May mga bagay sa mundo
Na akala mo ay tanggap mo
Kahit na ang totoo
Nasasaktan pa rin ang puso moAkala ko tuluyan nang naglaho
Mga sakit sa puso ko
Simula nung ako'y iniwan mo
Pero heto, nagkamali ako.Araw-araw, gabi-gabi
Hindi ito yong liriko sa isang kanta
Pero ito'y mga panahong iniisip kita
Iniisip kita sa paggising ko tuwing umaga.
Iniisip kita kapag kumakain ako sa umaga
Kahit sa pagsisipilyo ko, iniisip kita
Kapag naman sa aking ginagawa
Tanging ikaw ang nasa isip sinta
Sa aking pag-uwi, ikaw pa rin talaga
Mahahagip ng mga mata
Lumang litrato na kasama ka
Kaya hanggang sa pagtulog ko,
Iniisip kita.Nais ko nang makalimot
Sa mga ala-ala nating tila bangungot
Nais ko nang kalimutan ka
Mag-umpisa muli na sa isip at puso ko'y wala ka na
Nais kong ipagpatuloy ang buhay ko
Na wala nang parte para isipin ka.Sana ganoon lang kasimple iyon,
Gaya ng pagsuklay ko sa magulo kong buhok
Maaayos ko rin ang ginulo mong buhay ko;
Gaya ng pamamalantsa ko sa aking damit
Madidiritso ko rin ang gusot na iyong dinulot;
Gaya ng pagtanggal ko ng mantsa sa putting damit ko,
Matatanggal ko rin ang mga ala-ala mo sa isip ko;
At gaya ng pag-higop ko ng mainit na kape
Matututunan ko ring tanggapin lahat ng paso ng katotohanang wala ka na sa tabi ko.Pero hindi e!
Dahil kahit anong gawin ko
Andito ka pa rin sa puso at isip ko
Kaya nakikiusap ako sa'yo
Bumalik ka na sa tabi ko
Bumalik na tayo sa dating tayo
Pero kung di mo na magagawa ito,
Tang ina mo!
Lumayas ka na rin sana sa buhay ko.
YOU ARE READING
Quondam Solace 3
PoesíaThe last 201-300 poems from my Quondam Solace poetry book series. Quondam Solace is a collection of poems I wrote from January 2016-January 2017. These are poems about my life, heart, observations, and imaginations. It is entitled as Quondam Solace...