Ang mundo at lahat ng sakop nito
Ay pabagao-bago,
Punong-puno ng pagbabago…Gaya na lamang ng klima sa Baguio,
Minsan maaraw dito,
Minsan naman ang ulan
Animo’y isang bagyo…Ngunit kahit pa magbago
Ang kung abo dito sa ginagalawang mundo,
Ang pag-ibig sa’yo di kailanman
Sa iba’y tutungo…pagkat mahal…
alam mo bang isang ngiti mo lang, ramdam ko na di tayo magbabago…dahil sa malamig at mahamog na hapon,
sa maingay at magulong daan,
niyakap ako ng iyong ngiti
at ako’y pina-ibig mong muli.
YOU ARE READING
Quondam Solace 3
PoetryThe last 201-300 poems from my Quondam Solace poetry book series. Quondam Solace is a collection of poems I wrote from January 2016-January 2017. These are poems about my life, heart, observations, and imaginations. It is entitled as Quondam Solace...