Chapter one

19.6K 471 9
                                    

Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.

Unedited

LITERAL na napanganga si Faith ng pagkapasok niya sa loob ng private room sa ospital kung saan siya nagta-trabaho bilang nurse ay nabungaran niya ang dalawang lalaking ipinadala yata ng langit sa lupa para pakiligin ang mga kababaihan dahil sa taglay na ka-gwapuhan at sex appeal ng mga ito. Idagdag pa ang isang lalaking nakahiga sa hospital bed na kahit injured ang kanang binti at may ilang galos din sa noo dahil sa natamong aksidente ay hindi pa rin nababawasan ang angking kagwapuhan na taglay nito.

At mabuti na lang at nakasuot ng facial mask si Faith dahil kung hindi ay baka nakita ng mga ito ang pagnganga ng masilayan niya ang nag-ga-gwapuhang nilalang na nasa harap niya ngayon. Hindi inaasahan ni Faith na makikita niya sa araw na iyon ang dalawa pang Brillantes ng personal—na sina Zach at Ylac. Nakakatanda, at nakakabatang kapatid ni Xavier—ang pasyente nila sa ospital.

At totoo nga ang sinabi ng mga kasamahan niyang nurse sa ospital na iyon. The three Brillantes were all oozing with sex appeal. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan ng mga ito! Kaya pala halos magmakaawa sa kanya ang ilang kasamahan niyang nurse na babae para lang makipagpalit ng pwesto. Ang iba ay nakipag-deal pa sa kanya. Ibibigay daw ng mga ito sa kanya ang sahod ng mga ito ng isang buwan kapalit ng pwesto niya. Siya kasi ang nurse na naka-assign kay Xavier para i-monitor ang kalagayan nito. Siyempre, di pumayag si Faith na makipagpalit ng pwesto. Pagkakataon na rin naman niyang makita ang iniidolong car racers. Gusto din niyang makita ang gwapong mukha ni Xavier. Bonus na rin ang makita niya ng personal ang dalawa pang Brillantes.

Laman ng balita at sa pahayagan ang nagyaring aksidente kay Xavier Brillantes—ang sikat na car racer sa bansa. Nasangkot kasi ang minamaneho nitong sports car sa isang aksidente nong nasa racing field ang binata upang makipagkarera. Sa ospital kung saan siya nagta-trabaho dinala ang binata. Hindi naman malala ang pinsalang natamo nito sa aksidente. Na-fractured lang ang kanang binti nito dahil sa aksidente na kinailangan pang i-cast para hindi lalong ma-injured. Nagkaroon din ito ng kunting galos sa noo. Suma-total ay iyon lang ang natamong pinsala ng binata. At ang sabi ng doctor na tumingin sa binata ay dalawang linggo ang kinakailangan para tuluyang gumaling at maalis na rin ang cast sa binti ng binata.

Lalong mas humigpit nga ang seguridad sa ospital ng ipasok roon si Xavier. Siyempre, kilalang personalidad si Xavier. Maraming taga-media ang gustong pumuslit para makasagap ng balita tungkol sa kalagayan ng binata. Sa labas nga ng private room ni Xavier ay may nagbabantay. Mga pamilya lang nito ang pwedeng pumasok sa private room nito sa ospital. Siyempre, kabilang na si Faith na pwedeng pumasok roon at ang doctor na tumitingin sa kalagayan ng binata.

Mayamaya ay tumikhim si Faith para ipaalam ang presensiya niya sa dalawa at para na rin bumati. "Good morning po." magalang na bati ni Faith kina Zach at Ylac. Isang simpleng tango lang naman ang nakuha niyang sagot sa mga ito. "I-che-check ko lang po ang pasyente." paalam niya bago siya humakbang palapit sa kinahihigaan ni Xavier. Kakalapag lang ni Faith ng hawak na chart at stethoscope sa table malapit sa hospital bed ng bumukas muli ang pinto sa private room at pumasok doon ang isang babae at isang lalaki. Kung hindi nagkakamali si Faith ay mga magulang iyon ng tatlo. Kamukha kasi noong lalaki ang mga anak. Kuha naman ng ginang ang mata ng tatlo. Kahit parehong may edad na ay hindi pa rin mahahalata iyon sa mukha ng mga ito. Mababakas pa rin kasi ang kagandahan at ka-gwapuhan sa kabila man ng edad. Kaya hindi nakakapagtakang nagsisi-gwapuhan ang magkakapatid dahil maganda at gwapo ang pinagmulan ng mga ito.

Nang mapatingin ang ginang kay Faith ay agad niyang binati ito bilang paggalang. Nginitian naman siya ng ginang bago ito bumaling sa dalawang anak.

Bossy Boss (Xavier Brillantes-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon