NICA: Nagtext sa'kin bestfriend ko. Sunduin daw niya uli ako bukas. Labas daw kami. Okay lang ba sa'yo?
Para akong nanlamig nang mabasa ko ang message niya. Maya't maya naman ata ang pag-invite sa kanya no'n? Kahit ba bestfriend siya eh lalaki pa din 'yun. May boyfriend na siya kaya alam naman na niya dapat ang tamang gawin niya. Siya na mismo dapat ang makaisip na hindi tamang makipagdate sa iba dahil may boyfriend na siya. Sus!
AKO: Okay lang.
Gusto kong sapakin ang sarili ko sa sagot ko. Taliwas 'yun sa gusto ko. Ayoko. 'Yun ang sagot ko talaga. Ayoko! Hindi siya dapat sumama do'n.
NICA: Okay lang sa'yo?
Hindi 'yun okay sa'kin s'yempre! Ano ka ba naman, Nica?!
AKO: Oo naman. Saan ba kayo pupunta?
NICA: Hindi ko alam. Kakain siguro sa labas tapos ihahatid niya ako sa bahay. Gano'n lang.
AKO: Sayang libreng pagkain oh! Haha
NICA: Hindi naman ako nadadaan lang sa libre. Kaya ko naman bumili ng sarili kong food!
Mukhang naasar ata siya sa sinabi ko.
AKO: Eh ano bang gagawin ko? Kahit naman hindi ako pumayag hindi ko naman nakikita ang ginagawa mo d'yan. Wala akong control do'n dahil wala naman ako d'yan.
Totoo naman 'yun. Based on experience 'yun. Wala akong alam na niloloko na pala ako ng ex ko before.
NICA: Edi hindi na ako aalis. Trust me, Josh. Kapag sinabi mong ayaw mo hindi ako aalis.
Natuwa ako sa sinabi niya pero hindi ako nagreply. Unti-unti ay parang gusto ko na magtiwala sa kanya. Mahirap lang talaga kalabanin ang tumatakbo sa isip ko kaya madalas ay umiiwas na lang ako sa usapan.
Tinupad niya nga ang sinabi niya. Hindi siya nakipagkita sa bestfriend niya. Binigyan ko siya ng oras no'n para makausap ako. Premyo niya na 'yun sa pagiging good girl niya. Haha! Ang kapal ko pero alam ko naman tuwang-tuwa 'yun kapag nakakausap ako. Isa pa, gusto ko lang din talaga siguraduhin na hindi siya umalis kaya nagawa kong kausapin siya para kulitin at asarin. Nakakatuwa din kasi talaga siya kapag naaasar.
Pero makaraan lang ang ilang araw ay bumalik na naman ako sa dati. Binalewala ko na naman siya.
NICA: Ano? Hindi mo lang ba ako kakamustahin kung buhay pa 'ko?
AKO: Lol. Anong drama yan?
Sagot ko nang makauwi na ako sa bahay kahit kanina ko pa nabasa ang message niya.
NICA: Nagtapat sa'kin 'yun bestfriend ko kanina. Mahal daw niya ako at gusto daw niyang ligawan uli ako.
Ulit? So, niligawan pala siya dati no'n? Parang nainis ako bigla sa nalaman ko.
AKO: Naks! Ganda! Anong sabi mo? Hehe
Hindi ko pinahalatang apektado ako sa sinabi niya.
NICA: Oo na! Alam ko naman hindi ako maganda. Pero atleast siya pinapahalagahan niya ako. Tanggap niya kung ano man ako. Hindi tulad mo! Umiyak pa nga siya nang sinabi kong may boyfriend na'ko.
Ayan na naman siya sa pagse-self pity niya. Hindi naman siya pangit pero grabe laitin ang sarili. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pag-amin niyang may boyfriend na siya. Feeling ko kasi pinasasakitan lang niya ako.
AKO: Edi do'n ka na sa kanya. Lol
NICA: So, pinamimigay mo na'ko?
AKO: Bakit? Hiningi ba kita?
Hindi siya agad nagreply sa sinabi kong 'yun. Naiinis na din ako kaya hindi ko na din mapigilan ang mga pinagsasabi ko.
NICA: Oo nga naman. Sorry 'ha? Hindi mo nga pala ako hiningi. Napilitan ka nga lang pala na maging boyfriend ko. Grabe! Ang sakit mo magsalita.
Humiga na lang ako sa kama at pinatong ko sa noo ko ang cellphone ko. Ano na naman bang ginawa ko? Sinaktan ko na naman siya.
Muli kong kinuha ang cellphone ko para muling basahin ang message niya.
AKO: Hindi naman ako napilitan. Lol.
Hindi na siya nagreply pagkatapos no'n. Alam ko nasaktan ko siya pero wala akong balak na suyuin siya.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
#SEENZONED
KurzgeschichtenNa-seenzoned ka na ba? How does it feel? Masakit ba? If it really hurts, why are you still waiting? Why are you still wasting your time hanggang mapansin ka niya? Will it satisfy you kung magreply siya sa'yo kahit simpleng hello or hahaha lang? O ma...