AKO: Mahal
Isang linggo na ata ang nakakalipas. Hindi na kami nag-uusap. Hindi na din kasi active ang groupchat namin kaya hindi ko siya magawang asarin do'n.
Madalas ko siya makitang online pero hindi na siya tulad ng dati na biglang magme-message para kamustahin ako. Nababasa ko pa nga ngayon ang kadaldalan niya sa kakacomment sa isang picture na naipost niya. Kausap niya ata 'yun kaofficemate niya.
Bored pa naman ako ngayon. Nagpaalam kahapon ang nililigawan ko at sinabing magbabakasyon sila ng ilang araw kasama ang barkada niya. Wala daw signal do'n kaya hindi siya makakapag-online. Nami-miss ko na nga siya pero wala naman akong magagawa.
Nagtype uli ako ng message nang mapansin ko ang pag-seen ni Nica sa message ko. Ginagaya niya ang style ko 'ha?
AKO: Suplada
Nagseen uli siya. Pero makaraan ang dalawang minuto ay nagreply siya.
NICA: Oh bakit? Miss mo'ko?
Umangat ang magkabilang dulo ng labi ko nang mabasa ko ang message niya. Mukhang hindi ako mabo-bore ngayon dahil alam kong nasa mood na siya uli ngayon para makipagpikunan sa'kin.
AKO: Lol
Sagot ko lang. Pero nang mapansin kong hindi na siya nagreply ay nagtype uli ako ng message. Ayokong matapos ang usapan ngayon dahil nga wala akong magawa. Nababagot ako sa bahay. Wala akong mayayang makalaro ng basketball ngayon. Weekend pa naman kaya walang pasok sa trabaho. Tinatamad naman akong pumunta ng mall. Wala din ako sa mood maglaro ng online games ngayon.
AKO: Miss u mahal
Natatawa na naman ako sa sarili ko.
NICA: Ewan ko sa'yo! Mamaya maniwala ako bwiset ka!
Ito na naman siya. Alam ko naman kinikilig siya pero nagpipigil pa.
AKO: Anong gagawin ko eh namiss nga kita.
NICA: Namiss din kita
Patay kang bata ka. Nahulog na nga ata 'to talaga sa'kin. Sige. Let's see.
Magre-reply na sana ako pero binura ko ang message ko nang mapansin kong nagta-type siya uli ng ire-reply sa akin.
NICA: Sana lang ayusin mo na pakikipag-usap mo sa'kin. Nakakaoffend na din kasi minsan talaga. Alam mo 'yun kinikilig na nga ako minsan sa'yo tapos babanatan mo ako bigla ng green jokes mo. Nati-turnoff ako bigla.
AKO: Edi wow. Lol
Sagot ko lang. Ang arte ha? Naturnoff siya sa akin? Eh ano naman pake ko? Hindi ko naman siya gusto. Pero sayang naman 'yun time na binibigay niya sa akin.
AKO: 'Wag ka kasi masyadong seryoso.
Maya-maya pa ay nagreply na uli si Nica.
NICA: Okay. Musta ba? Wala kang pasok, mahal? Pweh! Hahahaha
AKO: May pweh talaga? Loko ka ah. Haha
See? Ang bilis magbago ng mood niya. Game na naman siya sa larong gusto ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
#SEENZONED
Cerita PendekNa-seenzoned ka na ba? How does it feel? Masakit ba? If it really hurts, why are you still waiting? Why are you still wasting your time hanggang mapansin ka niya? Will it satisfy you kung magreply siya sa'yo kahit simpleng hello or hahaha lang? O ma...