Chapter 15

20 0 0
                                    

NICA: Happy 2nd monthsary mahal! Ewan ko ba kung bakit kahit ang sama ng ugali mo sa'kin, hindi ko pa din magawang magalit sa'yo. Wala eh! Ginayuma mo ata ako. Hehe! Hindi ko alam bakit mahal na mahal kita kahit hindi mo naman ako mahal. Pero okay lang. At least kahit papaano naa-appreciate ko 'yun simpleng bagay na nagagawa mo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya no'n tinanong mo ako kung anong shoes ang mas maganda. Ang babaw ko 'no? Pero feeling ko that time, nagma-matter 'yun opinion ko sa'yo. Sana magkaro'n ka na ng time sa'kin. I love you, mahal! Sorry sa nobela.

Hayy! Ito na naman siya sa pagdadrama niya. Naabutan pa niya akong online. Nabasa ko tuloy agad ang message niya.

AKO: Dear Ate Charo. Lol

Parang mas gusto ko na matulog kahit maaga pa. Sure ako na kukulitin lang ako nito.

NICA: Wow naman! Nagreply siya. Hindi mo man lang ba ako babatiin ng happy monthsary? Haha

See? Tama ako.

AKO: Lol. Tulog-tulog din. Ang drama mo.

NICA: Grabe ka talaga sa'kin. Hinintay ko pa nga mag12 para lang batiin ka.

AKO: Parang ibang bati ang gusto ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa sinabi ko. Minsan talaga ang bilis ko din mag-isip ng kalaswaan.

NICA: Ano?

AKO: Wala. lol

Nagmessage pa siya. Pero tulad ng dati ay hindi na ako nagreply. Hindi ko din talaga maintindihan kung bakit siya nagtyatyaga sa akin. No'n naging mabuti akong boyfriend sa naging ex ko, hindi naman ako pinahalagahan. Niloko pa ako. Pero bakit ngayon gago ako ay mas nagkaroon pa ng matyagang tao sa akin at minamahal pa ako? P'wede ko naman suklian sana ang pagmamahal na 'yun pero mas pinipili ko na huwag ibigay 'yun sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit. Siguro mas mahal ko lang talaga ang sarili ko. Kailangan ko protektahan ang puso ko dahil kapag nasaktan na naman ako nang dahil sa babae, baka mabaliw na ako.

Lumipas ang mga araw na patuloy pa din sa pagdadrama si Nica sa tuwing nagme-message siya sa akin. Puro siya reklamo. Bakit daw wala akong time sa kanya? Binabasa ko ang message niya pero magre-reply lang ako makaraan ang ilang araw para utuin at sabihing busy lang ako. Naniniwala din naman siya agad. Pero makaraan ang ilang araw ay balik na naman sa dati. Nakakasawa na din siya sa kaartehan niya.

NICA: Nagkita kami ng bestfriend ko kanina. Sinundo niya ako sa work.

Sus! Pati ba naman 'yan ganyan bagay sasabihin pa sa akin. Ano naman kung nagkita sila? Malamang knuwento niya ako sa kaibigan niya at pinagmalaking may boyfriend siya. Kinikilig pa siguro sila habang nagkukwentuhan. Mga babae talaga. Puros kaartehan ang alam.

NICA: Okay lang kung ayaw mo magreply. Gusto ko lang maging honest sa'yo. Baka kasi mapadalas ang pagkikita namin. Do'n na siya nagwo-work malapit sa office namin. Natanggap siya kanina kaya pinuntahan niya 'ko. Sabi niya magkita daw uli kami next weekend. Sunduin daw niya 'ko. Labas daw kami. Okay lang ba sa'yo?

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Lalaki ba bestfriend niya? Parang naalala ko tuloy na may naipost siya dating picture nila ng isang lalaki na bestfriend daw niya ayon sa caption no'n.

AKO: Okay lang

NICA: Sigurado ka?

AKO: Okay lang. May magagawa ba ako kapag sinabi kong ayoko? Lol

NICA: Kapag ayaw mo edi hindi. Maiintindihan naman niya ako. Kasi no'n nagkaboyfriend ako dati iniwasan ko siya dahil pinagseselosan siya.

AKO: Eh hindi naman ako nagseselos. lol

NICA: Okay

Pagkatapos no'n ay natagalan na naman ang pag-uusap namin. Hindi na uli ako nagre-reply sa kanya.

#SEENZONEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin