Flux 16

1.1K 52 3
                                    

HARVEY

Nagpatuloy si Ka Among sa kanyang diskusyon. "Sa pagdaan ng mga libong taon ng kapayapaan sa pamamahala ng nagkaisang walong Prisma sa lahat ng isla, nakasanayan na ng mga Monochroma at Spectra ang pamumuhay sa daigdig na ito. Nahulma rin ang anyo ng mga ito kagaya ng mga tao na naninirahan sa planeta marahil sa limitasyon sa kapangyarihan na ipinataw ni Un sa planeta bago ito nagpahinga. Kaya ngayon ay mabibilang nalang ang Passive at Active skills ng mga Monochroma at Spectra.

Subalit, mga 50 taon ng nakakaraan, biglang namatay ang isa sa walong Prisma. Natagpuan na lamang ito na palutang lutang sa karagatan ng walang buhay. Ang unang namatay ay si Braria, ang Prisma ng Spectra na may kapangyarihang paggalingin ang ano mang karamdaman at sugat sa kahit anong nilalang. Sinasabing ang mga elemento ang gamit niya para dito.

Ang pinagtataka ng lahat ay hindi ma-access ng mga may kapangyarihan na broadcast ang totoong nagyari sa kanya. Kahit ang mga pinakamakapangyarihan na Monochroma at Spectra ay walang nagawa. Inirason nalang na marahil humina nang tuluyan ang kapangyarihan ng mga Monochroma at Spectra sa pananatili ng matagal na panahon sa mundong ito.

Ikinagalit ni Gardion, ang Spectra ng Proteksyon, ang nangyari sa kanilang ka-Prisma. Kaya't nabuwag muli ang mga Prisma na namamahala sa Monochroma at Spectra. Sinasabing isa sa mga Prisma ng Monochroma ang nagpakana nito.

Ang ikinagulat ng lahat ay nasundan pa ang pagkamatay ng mga Prisma. Nasunod naman ang dalawa sa Prisma ng Monochroma na sina Yrrion at Roaria, ang Prisma ng katulinan at katakutan. Sinasabing ito ay paghihiganti ng mga Prisma ng Spectra.

Muntikang naging digmaan ang hidwaan ng mga Spectra at Monochroma pero natigil ito sa biglaang pagkapaslang ng tatlong Prisma - si Valion na Prisma ng Monochroma na may kapangyarihan gamit ang kanyang utak at sina Gardion at Ocamion na mga Prisma ng Spectra na may katungkulan sa proteksyon at seguridad ng mga mamamayan.

Dahil isa-isa nalang na Prisma ang natira sa dalawang panig, sila na ang sinusunod na gabay at pinuno ng mga Monochroma at Spectra.

At, sampung taon nang nakakalipas, napagkasunduan ng dalawang panig na magkaroon ng taunang paglalaban ng anim sa pinakamagaling na Monochroma at Spectra para maipalabas ang natitirang hinanakit ng mga mamanayan sa isa't isa. Ito rin ang batayan kung kanino nararapat ang mga isla na napapagitnaan ng pangunahing pulo ng mga Monochroma at Spectra.

Dahil dito, tuluyan nang nagkalayo ang mga Monochroma at Spectra sa isa't isa."

Natigil na ang mga lumalabas sa screens at tumahimik saglit ang matanda.

"Kaya kayo tinipon dito ay dahil tatlong linggo na lang at magaganap na pang-labing-isang taon na paglalaban. Maari ninyo tawagin itong tournament kumbaga. Ang ibang mga may potensyal ay nagsasanay din sa mga oras na ito pero sa ibang lokasyon sa pulo."

Simula na ng pagsasanay.

===========================

Binigyan kami ng isang oras bago mag-combat training. Sa isang oras na ito ay dapat naming isanay ang katawan namin kaya ay napagdesisyonan ng barkada na mag-ehersisyo ng dalawahan. Dahil nga ay broadcast lang ang skill ni Mico, malabo daw para sa kanya na ipasali at ipadala sa tournament. Kaya ang nangyari, ang nagpares-pares ay sina Toby at Mica, Andrei at Rabby, at ako at si Aries.

"...29 ...30...31...," pagbibilang ko sa beses ng curl-ups na ginagawa ko. Nakasuporta sa binti ko si Aries. Para lang pala itong PE.

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon