Chapter 14

23 0 0
                                    

Bumalik ako sa dating pagtrato sa kanya. Madalas ay sini-seenzone ko na naman siya. Sobrang labo ko dahil ako madalas ang unang magmessage sa kanya pero kapag nagreply na siya at nagsimula na magkwento ay umaayaw na ako. Hindi na ako magre-reply matapos ko basahin ang message niya.

Natatakot kasi ako. Aaminin ko na pero unti-unti na atang nahuhulog ang loob ko sa kanya at hindi ko nagugustuhan 'yun. Walang puwang sa'kin ang magmahal uli dahil ayoko na talagang masaktan. Hindi ko na hahayaan na masaktan ako ng taong minamahal ko kaya mabuti pang 'wag na magmahal. Sabihan nang duwag pero wala akong pakialam. Ayoko. Okay na ako sa ganito. Ginagawa ko ang gusto ko. Makasakit man ako ng damdamin ng ibang tao, ang mahalaga'y hindi nasasaktan ang sariling damdamin ko.

Nakita ko siyang online ngayon pero hindi niya ako kinakausap. Nakakapagtaka dahil madalas ay palagi siyang may message kapag nag-o-open ako ng Messenger ko. Ano kayang nangyari do'n? Online siya kaya alam kong gumagamit siya ng Facebook niya ngayon. May kachat kaya siyang iba?

AKO: Anong maganda d'yan?

Nagpost ako ng picture ng rubber shoes. 'Yun isa ay kulay black na may color blue na design sa paligid at ang isa naman ay kulay pula na may konting white na design. Kanina ko pa 'yun tinitidnan nang makita ko sa online store dahil gusto ko bumili ng sapatos. Parehas akong nagagandahan pero gustuhin ko man bilhin sana parehas ay kukulangin naman ang budget ko. Naisip kong ipakita at magtanong na lang kay Nica para hindi obvious na gusto ko lang kunin ang atensyon niya at baka may umaaligid na sa kanyang iba. Isa pa, makakatulong na din para makapamili ako ng kung anong mas bagay sa akin.

NICA: Wow! Ang ganda parehas. Wala bang pambabae? 'Wag mo na'ko bilhan kakahiya. Hahaha

Napapailing na lang ako sa reply niya. Bakit niya naman naisip na bibilhan ko siya? Ganyan siguro siya sa nagiging boyfriend niya. Nag-e-expect ng mga materyal na bagay galing sa kanila. Nakakadisappoint. Gano'n nga ba siya? O gusto ko lang talaga pag-isipan siya ng mga masasama para mawala ang kung ano man pagkagusto ang meron ako sa kanya ngayon. Hayy! Ang labo ko talaga.

AKO: lol

'Yun na lang ang sinabi ko. Maya-maya pa'y nagta-type na naman siya ng bago niyang message.

NICA: 'Yun red gusto ko. Maganda siya. Sigurado ako bagay sa'yo.

Parehas kami ng pinili. 'Yan din ang mas gusto ko sana pero mas mahal nga lang. Ayoko ng parehas kami ng gusto. Walang sabi-sabi ay bigla ko na lang pinili 'yun black rubber shoes at binili ko na agad online.

Sa kabila nang pagtrato ko sa kanya na hindi pagbibigay ng oras ay bumalik na naman siya sa dating makulit na una kong nakilala. Madalas ay magse-send na naman siya ng kung ano-anong joke o cheesy lines pero madalas ay seenzoned lang ang ginagawa ko kahit ang totoo'y napapangiti niya ako. Hindi ko talaga alam kung ano bang problema ko pero ayoko talaga na tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya.

NICA: Balik ka na sa dati, Josh.

Ano bang pinagsasabi nito? Natawa na lang tuloy ako nang mabasa ko ang message niya na yun.

AKO: Ano? Lol

NICA: Miss ko na 'yun dating ikaw. Nagstalk ako sa FB mo. Dati pala kahit papaano nag-co-comment or like ka pa sa post ko. Pero ngayon hindi mo nga ako madalas replyan. Seenzoned lang palagi. Feeling ko parang kinakahiya mo 'ko. Hindi ko nga alam kung may pinagsabihan ka ba na tayo. Kasi ako nasabi ko sa friends ko na may boyfriend na'ko pero hindi ko magawang ipakilala ka sa kanila kasi baka itanggi mo ako at baka mapahiya lang ako.

Tuluyan na akong natawa sa kadramahan niya. Sobra naman 'to. Hindi naman ako gano'n kasama. Pero wala lang din talaga akong balak na ipagmalaki siya dahil sa sarili ko nga hindi ko matanggap na girlfriend ko siya talaga. Paano ko pa 'yun sasabihin sa iba?

AKO: Bakit? Kapag ba bumalik ako sa dati sasama ka na sa'kin?

Lumikot na naman ang utak ko. Nagbabaka-sakali ako.

NICA: Saan ba? D'yan sa Abu Dhabi?

AKO: Lol. Kapag umuwi ako hindi ka naman nagpapakita. Dami mo rason.

NICA: Ikaw kaya d'yan. Nagmessage ako sa'yo na p'wede ako ng weekend no'n pero sabi mo busy ka.

Marunong din talaga mangatwiran 'to. Pero nakakahinayang din talaga na nag-inarte pa ako dati na hindi siya kitain dahil sa pagkainis ko sa kanya. Eh 'di sana malaya na akong hindi na talaga siya pansinin at tuluyan ng makawala sa kanya dahil malamang nakuha ko na siya noon pa.

AKO: Lol. So sasama ka na nga sa'kin kapag umuwi ako?

Binago ko na ang usapan dahil hindi ko kaya depensahan ang sarili ko sa sinabi niya.

NICA: Saan ba?

AKO: Sa hotel. Lol

NICA: Bakit?

Nakakainis ang mga tanungan niya. Akala mo naman inosente sa mga gano'n bagay.

AKO: Magtititigan malamang. Lol

NICA: Ganyan lang ba talaga kababa tingin mo sa'kin? Gusto mo na may mangyari sa'tin gano'n ba?!

AKO: Lol. Ikaw nagsabi n'yan. P'wede naman maghalikan lang tayo. Hahaha

NICA: Gago ka talaga!

AKO: Oh ako na naman ang gago. Gusto mong bumalik ako sa dati pero ayaw mo naman magpahalik. 'Wag ka magdemand ng reply ko kung ikaw naman puro tanggi sa mga sinasabi ko. Lol

Saglit siyang natahimik sa sinabi ko. Hindi pa siya agad nagreply at wala naman akong balak hintayin ang reply niya. Mali ba 'yun sinabi ko? Nagsabi lang din naman ako ng totoo. 'Wag ka magdemand sa taong hindi mo din naman kayang pagbigyan.

NICA: 'Yun lang ba talaga habol mo sa'kin? Gusto mo lang na may mangyari sa'tin? Kailangan pumayag ako para lang bigyan mo ako ng atensyon mo? Ang babaw mo naman. Grabe ka sa'kin! Hindi ba talaga ako gano'n kahalaga sa'yo? Ang sama mo.

Mahalaga naman siya sa akin talaga kahit papaano pero wala akong balak aminin. Bakit ba nagda-drama na naman siya? Nakakainis talaga.

AKO: Eh 'di ikaw na ang mabuti. Hindi ka nga magawang mabiro, sineseryoso mo pa lahat. May tawa nga ako sa sinabi ko 'di ba? Lol 'di mo 'yun gets? Tapos ngayon magdedemand ka sa'kin.

Sinikap ko lang magpalusot.

NICA: Ah okay. So joke lang ba 'yun? I'm sorry. Mahal lang siguro talaga kita kaya nasaktan ako. Sorry, mahal.

Tagumpay ang alibi ko. Uto-uto talaga 'to. Siya pa talaga ang nagsorry.

AKO: Lol

Nagreply pa siya pero hindi na ako nagreply pa uli sa kanya. Hahaba pa ang usapan eh alam ko naman wala akong mapapala.

#SEENZONEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin