon bang, I can't wrap my head around the situation dahil sa bilis ng mga pangyayari. Patay na daw ako. May nga mahika. May mahika ako. Oh well, go with the flow nalang siguro? Ewan.

Nang pumasok ako sa silid na pagbibihisan ko matapos maligo ay nandoon na ang lahat-lahat na barkada ni Mico at Mica. Dapat pala sa banyo na ako nagbihis. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Nako naman.

"Antagal mo namang maligo, Harvey. Ito pala ang mga mabubuting kaibigan namin." Salubong sakin ni Mica.

"Eto si Toby, Andrei, -"naputol ang pagsasalita ni Mico nang sumabat si Andrei.

"Eto naman ang papaloves ko." Takbo niya sa isang lalaki sa gilid ng kwarto. Ngunit laking gulat ko nang lumusot lamang sa katawan ng lalaki si Andrei dahilan para mahulog ito sa sahig.

"Aray ko po. Enebeyen Fafa Rabby, saluhin mo naman kapag nahulog ako sa'yo ng todo-todo." Shet bumanat pa.

"Hi, ako nga pala si Rabby." Lahad niya sa kamay niya. Nakipagkamay naman ako habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa tuwalya.

"Eto rin si Toby, kasama siya sa barkada. Hindi mo naitatanong pero halos magkababata lang kami nyan." Sabi ni Mico.

So that's 5. Sino naman kaya itong lalaking nasa gilid na hindi kumikibo.

"At ang panghuli, ang black sheep ng grupo, well always naman talaga mayroong black sheep, ang dugyutin, ang isnabero -pero pogi at yummy na rin, si Aries." Pagpapatawa ni Andrei sa misteryosong lalaki.

"Anong sinabi mo bakla? Black sheep? Yummy na rin? Napipilitan? Nako nung una nga patay na patay ka sa akin." Diin ni Aries.

"Hahahaha! Noon lang yon. Masyado ka kasing active aggresive, mabuti pa itong si Fafa Rabby, passive aggresive lang sa akin. Mwa mwa." Lapit nito kay Rabby pero hindi na siya humawak kase lulusot lang talaga siya. Ang galing ng skill niya. Passive kaya yan o active?

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon