Unedited
"WHAT movie do you want to watch?"
Hindi magawang makasagot si Faith sa tanong na iyon ni Xavier. Nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na manunuod silang dalawa ng movies. Kanina nga ay hindi siya makapaniwala ng yayain siya nito na manuod sila.
"Are you sick, Sir Xavier?" hindi napigilan ni Faith na itanong iyon sa binata. Hindi naman ganito si Xavier dati. Kahit ilang araw lang silang magkasama ay alam na niya ang ugali nito. Wala sa personality nito na magyaya na manuod. Hindi siya nito i-a-approach ng ganoon. Kung i-a-approach man siya nito ay kapag may kailangan ito sa kanya o kung hindi naman kaya ay may gusto itong iutos. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung manibago man siya sa kinikilos nito. Mukhang may side effect ang gamot na ipinapainom niya rito dahil parang bumabait na ito, napangiti na lang si Faith sa iniisip.
"Hey!" napakurap-kurap si Faith ng mata ng ipitik ni Xavier ang kamay sa harapan ng mukha para mapukaw ang atensiyon niya. "Are you with me, Miss Faith?" tanong ng binata sa kanya ng hindi pa siya nagsasalita, magkasalubong din ang mga kilay ng binata habang nakatitig sa mukha niya. "You look spacing out." dagdag pa na wika nito.
"I'm with you ang I'm not spacing out." tanggi ni Faith. "Nag-iisip lang ako kung ano ang maganda nating panuorin." palusot pa niya rito, ngumiti pa siya ng alanganin rito.
"So what movies do you want to watch?" tanong muli ni Xavier sa kanya.
"Horror." mabilis pa sa alas-kwatrong sagot niya.
"Horror?" ulit na tanong ng binata na nakakunot ang noo, tila kasi hindi ito makapaniwala sa gusto niyang panuorin.
Sunod-sunod na tumango siya. Iyon ang naisip ni Faith na panuorin dahil ayaw niyang mainggit kapag romance ang pinanuod nila.
So, horror ang pinili mo para makatsansying ka sa binata, anang intrimedang isipan niya. Good choice, Faith. Kasi kapag natakot ka sa pinapanuod mo may dahilan ka para yumapos sa binata, dugtong pa ng intimedang isipan.
"Don't you want to watch romance?" salubong ang kilay na tanong ng binata. "Di ba iyon naman ang madalas na panuorin niyong mga babae. You know, most girls are hopeless romantic." he said and shrug his shoulder.
Umiling siya. "Ayokong manuod ng romance ngayon." sabi na lang niya.
"Why?" si Xavier.
"Mas gusto kung maunod ng horror." nakangiting wika niya dahilan para mapatitig ito sa mukha niya.
"Okay." sabi ni Xavier. "You choose?"
Tumango naman siya. Lumapit siya sa kinaroroonan ng DVD rack saka siya namili ng horror movie. Hanggang sa natuon ang atensiyon niya sa horror movie na The Conjuring—iyon ang napili niya dahil hindi pa niya iyon napapaunod. Pagkatapos niyang namili ay isinalang na niya iyon sa DVD player saka siya bumalik sa dating kinauupuan. Tutok na tukok siya sa screen ng TV ng mapatingin siya sa kanyang tabi ng maramdamang umupo roon si Xavier. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong lumipat sa tabi niya. Well, hindi naman na siya nagtanong pa dahil gusto naman niyang makatabi ang binata.
"Manunuod ka ba o tititigan mo na lang ako?" mabilis na iniwas ni Faith ang tingin sa mukha ni Xavier at agad na itinutok iyon sa screen ng TV ng marinig niya ang sinabi ni Xavier. At kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay alam ni Faith na pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya sa tinuran nito. Shit! Ilang beses na siyang nahuli ni Xavier na nakatitig rito. At kahit mag-i-deny niya ang bagay na iyon ay alam niyang hindi siya paniniwalaan ni Xavier. Bakit? Dahil nga ilang beses na siya nitong nahuling nakatitig rito. Sa sandaling iyon ay gusto niyang magsalita para ipagtanggol ang sarili pero sa halip a magsalita ay itinukom na lang niya ang bibig at nanatili ang kanyang atensiyon sa pinapanuod kahit na hindi niya maintindihan kung ano na ang takbo ng kwentong nakasalang dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib niya.