Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong kausap palagi si Nica. Natutuwa naman akong kausap siya dati. Kapag bored nga ako, alam kong siya ang makakapagpatawa sa akin at nawawala din ang pangungulila ko dahil mag-isa lang ako dito at malayo sa pamilya ko. Pero simula nang maging kami, ang dami na niyang reklamo. Pinaghihinalaan pa ako ng kung ano-ano kaya tinatamad na din akong reply-an siya. Gusto niya bigyan ko siya ng atensyon. Bakit? Hindi pa ba sapat na pumayag ako na maging kami?
NICA: Bakit ka pala pumayag na maging tayo kung hindi mo naman pala ako gusto?
Binigyan ko siya ng oras ngayon. Medyo naawa din kasi ako dahil birthday niya. Nag-away pa daw ang parents niya kaya umalis na lang siya para magcelebrate mag-isa.
AKO: Eh kasi 'yun gusto mo. Kung do'n ka masaya edi oo na lang. Haha
Ang honest ko sa part na 'yun. Dapat pala hindi ko sinabi kaso hindi ko na made-delete pa ang message ko.
Medyo natagalan bago siya nagreply pero nabasa naman niya agad ang message ko dahil kanina pa niya na-seen 'yun. Ano kayang nangyari do'n? Nasaktan kaya siya sa sinabi ko? Hala! Bahala siya. Buti nga hindi ako nagsinungaling.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpasyang magluto. Nagugutom na din kasi ako. Habang kumakain ay nadinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Notification 'yun na may nagmessage sa Messenger ko. Kaagad kong dinampot ang cellphone ko para basahin ang message. Nagreply na siya sa wakas. Nilapag ko na lang ang plato na pinagkakainan ko sa side table ng kama ko. Studio type lang naman kasi 'tong tinitirhan ko. Wala akong sofa. May maliit akong dining table pero madaming nakapatong na kung ano-ano do'n.
NICA: Hay grabe! Hindi naman ako uminom pero daig ko pa nalasing ngayon. Haha! Wow! So napilitan ka lang pala talaga?! Thank u ha! Tangina! Napakabait mo naman! Hahaha! Tanginang buhay 'to!
Ilang beses ko inulit basahin ang message niya. Galit ba siya? Parang bigla akong kinabahan. Mali nga ata talaga na sinabi ko pa 'yun. Bakit ba kasi sinabi ko pa 'yun? Hindi ko magawang magreply. Hindi ko alam ang sasabihin ko para pagaanin kahit papaano ang kung ano man sama ng loob na nararamdaman niya. Hindi ako concern sa kanya. Siguro slight lang dahil alam kong may pinagdadaanan siya ngayon tapos dinagdagan ko pa.
NICA: Sige na. Kung napipilitan ka lang naman pala talaga. Okay na'ko. Okay lang na iwan mo na'ko. Sige uwi na muna 'ko. Bye Josh.
Ito na naman ang kadramahan niya. Nakakainis pero nag-aalala pa din ako sa kanya. Pero ayokong malaman niya na nag-aalala ako. Mas okay na din sigurong isipin niya na hindi ko talaga siya gusto. Tutal naman nagagawa pa din niya akong mahalin kahit alam niyang wala akong gusto sa kanya. P'wede naman pala 'yun gano'n. Hindi pa ako masasaktan kahit lokohin o iwan niya ako sa bandang huli.
AKO: Uuwi ka na ba? Umiwas ka sa lubid 'ha? Hehehe
NICA: Anong gagawin ko sa lubid?
AKO: Wala lang. Baka kasi maisipan mo magpakamatay. Sayang naman. Hindi pa nga kita nalalawayan. Lol
NICA: Gago!
AKO: Joke lang! Highblood ka na naman. Hehe! Ingat mahal. Lol
Sinadya kong tawagin siyang mahal. Sinadya ko din na hindi pansinin ang pagdadrama niya kanina. Wala akong balak na makipagbreak. Tulad ng sinabi ko dati, hindi pa p'wede.
NICA: Wow! Himala! Tinawag mo akong mahal. Simula ata nang maging tayo never mo na ako tinawag na ganyan. Thank u! I love you!
Sinasabi ko na nga ba. Nagbago na agad ang mood niya. Matutulog na sana ako nang magmessage siya. Malamang nakauwi na siya sa kanila.
AKO: Lol. Dami mo kasing arte eh. Penge naman pic.
Wala sa loob ko na humingi ng picture niya pero curious lang ako kung umiyak ba siya.
NICA: Ayoko nga! Ikaw muna.
Arte talaga. Wala naman akong nagawa kundi magselfie na lang at isend sa kanya.
NICA: Ang gwapo naman ng mahal ko.
Matagal ko nang alam 'yun. 'Wag mo na'ko bolahin. Gusto ko sana sabihin pero hindi ako nagtype ng gano'n.
AKO: Lol. Send ka na. Dali.
Maya-maya pa'y nagsend nga siya ng selfie niya. Parang nakahiga siya sa sofa nila. Medyo halata ngang umiyak siya pero blooming pa din siya. Hindi ko agad napansin na maganda pala talaga siya.
NICA: Hindi ka na naman nagreply. Ipapanakot mo lang ata sa daga 'yan picture ko.
Kumawala ang tipid na ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero bigla na naman akong kinabahan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
AKO: Parang hindi ka naman umiyak. Ang blooming mo pa din.
Halos patayin ko ang cellphone ko para lang hindi masend ang kung ano man ang nai-type ko do'n. Hindi ko na pala napigilan ang sarili ko na humanga bigla sa kanya. Simple lang ang ganda niya pero alam mong hindi nakakasawa pagmasdan. Kaso, nabasa na niya 'yun message ko.
NICA: Ikaw 'ha? Nagagandahan ka ba sa'kin? Hahaha
AKO: Lol. Asa! Haha! Matulog ka na. Inaantok na din ako. Nyt.
First time ko din ata maggoodnight sa kanya. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? May mali. Hindi p'wede 'to.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
#SEENZONED
Cerita PendekNa-seenzoned ka na ba? How does it feel? Masakit ba? If it really hurts, why are you still waiting? Why are you still wasting your time hanggang mapansin ka niya? Will it satisfy you kung magreply siya sa'yo kahit simpleng hello or hahaha lang? O ma...