AKO: Naks! Puro gala ah.
Nakita ko ang isang katerbang pictures na nai-post ni Nica sa Facebook. Para bang ngayon lang niya naisipan na i-post ng sabay-sabay ang mga napuntahan niya ngayon taon na'to. Ang weird talaga ng babaeng 'to. Puros post na lang tuloy niya ang nakikita ko sa feed ko. Mabuti na lamang at nae-enjoy ko naman tidnan ang pictures niya kahit papaano.
Mukhang mahilig siya magtravel. Kung saan-saan lugar 'yun mga pinuntahan niya. Nakakainggit siya dahil ang dami niyang oras mamasyal. Samantalang ako, kundi trabaho ay bahay lang ako palaging natambay. Kapag may kailangan bilhin o nayaya ng kaibigan ay pupunta sa mall at minsan naman ay sa basketball court ng company namin. Kaya nga madalas ay sa Facebook na lang din ako nagbababad para malibang.
Nakita ko ang pag-seen niya sa akin. Aba! Ginagantihan ata ako nito ah. Ang tagal na namin hindi nag-uusap. Dalawang linggo na ata. Ang huling pag-uusap pa ata namin ay no'n nainis siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong naisipan ko pero bigla akong nagselfie. Sinend ko 'yun sa kanya. Nakaramdam ako ng konting pagkapahiya nang i-seen na naman niya ako. Hindi man lang niya nagawang magreact sa picture ko? Nakakapikon ah!
NICA: Katakot! Hahahaha
Napangiti ako bigla nang mabasa ko ang message niya. Hindi naman pala niya dinedma ang picture ko. Pero may pagkamasama ang ugali nito. Nakakatakot daw ako? Siraulo.
AKO: Hehe musta? Penge din pic
NICA: Ang dami ko na pong nai-post. Hihingi ka pa? Baliw!
AKO: Hehe dami natin gala ah
NICA: Matagal na 'yun. Ngayon lang nagkaro'n ng time mai-post.
AKO: Ah okay. Mahilig ka magtravel? Pag-uwi ko travel tayong dalawa
NICA: Nyek! Bakit ako? Isama mo na lang family mo nang matuwa naman sila sa'yo.
Pakipot pa 'tong babaeng 'to. If I know, gusto naman niya. Pero s'yempre joke ko lang 'yun. Tinitidnan ko lang kung bibigay ba siya.
AKO: Mas gusto kitang kasama
Natagalan bago siya magreply samantalang nabasa naman niya agad ang reply ko. Kinikilig 'to malamang. Natatawa na lang tuloy ako sa naiisip ko.
NICA: Weh? Ayaw mo ngang magpakita eh
AKO: Lol. Sino gaganahan? Magpapakita ka sa'kin pero saglit lang. Ano kaya 'yun? Kakain lang tapos aalis ka na agad? Magpadeliver ka na lang ng pagkain kung gano'n. lol
Nainis talaga ako no'n umuwi ako. Kung makikipagkita siya sa akin, gusto ko buong araw. Ayoko no'n dalawa o tatlong oras lang. Eh ang gusto niya kikitain niya ako bago daw siya pumasok sa trabaho niya. Patawa ba siya? Kaya no'n niyaya niya ako ng weekend, nagdahilan na lang din ako na busy ako dahil inis talaga ako sa kanya no'n panahong 'yun.
NICA: Hindi naman kasi ako p'wede mag-absent sa work. 'Di bale, next time
AKO: Sasama ka ba sa'kin? Gusto ko 'yun tayo lang dalawa.
Para akong nabuhayan bigla. Parang may parte sa katawan ko na buhay na buhay ngayon at parang gustong makipaglaro sa kanya kapag nagkita kami.
NICA: Saan ba?
Kunwari pa 'to na hindi alam ang sinasabi ko. Painosente pa.
AKO: Edi sa hotel. Matutulog malamang. Lol
Sinusubukan ko lang naman kung kakagat siya. Pero matagal-tagal na din talaga no'n huli kong naranasan 'yun. Nakakasawa na din ang pagsa-sarili. Pumayag lang 'tong si Nica nako! Magpapakabait ako sa kanya tuwing malapit na akong umuwi para makaiskor. Napapangiti ako sa kalokohang naiisip ko habang naghihintay ng reply niya.
NICA: May sarili akong bahay para matulugan. Wala ka bang bahay? Dadayo ka pa ng hotel para lang matulog?
Medyo nakakapikon ang pagkukunwari niya. Hindi ko malaman kung sadyang walang alam o nagmamaang-maangan lang.
AKO: Ang tanda na natin ganyan ka pa din mag-isip? Lol. Alam mo naman ang ibig kong sabihin kunwari ka pa. Ayaw mo ba? Bahala ka. Baka magsara na 'yan. Matagal ka na ata walang dilig. lol
Naubo na ako sa kakatawa dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko naman intensyon na maging ganito kasiraulo sa kanya pero hindi ko mapigilan ang mga pinagsasabi ko.
NICA: Bastos ka talaga kahit kailan! Tagal natin hindi nag-usap tapos ganito pa banat mo sa'kin? Maghotel ka mag-isa mo! Manyak!
AKO: Lol. Ano ka bata? Bakit virgin ka pa ba?
NICA: Fck u!
Hindi na 'yan virgin sigurado ako. Nagkaboyfriend na siya tulad ng kwento niya dati. Imposibleng hindi siya ginalaw no'n. Babaeng 'to talaga. Nagmamalinis pa.
AKO: Lol. Pikon ka masyado. Lalawayan lang naman kita. Ayaw mo pa? hehehe
Nag-seen na siya sa akin. Umuusok na siguro ilong no'n sa sobrang galit sa'kin.
Sus! Kabisado ko na siya. Pahuhupain ko lang 'to ng ilang araw. Kapag kinausap ko uli siya, hindi naman niya matitiis na hindi ako reply-an.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
#SEENZONED
Cerita PendekNa-seenzoned ka na ba? How does it feel? Masakit ba? If it really hurts, why are you still waiting? Why are you still wasting your time hanggang mapansin ka niya? Will it satisfy you kung magreply siya sa'yo kahit simpleng hello or hahaha lang? O ma...