Flux 27

1K 45 8
                                    

HARVEY

Nakabalik na kami sa Floor 14 at naihanda na ni Ka Among ang mga tent na magsisilbing mga silid namin dito sa pagsasanay at pagpapalakas. Hindi ito maliit at kasua dito ang kahit apat na tao.

"Harvey, tungkol kanina..."

Pinutol ko ang pagsasalita ni Aries. Kami ang naatasang maghati sa isang buong tent na ito habang magkasama naman ang mga kambal at si Toby sa isa, at nasa isang tent naman ni Andrei at Rabby.

"Naiintindihan ko, Aries."

"Hindi. Kailangan mong makinig kasi. Noong gabing pinuntahan ako ng ama para i-check ang aking lagay dahil sa pangingisay, binasa nya ang aking nararamdaman, at labis ang galit nito sa'yo dahil nga hindi ka raw malakas. Pinagbantaan niya ang buhay mo kapag hindi ko raw ititigil ang ating ginagawa - kaya labis akong natakot. Napaka-babaw ng aking ama, kaya nanghihingi ako ng patawad sa kanya."

Sinsero ang pagkakasabi ni Aries nito sa akin. Nakatingin siya nang hindi kumukurap sa aking mga mata.

"Okay na nga lang. Wala na 'yun."

"Gagawin ko ang lahat, Harvey, basta para sa'yo. Sana mapatawad mo ako sa mga ikinilos ko."

Napaisip ako.

"Sige, para matahimik ka na, ikaw na muna ang hahawak ng [Fear] na baril na nakuha natin kanina sa ama mo." Bigla kong ipinalabas mula sa stash ko ang baril at lumabas ito sa kamay ko. Namangha naman ang aking kausap.

"Tatanggapin mo ba ito o patuloy mo lang ibubuka ang bibig at mga mata mo d'yan?"

Nahimasmasan naman ito.

"Kapangyarihan mo na naman ba iyon?" Sabi nito habang tinatanggap ang baril.

"Kinda."

Napagpasyahan naming maligo muna pagkatapos ng pag-uusap namin. May sariling paliguan din ang tent na ito. Wow.

Habang naliligo ako ay biglang tumayo ang balahibo ko sa likod ng aking batok. Naramdaman ko kasi na minamanyak na naman ako ni Aries.

"Hoy manyak! Anong ginagawa mo?"

"Babyyyyyy, sabay na tayong maligo."

Nagsasabon kasi ako sa mga oras na iyon. Isa pa, naka-underwear ako kapag naliligo. Pero kahit na ganoon, nahihiya pa rin ako sa lagay namin ngayon.

Hinawakan ako nito sa likod. Parang may sinusundan ang kanyang mga daliri.

"Ang dami mo namang mga peklat mahal? Sa mga nakikita ko, parang noon mo pa ito nakuha."

Naalala ko ang pagmamalupit na natanggap ko sa aking nakaraan noong hindi ko pa nalaman ang tungkol sa mga kapangyarihang taglay ko.

Kumusta na kaya sila doon?

Patuloy lang na binabagtas ng mga daliri ni Aries ang aking mga peklat at paunti-unting nilapit nito ang aking katawan sa kanya sa pamamagitan ng pagyakap sa akin mula sa likod.

Naramdaman ko na naman iyon.

"MANYAK!" Binatukan ko ito. Way to ruin the mood.

Natawa nalang kaming dalawa at patuloy na naligo sa ilalim ng shower head at sinabon ang aming sarili.

Wholesome kami lol.

==========================

Nagising ako matapos magpahinga at binati ang aking pananaw ng isang pamilyar na tanawin.

———————————————————
[DAILY QUEST]

Travel by foot - 0km/5km
Push-ups - 0/50
Curl-ups - 0/50
Pull-ups - 0/50
Use skill - 0/20

Flux (BxB) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon