Hindi ko naranasang magpatakbo ng bisikleta nang mag-isa
At magkakagalus pagkat tamang control di nagawa.
Naranasan ko lamang na habulin ang tumatakbong bisikleta,
Umangkas sa likod niya,
At sa isang iglap ay nadaganan ng isang mabigat na bisikleta,
At sa unang pagpatak ng aking luha,
Si nanay ang una kong nakita,
Tumatakbo sa gawi ko,
Puno ng pag-aalala habang pinapatahan ako.Hindi ko naranasang umiyak sa tuwa
Pagkat mataas ang marking nakuha sa matematika.
Naranasan ko lamang na umiyak sa isang sulok,
Pagkat di ko alam ang isasagot.
Halos mata na ay mamugto
Ngunit sagot sa tila bugtong ng numero
Di mahagilap ng isip ko.
At sa pagpatak ng mga luha ko,
Mahigpit na yakap ang naramdaman ko.
Kasabay ng pagpunas niya sa mga mata ko,
Tinulungan ako ni nanay na sagutin ang takdang-aralin ko.Hindi ko naranasang manguna sa entablado.
Naranasan ko lamang na tumuntong sa entablado
Pagkat ang pinaghirapan ko’y nagbunga ng wasto,
Iniisip kong kulang pa rin siguro
At ako pa rin ay talo.
Kung kaya sa bawat hakbang ko
Paakyat sa nakalaang espasyo
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaliwang gawi
Pagkat habang ako’y maluha-luha,
Si nanay ay nakangiti.Hindi ko naransan ang magkaboypren.
Naranasan ko lamang magmahal ng lubos
Sa isang taong hindi kayang suklian ang pagmahahal na aking ibinuhos.
Sa una at huling pagkirot ng puso ko,
Malumanay at maalalahanin na boses ni Nanay
Ang siyang pumawi sa kalungkutan ko.Sa bawat sakit at kirot,
Sa bawat luha at lungkot,
Nariyan palagi si Nanay,
Animo’y nakabantay
Kahit na siya pa ay nasa malayo,
Maririnig at mararamdamana niya kung ayos lang ba ako,
O halos pagod na akong magpatuloy sa buhay ko.Ngunit si Nanay rin ang nagdulot ng mga “aray” sa puso ko.
Napa-aray ako nung makita ko ang pagtiis niya ng kanyang gutom,
Makita lang kaming busog.
Napa-aray ako nung malaman ko na nagkakasakit na siya
Pagkat sa trabaho lagi siyang nakalublob.
Napa-aray ako nung makita ko ang ngiti niya,
Kahit na sobra nang nadudurog ang puso niya.Si nanay…
Sobrang dami niya nang ginawa para sa aming pamilya.
Sobrang laki na ng sakripisoyo niya,
At hindi ko man lang napansin lahat-lahat iyon,
Lalo na nung mga panahong ako ay nasasaktan at luhaan.
Yong sariling sakit na naramdaman ko lang
Ang pinagtuonan ko ng pansin,
Kaya di ko man lang nagawang tumakbo papunta sa kanya
Para pigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata
O pawiin man lang ang sakit na kanyang dinadala.Ngunit nais kong malaman niya,
Na mahal na mahal ko siya,
At labis ang pasasalamat ko
Sa lahat ng bagay na ginawa niya.
At nais ko ring malaman niya na ngayon…
Ako’y narito’t bukas ang bisig,
Nakahandang yakapin siya at pawiin lahat ng sakit na nararamdaman niya.Nay…
Mahalaga ka…
At mahal na mahal kita…
Konting tiis na lang…
Tayo rin ay magkakasama…
YOU ARE READING
Quondam Solace 3
PoetryThe last 201-300 poems from my Quondam Solace poetry book series. Quondam Solace is a collection of poems I wrote from January 2016-January 2017. These are poems about my life, heart, observations, and imaginations. It is entitled as Quondam Solace...