Chapter 4

42 1 0
                                    

Napadalas uli ang pakikipagchat ko sa kanya. Pampalipas oras at pampawala ng antok lalo na kapag hinihintay ko ang nililigawan ko na mag-online para makipagchat sa akin.

AKO: Happy birthday! Pacanton ka naman. Hehe

NICA: Bastos mo!

AKO: Anong bastos do'n? Binati lang kita eh.

NICA: Okay. Salamat. Hindi ako nakain ng canton sorry.

AKO: Eh anong kinakain mo? Gusto mo ako? Hahaha

NICA: Ewan ko sa'yo! Baboy!

AKO: Joke lang. Ito naman.

Simula no'n. Nakasanayan ko nang biruin siya ng gano'n. Minsan ay sinasakyan niya na ang mga gano'n klaseng biro ko. Pero madalas ay napipikon siya kapag nasosobrahan siguro ako. Hindi na siya uli magrereply matapos niya akong sabihang bastos o baboy. Pero makaraan ang ilang araw at nagchat uli ako sa kanya, magrereply naman siya na para bang walang nangyari. Kaya ang sarap din niya paglaruan talaga. Mabilis mabadtrip pero ang bilis din bumalik sa dati ang mood.

NICA: Busy ka? Seenzoned mo na naman ako.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko 'yun nang i-open ko ang message niya habang nakikipagchat ako sa nililigawan ko. Bakit ba ang demanding niya? Kami ba? Hindi naman.

Hindi ako nagreply. Bahala siya sa buhay niya. Masaya ang mood ko ngayon dahil kausap ko ang mahal ko. Nararamdaman ko na malapit na niya akong sagutin.

NICA: Okay. Sorry sa distorbo. Siguro nagsawa ka nang kausapin ako. Sige. Bye.

Ang drama naman nito. Natawa lang ako nang mabasa ko ang huling mensahe niya. Bahala siya. Akala naman niya hahabulin ko siya. Sino ba siya?

AKO: Hi mahal

Nawrong sent ako. Imbes na sa nililigawan ko ay kay Nica ko nai-send ang message ko.  Kahit kasi nililigawan ko pa lang siya ay 'mahal' ang tawag ko sa kanya dahil mahal ko naman siya talaga.

NICA: Uy mahal! Musta? Lol.

Parang may kung anong kumislot sa kilay ko at napaisip na naman ako. Eto na naman siya. Sinasakyan na naman niya ang akala niyang trip ko. Hindi ko na inamin na wrong sent lang 'yun dahil ayokong isipin niya na may nililigawan ako. Lalo na't lately ay wala masyadong time sa akin ang nililigawan ko dahil busy siya sa school niya. Graduating na din kasi siya kaya focus din siya sa thesis niya. Ayan tuloy. Madalas ay malungkot ako. Pero p'wede ko naman i-divert pansamantala ang atensyon ko sa pambobola kay Nica habang busy pa ang totoong mahal ko.

AKO: Mahal mo na'ko? lol

NICA: Oo. Super. Lab na lab kaya kita. Hahahaha

Alam kong nagjo-joke lang siya kaya parehas lang namin sinasakyan ang sinasabi ng isa't isa. Sa susunod, siya na mismo ang sasakyan ko. Makulit masyado eh. Tidnan natin kung makapangulit pa siya pagkatapos. Natawa na lang ako sa kalokohang naisip ko.

#SEENZONEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin