Chapter nine

12K 367 18
                                    

Unedited

"THANK YOU for the advice, Faith. Malaking tulong iyon para maliwanagan ang aking isip." nakangiting wika ni Tripp kay Faith ng nasa tapat na sila ng cottage na tinutuluyan nila ni Xavier. Hindi sinasadyang nagsalubong silang dalawa ni Tripp noong lumabas siya ng cottage. Tulad ng dati noong una silang nagkita ay nagkwentuhan na naman sila.

"Wala iyon. Basta sundin mo lang kung ano ang nilalaman nito." nakangiting wika niya sabay turo sa kanyang kaliwang dibdib.

Nakangiting tumango ito. "I will definetly do that." sabi ni Tripp. "Sige, pasok ka na." nagulat na lang siya ng bigla siya nitong halikan sa pisngi. Pero ng makabawi siya sa pagkagulat ay nginitian niya ito. Alam naman kasi ni Faith na walang halong malisya iyon. At alam naman niyang wala itong gusto sa kanya dahil in love na ito sa isang babae.

"Bye!" sabi ni Tripp bago ito nagsimulang naglakad paalis.

"Bye! Tripp with a double P." natatawang sabi niya rito. Paatras na naglakad si Tripp habang kumakaway. Kumaway din siya pabalik bago siya pumihit papasok sa cottage. Pagpihit niya patalikod ay nagulat siya ng makita si Xavier na nakatayo sa may bungad ng pinto. Madilim ang ekspresiyon ng mukha nito habang nakatitig sa kanya.

Napanguso siya. "Bad mood na naman ang boss niya." mahinang sambit niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.

"Hello po, Sir Xavier." sabi niya ng tuluyan na siyang nakalapit rito. Nginitian niya din ito ng matamis para maalis ang pagka-bad mood nito. Napapansin kasi ni Faith na sa tuwing ngingiti siya o ngingitian niya ang binata ay nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito. Lumalambot ang ekspresiyon ng mukha nito. Lumalamlam din ang mata nito kapag nginingitian niya ito. Pero mukhang hindi effective ang ngiti niya sa oras na iyon dahil sa halip na lumambot ang ekspresiyon nito ay nagsalubong ang mga kilay ng binata. Sa sobrang magkasalubong ay parang iisang guhit na ang mga iyon. Biglang napalis ang ngiti sa kanyang labi ng makita ang ekspresiyon nitong iyon. Nasisiguro ni Faith na galit si Xavier sa sandaling iyon. Pero saan naman ito nagagalit? Kanino ito galit? As far of her concern ay wala siyang ginagawang mali rito. Magkasundo na nga silang dalawa itong mga nakalipas na araw. Mabait nga ito sa kanya, hindi lang iyon naging sweet din ang binata.

"What did I told you?" magkasalubong ang mga kilay na wika nito, mababakas din sa tono ng boses nito ang galit.

Hindi din niya mapigilan ang sariling mapakunot ang noo. "Hindi ko kayo maintindihan, Sir?" takang tanong niya. Hindi kasi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi din niya alam kung ano ang ikinagagalit nito sa kanya.

Mayamaya ay nanlaki ang mata niya ng mapagtano kung ano ang ibig nitong sabihin. Oo nga pala, mahigpit na bilin nito sa kanya na kapag lalabas siya ng cottage ay magpapaalam siya rito. At nakalimutan niyang magpaalam sa binata na lalabas siya. Nagi-guilty tuloy siya. Ayaw pa naman ni Xavier na hindi nasusunod ang sinasabi nito. Hihingi na lang siya ng patawad rito.

"I'm sorry po, Sir. Naka—

"You're here to work." putol ni Xavier sa sasabihin pa niya. "Not to flirt with someone else, in case you forgot." mariing wika ng binata. Napaawang naman ang mga labi niya sa sinabi nito. Sa sandaling iyon ay parang may sumuntok sa dibdib niya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Xavier ang mga salitang iyon. Nahinuha niyang nakita nito ang paghalik ni Tripp sa kanyang pisngi at ang masayang pag-uusap nila ng binata. Hindi siya sensitive na tao, but the words came from the mouth of Xavier was to much. Sa buong buhay niya ay ngayon lang may nagsabi na malandi siya. At ang masakit ang taong nagsabi pa niyon sa kanya ay ang lalaking minahal sa maikling panahon na magkasama sila.

"Flirting someone is not your job as a private nurse, Miss Faith. Binabayaran ka para gampanan ng maayos ang trabaho mo." dagdag na wika ni Xavier dahilan para madagdagan iyong sakit sa kanyang puso. Ikinuyom niya ang kanyang kamao. Kinagat din niya ang sariling dila para pigilan ang emosyon na nararamdaman. Tumikhim din siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan.

Bossy Boss (Xavier Brillantes-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon