HARVEY
"At ang panghuli ay ang baguhan. Ano ang pangalan mo?"
"Ako po si Harvey, Ka Among," pagsagot ko sa may edad pero makisig pa rin na gabay.
"Sige, simulan mo na ang pagpapakita ng iyong kapangyarihan."
Napakamot ako sa batok ko at sinabing, "Iyon nga ho ang problema, hindi ko alam papano ipalabas ang kapangyarihan ko."
"Ok lang yan. Ganyan talaga sa una. Ang palaging tinuturo sa mga bagohan ay mag-visualize sa kapangyarihan nila. Kung napansin mo, hindi sila nagsasabi ng anong salita para ipalabas ang kapangyarihan nila. Ang baduy kasi nun." Tumawa sina Mica at Andrei sa pagbibiro ng ginoo.
"Kung susumahin, para ka lang pipindot ng isang switch sa utak mo at dapat konkreto ang iyong gustong gawin. Pwede ka rin sumigaw katulad ng kay Prinsipe Toby dahil ang emosyon din ay nakakadagdag sa iyong kapangyarihan."
Ang vague naman ng sinasabi nito.
Kaya ang ginawa ko ay tiningnan ko ulit ang "Player details" at "Skills" ko.
———————————————————
[Player Details][Profile]
Health: 100% [900 hp]
Stamina: 30/30 [15 +15 (stats)]
Name: Harvey
Level: 1
Class: Basic
Affiliation: Monochroma
Fatigue: 32
Status: Active[Skills]
Buff(s) activated: Cleanse
Passive Skills:
Unknown {Lv. 1}Active Skills:
Impulse {Lv. 1}
Contingency {Lv. 1}
——————————————————————————————————————
[Impulse turns the player's eyes yellow and increases the movement speed of the player by 30%. Uses 3 stamina per minute. Player can use 15 stamina to immediately swap positions with a target. Effects improved with more "Dexterity" stat.]
——————————————————————————————————————
[Contingency turns the player's eyes green and activates only if the player is threatened with a fatal attack. Immediately uses all stamina to create a shield to block the damage. If the shield successfully blocks the attack, stamina is replenished equal to the shield remaining. If the attack is greater than the shield, blocks attack but stamina is not replenished. Effects improved with more "Stamina" stat.]
———————————————————Mukhang hindi ko magagamit ang "Contingency" dahil automatic siya na shield. Ang option ko lang talaga ay ang "Impulse."
Tulad ng sabi ni Ka Among, nag-visualize ako na gusto kong gamitin ang "Impulse" na skill ko sa pamamagitan ng pagtakbo. Para akong baliw siguro sa paningin nila dahil tumatakbo lang ako nang paikot sa silid.
Visualize. Visualize.
Naisip ko rin na ang pinakamadaling gawin para mavisualize ang kapangyarihan ko ay ang pag-iisip na dilaw ang kulay ng aking mata. Nakapokus lang talaga ako sa pagtakbo at pag-iisip.
———————————————————
[Player Details]Health: 900/900
Stamina: 28/30
Fatigue: 34
———————————————————
BINABASA MO ANG
Flux (BxB) - Ongoing
General FictionSana nasa isang laro na lang tayo kung saan pwede tayong magsimula ulit. Sana nasa isang laro na lang tayo kung saan pwede tayong maging kahit na sino. Pero, sa buhay kong puro malas at paghihirap, hanggang dito na lang yata ang kaya ko. ...