Chapter two

13.1K 550 18
                                    


Unedited

PAGPASOK ni Faith sa private room ni Xavier ay naabutan niya itong pilit na sinusubukang bumaba mula sa kama. Saglit itong nag-angat ng tingin sa kanya bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa. Halatang nahihirapan na ito pero pinipilit pa rin nitong gawing mag-isa ang bumangon sa halip na humingi ito ng tulong sa kanya

How egoistic, aniya sa isipan habang pinagmamasdan ito.

Napapailing na lang si Faith habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. "Hindi nakakabawas sa ego ng isang lalaki ang minsang paghingi ng tulong kung nahihirapan na. Di ba?" hindi mapigilan ni Faith ang ibulalas iyon rito.

Xavier didn't speak. He just glared at her with a blank expression on his face.

"At dahil mabuti akong mamamayan ng bansa. Tutulungan na kita kahit hindi mo hinihingi ang tulong ko." wika niya habang lumalapit siya sa gawi ng binata.

"I don't need your help." sabi ni Xavier sa magaspang na tinig. Pero hindi ito pinakinggan ni Faith basta tuloy-tuloy siyang lumapit sa gawi nito para tulungan. At tulad ng unang beses na magdikit ang mga balat nila ng binata ay may naramdaman na namang siyang tila kuryenteng nanulay sa buong katawan niya. Alam din ni Faith na naramdaman din iyon ni Xavier dahil naramdaman niyang napaigtad ito ng hawakan niya ito sa braso. Naramdaman din niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya pero isinawalang kibo na lang niya iyon.

Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-alalay kay Xavier hanggang sa tuluyan na itong nakaupo sa gilid ng kama. Inabot ni Xavier ang saklay na nasa gilid ng hospital bed. Akmang aalalayan na naman niya ito ng pigilan siya nito.

"Kaya ko." ani Xavier na hindi tumitingin sa kanya.

Eksaheradang ipinaikot naman ni Faith ang mga mata. "Okay, fine." sabi niya. Hindi din niya naitago ang inis sa kanyang boses. Nagsisisi tuloy si Faith kung bakit pumayag siyang maging private nurse ni Xavier habang nagpapagaling ito. Para kasing hirap itong pakisamahan. He was strict, snob, bossy and arrogant. Iyon nga ang first impression niya sa binata nang makita niya ito ng personal. Well, ganoon din naman ang first impression niya sa dalawang kapatid nito na sina Zach at Ylac. They have the same overpowering aura that makes your knees weak in one just look. At ayon na rin sa naririnig niyang sabi-sabi. The three Brillantes were both bossy. Bawat salita daw ng mga ito ay batas. Ngayon ay napatunayan ni Faith na totoo ang sabi-sabi dahil siya mismo ang magpapatunay dahil nararanasan niya ang mga iyon.

At kanina, habang nasa quarters si Faith ng mga nurse at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan ay ipatawag siya ng management ng ospital. Nasabi na pala ni Zach sa management ang napag-usapan nila. Pumayag ang management ng ospital sa pakiusap nina Zack at siniguro din ng mga ito sa kanya na pagkatapos niyon ay may trabaho pa rin siyang babalikan. So, technically ay si Faith na ngayon ang private nurse ni Xavier. Pagkatapos nga siyang kausapin ng management ay kinausap muli siya ng ina nina Xavier na si Lorraine. Samahan daw mo na niya si Xavier sa private room nito dahil wala itong makakasama roon. Baka daw kasi may kailangan ito at wala itong mautusan dahil walang kasama ang binata. Kailangan kasing umuwi ng ginang at asawa nito. Samantalang ang dalawang kapatid naman ni Xavier na si Zach at Ylac ay hindi pwedeng magtagal dahil busy din ang mga ito. Babalik na lang daw ang mga ito bukas kapag idi-discharge na ang binata.

Pinagmamasdan lang ni Faith si Xavier habang dahan-dahan itong tumatayo gamit ang saklay. Mabilis ang naging reflexes ni Faith ng muntik ng ma-out of balance si Xavier ng makatayo ito. Mabilis niyang ipinaikot ang mga kamay sa baywang nito para hindi ito tuluyang ma-out of balance. Nabitawan ni Xavier ang saklay dahilan para mapahawak ito sa kanyang balikat.

Bossy Boss (Xavier Brillantes-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon