NICA: Wow! Himala! Nagparamdam ka.
AKO: Pinapansin naman kita ah. Lol
NICA: Sa GC oo. Pero dito sa PM hindi.
AKO: Ikaw ha? Gusto mo ako solohin.
NICA: Ewan ko sa'yo. 'Wag mo nga ako pagtripan!
AKO: Hindi naman ah
NICA: Kung ano-ano sinasabi mo sa GC. Mamaya maniwala mga 'yun eh wala naman something sa'tin.
AKO: Edi gawan natin ng something. Lol
NICA: Baliw
Na-awkward na si Nica dahil sa kakatukso sa amin sa GC. Madalas ko kasi siyang pinupuna do'n na para bang may namamagitan na sa amin. Pero sa totoo lang hindi ko nga siya madalas i-chat. One week lang ata ako naging consistent na gabi-gabi ko siyang kinakausap thru PM. Pero nagkusa na akong huwag na siyang kausapin dahil baka mapikot pa ako. Kakagaling ko lang sa isang hindi kanais-nais na relasyon, ayokong mapasabak na naman at baka sa huli ako na naman ang maloko. Hindi ko na hahayaang mangyari 'yun.
Pero sinubukan ko. Sinadya kong landiin siya na para bang may intensyon akong ligawan siya. Inaraw-araw ko na uli ang pakikipag-usap sa kanya. Hindi na muna ako nakikipag-usap sa group chat namin. Pinaramdam ko sa kanya na nasa kanya lang ang atensyon ko.
AKO: Ang daldal mo do'n. Ako na lang kaya ang kausapin mo.
NICA: Arte mo! Kinakausap naman kita.
AKO: Tagal mo magreply kaya.
NICA: Wow! Demanding! Tayo ba?
AKO: P'wede. Gusto mo ba? Hahahahahaha
NICA: Siraulo
Literal na natatawa ako sa pag-uusap namin. Feeling ko malapit nang mahulog ang loob niya sa akin. Baka nga nahulog na siya ng tuluyan sa patibong ko. Ang weak niya kung gano'n. Ayoko ng ganyan babae. Ang bilis ma-fall. Ibig sabihin mabilis siyang maaagaw sa akin kung sakali. Ang daling mabola.
NICA: Oy Josh!
Kasalukuyan akong naglalaro ng online game nang makita ko ang message niyang nagpop-up sa taas ng screen ko. Dalawang araw ko na ata siyang hindi kinakausap dahil nahumaling ako sa game kung saan ako pinasali ng katrabaho ko. Kapag may free time ako ay mas gusto kong maglaro kaysa makipag-usap. Masyado na kasi akong na-stress sa trabaho.
In-open ko ang message niya pero hindi ako nagreply. Bumalik ako sa paglalaro.
Makaraan ang ilang araw nagmessage na naman siya habang kasalukuyan akong nagba-browse sa FB wall ko. Gusto ko kasing manood ng mga nakakatawang videos do'n. Pampawala din ng boredom at homesick na nararamdaman ko ngayon dahil mag-isa lang ako sa inuupahan kong apartment malapit sa trabaho ko.
NICA: Busy ka? Tagal mo na hindi nagpaparamdam ah. Seenzoned mo palagi ako. Grabe!
Awtomatikong umarko ang labi ko sa nabasa ko. Nawala bigla ang interes ko sa panonood ng video. Para bang nasa mood ako ngayon na makipagbiruan sa kanya. Tidnan ko nga.
AKO: Miss mo 'ko?
NICA: Kapal!
AKO: Taray pa din. Hindi mo naman pala ako namiss.
Nakita ko ang pagta-type niya pero maya-maya ay biglang nawala 'yun na para bang binura niya. Kumunot ang noo ko dahil nacurious ako. Natawa lang ako sa sarili ko dahil bakit ko ba hinihintay ang reply niya? Bumalik na lang uli ako sa panonood ng video. Pero maya-maya, nagreply na siya.
NICA: Namiss kita. Kahit madalas siraulo ka kausap. Namiss kita.
Patay kang bata ka. Nahulog ka na nga. Sige pakikiligin muna kita. Hindi naman ako masyadong masama. Tutal bored naman ako. P'wede ka na pagtyagaan.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
#SEENZONED
Short StoryNa-seenzoned ka na ba? How does it feel? Masakit ba? If it really hurts, why are you still waiting? Why are you still wasting your time hanggang mapansin ka niya? Will it satisfy you kung magreply siya sa'yo kahit simpleng hello or hahaha lang? O ma...