Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.
Unedited
"SHARE your experience ika nga. Pero bakit ayaw mong i-share iyong experience mo as private nurse ni Xavier." kulit ni Ana kay Faith habang inaayos niya ang gamit. Tapos na kasi ang duty ni Faith sa kilalang ospital sa Maynila kung saan siya nagta-trabaho.
"Ano naman ang i-share ko sa'yo? Eh, wala naman?" sabi niya sa kaibigan ng sulyapan niya ito. Napansin niya ang pagtulis ng nguso nito.
"Kwento." wika ni Ana. "Impossible namang wala kang ma-i-ku-kwento sa'kin eh, mahigit isang linggo kayong nagkasama ni Xavier bilang private nurse niya." dagdag na wika nito. "So, kwento na." ani Ana sabay bunggo sa balikat niya.
Ayokong magkwento kasi ayokong alalahanin pa iyong mga nangyari sa'min ni Xavier roon. Kasi sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari ay bumabalik iyong sakit sa aking puso dulot ng mga salitang lumabas sa bibig ni Xavier, gustong isagot ni Faith pero sinarili na lang niya ang mga iyon.
Dalawang araw na ang lumipas simula noong bumalik sila ni Xavier sa Maynila. Iyon na rin ang huli nilang pagkikitang dalawa. Habang nasa biyahe nga sila ay hindi sila nag-iimikan na dalawa.Well, sa parte niya ay gusto niya iyon dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin rito. At baka hindi na naman niya maiwasang maging sarcastic rito kapag magsasalita siya. Dinamdam kasi niya masyado ang mga salitang binitawan nito. Masakit kasi ang mga iyon lalo na't nanggaling rito ang mga salitang iyon.
Aaminin ni Faith na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya para sa binata sa kabila man ng sinabi nito. Hindi naman agad-agad na mawawala iyon. Pero alam niyang pagdating ng araw ay makakalimutan din ito ng puso niya. Alam niya pagdating ng araw ay makakalimutan din niya ito. At hihintayin niya ang araw na iyon.
"Your falling for him 'no?" nanlalaki ang mata ni Faith ng marinig ang sinabi ni Ana. "Am I right?" tanong nito na nakataas ang isang kilay.
Yes! "Of course not!"
"Swear?" anito sabay taas pa ng kanang kamay.
"Of course! Bakit naman ako ma-i-in-love sa kanya? Hindi naman ako tanga para hayaan ang sarili kong ma-i-inlove sa isang lalaking alam kung wala akong kapag pag-asa. Parang pagpapakamay iyon, Ana." sabi niya.
You're such a good lier, Faith. anang bahagi ng isipan.
Ano naman ang gusto mong isagot ko? pagtatanggol niya sa sarili sa isipan. Alangan naman aminin ko nan a-in-love ako kay Xavier?
"Sayang naman kung ganoon. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo baka na-i-inlove ako roon. Sa yaman at gwapo ba naman no'n." wika nito sa natatawang tinig.
Ngumiti na lang ng mapait si Faith. Na-in love na nga ako eh.
"Halika na nga." sabi na lang niya sa kaibigan sabay sukbit ng bag niya sa balikat. Habang naglalakad silang dalawa ay nagku-kwentuhan sila. Napatigil siya sa paglalakad ng tumigil din si Ana ng nasa labas na sila ng ospital.
"Wow!" bigkas nito dahilan para kumunot ano noo nito.
"Ano?" tanong niya ng balingan ito. Sa halip na sumagot ito ay may nginuso ito. Sinundan naman ni Faith kung ano ang inginunguso nito. Kumabog ang dibdib niya ng makita niya ang isang mamahaling sports car na nakaparada sa harap ng ospital. Pero ang totoong dahilan kung bakit kumabog ang puso niya ay ang lalaking nakasandig sa hamba ng kotse. Hindi maipaliwanag ni Faith ang nararamdaman niya sa sandaling iyon ng muli niya itong makita. Hindi din niya masaway ang sariling puso na kumabog ng mabilis nang makita niya ito. Aaminin niya sa sarili na may parte sa puso niya na nangungulila rito pero agad niya iyong sinusuway sa tuwing maaalala niya ang mga masasakit na salitang binitawan nito. Hindi pa rin kasi napapatawad ng puso niya ang binata sa mga salitang sinabi nito.