Unedited
NAPAGPASYAHAN ni Faith na lumabas sa private cottage na tinutuluyan upang pumunta sa dalampasigan para magpahangin at para na rin pagmasdan ang paglubog ng araw. Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon ay nagtutungo si Faith roon. Gusto kasi niyang pagmasdan ang paglubog ng araw. Gusto niyang maramdaman ang paghaplos ng hangin sa kanyang mukha. Pero bago siya lumabas ay sinilip muna niya si Xavier sa kwarto. At ang buong akala niya ay nagpapahinga na ito, hindi pala. Nakatuon na naman ang atensiyon ng binata sa harap ng laptop nito. Noong una ay curious si Faith kung ano lagi ang tinitingnan nito sa laptop nito. Lagi kasi niya itong nakikita na hawak-hawak iyon at ng minsang sinilip niya ito kung ano ang ginagawa nito ay nakita niya itong nagbubukas ng email. As usual may kinalaman iyon sa business nito. At dahil gising si Xavier sa sandaling iyon ay wala siyang choice kundi magpaalam rito. Mahirap na baka hanapin siya nito kapag umalis siya ng cottage ng hindi siya nagpapaalam.
"Excuse me, Sir." pukaw ni Faith sa atensiyon ng binata.
Bumaling sa kanya si Xavier. "Yes?" tanong nito sa buo-buong boses.
"Sir, magpapaalam sana ako." sagot niya sa binata dahilan para magsalubong ang mga kilay nito.
"Where are you going?" si Xavier.
"Diyan lang po sa may dalampasigan. Magpapahangin." sabi niya na nakangiti. Hinintay naman ni Faith na sumagot ang binata pero sa halip na sumagot ito ay isinara nito ang laptop na nasa kandungan at ipinatong nito iyon sa bedside table. Pagkatapos niyon ay muli itong humarap sa kanya.
"I'll go with you." wika ng binata sa seryosong tinig.
"Ha?" tila nadis-orient ang isipan ni Faith dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng biunata.
"I'll said I go with you." ulit ng binata sa sinabi nito.
"But why?" hindi niya napigilang itanong iyon sa binata. Hindi kasi niya alam kung bakit gusto ng binata ang sumama sa kanya sa labas para magpahangin. Sa mga araw kasi na nagdaan ay hindi ito lumalabas ng cottage. Nasa sala o sa kwarto lang lagi ito. Kung hindi ito nanunuod ng TV ay nakaharap naman ang atensiyon nito sa laptop.
Natutop agad ni Faith ang bibig ng sulyapan siya ng masama ni Xavier ng tanungin niya ito kung bakit nito gustong sumama sa kanya sa may dalampasigan. Nginitian na lang niya ang binata ng inalis niya ang kamay na nakatutop sa bibig niya. Lumapit na rin siya sa gawi nito upang iabot rito ang saklay nito. Nang tuluyan itong nakababa sa kama ay nauna na itong naglakad sa kanya. Nakasunod lang naman si Faith sa likuran nito. At hindi naman maiwasan ni Faith ang mapatitig sa magandang pangangatawan ng binata. Kahit saang anggulo kasi niya tingnan ang binata ay hindi niya maitatangging gwapo ito. Likod pa lang nito ay nakakalaglag panty na este puso pala. Hindi tuloy napigilan ni Faith mapangiti sa iniisip at iyon ang saktong nakita ni Xavier ng lumingon ito sa likuran nito. May dumaan na namang kakaibang emosyon sa mga mata nito nang makita nito ang ngiti niya pero pagkurap ng mata niya ay nawala na ang kakaibang emosyon na iyon. Para lang talagang kidlat iyon sa bilis na nawala.
Haist...
"Hmm...Sir di ka ba nahihirapan sa paglalakad?" tanong niya sa binata sabay nguso sa naka-cast na binti nito. Wala kasi siyang ibang masabi rito ng humarap ito sa kanya. Pero sa halip na sagutin ni Xavier ang tanong niya ay senenyasan siya nitong lumapit rito. Agad namang tumalima si Faith. And her heart beating like crazy at her chest when Xavier put his hands around her shoulder.
"Let's go." sabi ng binata at nagpatiunang naglakad. At dahil nakaakbay ito sa kanya ay umagapay na rin siya sa paglalakad. Habang dahan-dahan silang naglalakad patungo sa kanilang direksiyon ay nakahawak naman si Faith sa kaliwang dibdib niya dahil sa bilis ng tibok niyon. Hindi maipaliwanag ni Faith kung bakit nakakaramdam siya ng ganoon sa tuwing malapit lang ang presensiya ni Xavier. Nakaramdam din siya ng bahagyang kaba baka kasi marinig nito ang tibok ng puso niya dahil ang lapit lang nilang dalawa.